CHAPTER 25
"ARE you alright now?"
Lumayo si Nhica kay Sean at pinahid ang kanyang mga luha. Nahimasmasan na siya pero tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha niya.
"Ayoko talagang may nakikitang umiiyak na babae. But I know they need to cry to lessen the pain they're carrying." Naglabas ng panyo si Sean at ito na ang nagpahid ng mga luha niya.
Nahihiyang kinuha niya iyon dito at siya na ang nagtuyo sa mga luha niya.
"Nakakahiya talaga sa 'yo, Sean. Nabasa ko tuloy ang damit mo. Pero salamat, ha? Nandyan ka para damayan ako."
Sean smiled like everything was fine with him. "It's alright, Nhica. Medyo sanay na ako."
"What do you mean?"
Lumawak ang ngiti nito. "Donita, Krizhia, Irene and Jazmine. Now, you. Ilang babae pa kaya ang paiiyakin ng mga myembro ng The Rebel Slam bago sila magtino?"
Napakunot ang noo niya. Huwag nitong sabihin na ito rin ang naiyakan ng mga girlfriend ng The Rebel Slam? Except, of coarse, doon sa isang binanggit nito na hindi naging nobya ng mga myembro banda. Kahit paano ay kilala niya si Irene. Bestfriend kasi ito ni Donita.
At teka, paano nito nalaman na myembro ng bandang iyon ang dahilan kaya siya umiiyak ngayon? Nabanggit niya ba ang pangalan ni Clyde? Hindi yata.
Pero kailangan niya pa bang magtaka? Alam yata nito ang lahat ng nangyayari sa paligid nito.
Nilinga niya ang paligid. Nasa dulo na siya ng compound ng university. Hindi niya namalayan na ganito na kalayo ang narating niya. Walang estudyanteng naglipana doon. Marahil lunch break. Paanong narito si Sean?
"Galing ako sa office ng University President," anito nang siguro ay mabasa ang nasa isip niya. Itinuro ni Sean ang building na pinakamalapit doon. "Nakita kita kaya sinundan kita. Nag-alala kasi ako nang mapansing umiiyak ka."
Nahihiyang ngumiti siya dito. Wala siyang choice kundi sabihin dito ang nangyari. Tutal dinamayan naman siya nito.
"Si Clyde kasi, eh..."
"What about him?"
"M-may girlfriend na siya." Nag-init ang sulok ng mga mata niya nang maalala ang nakitang kissing scene ng mga ito. Kung paanong akbayan ni Clyde ang babaeng iyon. Tumingala siya para pigilin ang pagluha.
"Really? Hindi ba't ikaw ang girlfriend ni Clyde?"
"Hindi. I mean, hindi ko pa siya sinasagot. Ang tanga ko lang dahil naniwala ako sa kanya nang sabihin niyang mahal niya ako at handa siyang magbago. Tapos ngayon, makikita ko siyang kaakbay ang bagong girlfriend niya."
Pinahid niya ang luhang tumulo sa mga mata niya.
"Have he told you the reason why he's doing that?"
"Hindi." Iyon nga ang masakit. Hindi man lang ito nag-warning na sasaktan siya. Wala itong sinasabi.
"Why don't you ask him?"
Tiningnan niya si Sean. Seryoso ba ito?
"Kailangan ko pa bang itanong? Maliwanag naman na napagod na siya sa kakaligaw sa akin. Baka hindi talaga siya seryoso sa akin..."
"I don't think so."
Nauntol ang pagluha niya nang sabihin nito iyon. Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya sa mukha nito.
Nagkibit-balikat ito. "Ngayon ko lang kasi nakitang nagselos si Clyde at naging possesive sa babae. It's kinda odd for someone like him. You should talk to him. Ask him. If you easily give up on him, it means, you really don't love him."
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Teen Fiction"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...