CHAPTER 22

2.1K 61 0
                                    

CHAPTER 22

"IKAW pala si Clyde na sinasabi ni Jace. Ilang taon ka na? Ano'ng buong pangalan mo? Saan ka nakatira? Sino'ng parents mo? May ipapakain ka ba sa anak ko?"

Parang gusto nang lumubog ni Nhica sa kinauupuan nang paulanan ng tanong ng daddy niya ang lalaking katabi niya sa love seat. Nasa sala sila nang mga oras na iyon. Ang Daddy niya ay nakaupo sa mahabang sofa habang ang Mommy niya ay naghahanda ng meryenda.

"Dad!" namumulang pigil niya sa ama. Gagana ba ang pagiging lawyer nito sa pag-i-interrogate kay Clyde?

Naku naman, oo. Bakit pa kasi sumama dito sa loob ang lalaking ito? Pasimpleng tiningnan niya si Clyde. He's still smiling na tila tuwang-tuwa pa sa mga itinatanong ng ama niya.

Actually, hindi naman niya gustong iharap ito kina Norman at Yvette, parents niya. Namalayan na lang niya na papasok na si Clyde sa gate nila at kahit anong taboy ang gawin niya ay tumuloy pa rin ito sa bahay nila. Hindi niya pa nga ito napapatawad, eh.

"Sir, my whole name is Clyde Joseph E. Cortez. I'm seventeen years old. I'm currently living at Elitista Subdivision. My parents... My father's name is Claudio Cortez."

Habang pinapanood magsalita si Clyde, napansin ni Nhica na naging uneasy ito nang banggitin ang magulang.

"And your mother?"

Lihim siyang sumang-ayon sa tanong ng ina pagkalapag nito tray na may macaroni salad at iced tea. Naupo si Yvette sa tabi ng asawa.

"My mother... unfortunately, she died when I was six."

He's still smiling but Nhica felt the sadness on his voice. Bumaha ang awa niya para dito. Parang gusto niyang haplusin ang makinis na pisngi nito at yakapin ito ng sobrang higpit. Gusto niyang sabihin dito na hindi na siya galit at bati na sila. In the first place ay iyon naman talaga ang nararamdaman niya. Pinapatawad niya na ito sa kasalanan nitong hindi nito alam na iyon ang ikinagagalit niya.

"Oh, I'm sorry, iho," agad na hinging paumanhin ng mommy niya.

He smiled. "It's alright, ma'am. Matagal na namang nangyari iyon kaya tanggap na namin ng kapatid ko."

"I'm really sorry. Anyway, honey, nakapagpakilala na ba tayo? Parang ang narinig ko pagkaupong-pagkaupo nitong mga bata ay ang mga tanong mo."

Mabuti naman at naalala pa iyon ng mommy niya.

"Yeah. I'm about to do that, hon. Ako nga pala si Attorney Norman Concepcion at ito ang maybahay ko na si Yvette Concepcion."

"It's nice to meet you, ma'am and sir."

Mukhang nakuha agad nito ang loob ng mommy niya. Maaga rin kasi itong nawalan ng ina, ang lola niya.

"Nice to meet you, too, Clyde. You call us Mommy and Daddy. Tutal ay kasintahan mo na naman ang dalaga namin."

Napapiksi siya sa kinauupuan. "Kasin-- What?"

"Yvette, don't you think it's a little too early for him to call us that--"

"Norman, I said he will call us Mommy and Daddy," giit ni Yvette na may halong pagbabanta ang tinig.

Napabuntong-hininga na lamang si Norman. "Okay, as you said."

Siya naman ay hindi maipinta ang mukha. Napaka-advance naman mag-isip ng mga ito. Hindi naman sa nagrereklamo siya. Maganda nga iyon at tanggap ng mga ito ang binata pero saan nga ba nakuha ng mga ito ang ideya na iyon?

Nang magsalita ang kanyang ina, nasiguro niya kung kanino galing iyon.

"Ikaw, Nhica, bakit ngayon mo lang iniharap itong boyfriend mo sa amin? Aba! Kung hindi pa nasabi sa amin ni Jace ang tungkol dito ay hindi pa namin malalaman!"

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon