CHAPTER THIRTY-SEVEN
ILANG beses ikinurap ni Nhica ang kanyang mga mata. Ngunit kahit na kinurot na niya ang sarili, nananatiling nakatayo sa harapan niya ang matangkad na lalaking katabi ni Clyde. Walang iba kundi si Don Claudio Cortez.
"Good evening," bati nito.
Saka lang niya napagtanto na kanina pa niya ito tinititigan. Kanina pa rin sila naroon sa gate ng bahay nila.
"G-good evening din po."
After their first encounter, hindi niya inaasahan na pupunta ito sa bahay nila. Ano nga pala ang sadya nito?
Ibinaling niya ang paningin kay Clyde. Ngunit pati ito ay mukhang naguguluhan sa ama. He gave her a worried look.
Tumikhim si Claudio. "May we come in, Nhica Marae Concepcion?"
Napapitlag siya nang banggitin nito ang buong pangalan niya. Mukhang wala siyang magagawa kundi patuluyin ito ay at pakiharapan ng maayos. It's not that she doesn't want to. Ang totoo niyan, gusto niya pa ngang makapagpa-impress dito at nang payagan na nito ang relasyon nila ni Clyde. It's just that, she was nervous or afraid or some feelings you called when you met your boyfriend's parent.
Niluwagan niya ang gate nila. Natanaw niya sa kalsada ang magarang kotse nito.
"D-dito po, Sir." Iginiya niya ito papasok sa front door. "'Nhica' na lang po ang itawag ninyo sa akin. Masyado pong mahaba ang buong pangalan ko."
"If you wanted to, so be it."
Clyde walked beside his father watching his every move. Hindi maipagkakailang mag-ama ang mga ito. Parehong-pareho ang mga ito sa tindig, hitsura at karisma.
"Narito nga po pala si Charle," aniya. Actually, palagi naman sa kanila si Charlize. Makikipaglaro ito ng basketball kay Jace pagkatapos ay sa kanila na tutuloy at magdi-dinner. Saka pa lang ito uuwi.
"Really? Kaya pala hapon na ay hindi pa siya umuuwi."
Wala siyang naririnig na iba sa tono nito. It's just a plain answer for a casual talk. Kahit paano ay nababawasan na ang kaba niya.
"Nhica Marae, sino'ng dumating?" It was her father, si Norman. Sinalubong siya nito sa front door. Napatigil ito nang makita ang bisita nila. Norman knotted his forehead. "O, Clyde, bumalik ka pala."
"Yes, Tito Norman. Ahm..." Sinundan nito ng tingin ang tingin ng daddy niya nang lumipat iyon sa katabi nito.
"I'm Claudio Cortez, Clyde's and Charlize's father." Inilahad nito ang palad. "You must be Nhica's father."
Halatang nabigla ang daddy niya ngunit bilang abogado, madali nitong naibalik ang composure nito. Tinanggap nito ang pakikipagkamay ni Claudio.
"Yes, my name's Norman Concepcion." Nagbitaw ang mga ito ng kamay. "Well... This is an unexpected visit. I hope my wife can do something about this. Let's go inside."
"Your wife seemed reliable."
"She is," buong pagmamalaking sabi ng daddy niya habang niyayakag papasok si Claudio. "Tamang-tama ang dating ninyo. Naghahanda na ng dinner si Yvonne."
Naiwan sila ni Clyde sa pintuan. Napabaling siya dito nang halikan nito ang pisngi niya.
"Bakit nandito ang daddy mo?" She was preoccupied about his father's arrival.
"Hindi ko rin alam. Nadatnan ko siya sa kwarto ko kanina. Then, niyaya niya akong pumunta dito. Ang sabi niya hindi siya mag-eeskandalo. But I doubt it." Tinanaw nito ang ama na nakikipagkwentuhan na sa daddy ni Nhica. Naupo ang mga ito sa sofa habang sina Jace at Charle ay naglalaro naman ng chess sa center table. Nagulat din ang kapatid nito nang makita ang ama nito doon. Kahit ito ay may nakabalatay na pag-aalala sa mukha. Clyde sighed. Ibinalik ang mga mata sa kanya. "Hindi ko hahayaang may gawin siyang masama sa inyo, Nhica Marae. Dadaan muna siya sa machong katawan ko."

BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Teen Fiction"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...