CHAPTER 6

2.4K 56 0
                                    

"BASTED to the nth power. Okay ka lang, dude?"

Binato ni Clyde ng masamang tingin si Mackey. Katabi nito sina Grendle at Aser na pawang may nakakalokong ngiti sa mga labi. Si Von naman ay iiling-iling lang.

Kaaalis ni Nhica kasama ang, tingin niya ay, kapatid nito matapos siyang sigawan.

"Seriously, bakit ba napakahirap i-explain ng mga babae, mga 'tol?" reklamo niya. "Ipinagtanggol ko na nga pero nagalit pa sa akin? Ang labo!"

"Slow lang talaga tayong mga lalaki minsan pagdating sa mga mood swings ng mga babae." Tinapik ni Von ang balikat niya.

Inimbitahan sila nitong tumugtog ngayon sa bar nito. Monthsary kasi nito at ng girlfriend nitong si Irene. Kaibigan nila ang magkasintahan kaya pinaunlakan nila kahit hindi sumipot si Kyle. Sa pagkakaalam niya ay namumroblema ito sa ina at sa babaeng mahal.

"So, it's all my fault?" Siya na nga ang tumulong, siya pa ang masama? "Lalo yatang lumabo?"

Tumawa si Von. "Soon, you'll understand what I'm saying. Let's go back inside. Hindi pa tapos ang mini concert ninyo. Hinihintay na rin kayo ng mga girlfriends niyo doon."

Nagpauna nang pumasok sina Von at ang butler nito.

"Sina Grendle at Aser lang ang may girlfriend dito, dude," pahabol ni Mackey.

Nang mawala sa paningin nila ang mga ito ay binalingan niya ng nagtatanong na tingin ang mga kaibigan. Hindi niya talaga makuha ang gustong ipakahulugan ni Von.

"Wala pa akong alam d'yan, dude. Don't ask me."

"Mahina ako sa Psychology, Clyde. Ito'ng si Aser ang tanungin mo. Ganyan din sa kanya si Krizhia noon."

"Ako? Bakit ako? Ah! Itanong mo na lang kay Krizhia."

He frustratedly sigh. Minsan talaga ay wala siyang maaasahan sa mga kaibigan.

Pero bakit nga ba niya ini-stress ang sarili sa pag-iisip niyon? It's just Nhica Marae. One of the girls na may pagkaamazona. Ang babaeng tinakbo niya kanina nang mamukhaang ito ang kasali sa away na iyon. Dahil lang naman dito kung bakit niya nasigawan ang mga babaeng iyon kanina.

Inis na ginulo niya ang buhok niya. Bakit niya ba ginawa iyon? It's just her!

"This is the first time na nakita kitang ganyan ka-frustrate, Clyde."

Lumipad ang paningin niya kay Aser. Nakakainis ang paraan ng pagkakatingin nito. Parang nanunudyo na ewan.

"Hindi ako frustrated. Naiinis lang ako sa ugali ng mga babae."

"So, naiinis ka kay Nhica, dude? Magku-quit ka na sa panliligaw sa kanya?"

"She's a challenge to you, Clyde. This is also the first time na sinigawan ka ng isang babae at sinabing layuan mo siya."

"Yeah. Grendle's right. Ang sakit sa ego niyon," sang-ayon ni Aser.

Masakit nga sa ego iyon. Pero kailangan ba talagang ipagngalandakan ng mga ito?

"Shut up, mga 'tol. Hindi kayo nakakatulong."

"O, eh, paano na nga? Lulubayan mo na siya?" pangungulit ni Grendle.

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon