CHAPTER 21
"WHO will see the beauty in your life?
And who will be there to hear you when you call?
Who will see the madness in your life?
And who will be there to catch you if you fall?"
***NP: Beauty and Madness***
Nakangiti silang lahat habang pinapanood si Grendle na haranahin sa stage si Donita. Kahit kailan ay napaka-sweet ng lalaki dito.
"Kiss! Kiss!"
Naki-cheer pa si Nhica nang isigaw iyon ni Krizhia matapos ang kanta. Kinikilig siya sa dalawang ito! Hindi na siya bitter, eh. At friends na sila ni Donita.
And so Grendle kissed his girlfriend. Hindi niya lang nakita ang climax dahil may tumakip sa mga mata niya. Inalis niya ang kamay na iyon sa tapat ng mukha niya at tiningnan ng masama ang may-ari niyon.
"Rated PG talaga ang dalawang iyan. Bawal sa bata, Nhica Marae."
"Kutusan kaya kita d'yan? Hindi ko tuloy nakita."
"You wanted to see that scene?"
"Oo naman, Clyde. Ano'ng kabigla-bigla doon?"
"Ah... Wala. Wala naman."
Naiiling na ibinaling niya ang paningin sa harapan. Ang weird minsan ng Clyde na ito.
"Sorry, Nhica Marae. Kala ko kasi..."
Bumaling siya ulit dito. Nagkakamot ito ng batok.
"Ano?" untag niya.
"Wala. Sorry lang."
"Ang weird mo. Ewan ko sa 'yo."
"Uy, Nhica Marae. Sorry na. Huwag ka nang magalit," kalabit nito sa kanya.
Hindi naman siya galit dito. Wala naman sa kanya kung hindi niya nakita ang rated PG na scene na iyon. Napagti-trip-an niya lang ito.
"Okay."
"Galit ka, eh."
"Hindi."
"Weh? Tingin ka nga sa akin?"
"Ayoko nga. Papanoorin kong kumanta si Aser."
Nagulat na lang siya nang biglang tumayo si Clyde at nagtungo sa stage. Inagaw nito ang mic kay Aser.
"Sira talaga ang tuktok ng lalaking iyan," sambit niya. Pero hindi niya mapigilang ngumiti.
"'Uyy! Haharanahin siya. Kiligmuch!"
Napatingin siya kay Donita pero agad ding ibinalik ang pansin kay Clyde nang magsalita ito sa mikropono.
"Nhica Marae, this is for you. Sorry na."
Naghiyawan ang mga kasama nila. Nagkanya-kanyang kantyaw ang mga ito.
"Dude Clyde, ang hot mo! Baka masunog si Nhica dito!"
"Your the man, Clyde. Go, go, go!"
"Pare, nakakabakla ka!"
Sinenyasan ni Clyde na huwag mag-ingay ang mga kaibigan. Tumahimik naman ang mga ito. Nagsimula na itong kumanta.
"Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas..."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Alam niya kanta na iyon. Unang rinig niya pa lang doon ay gusto na niya kaagad. Napakasarap kasi niyong pakinggan. Bukod pa sa tinatamaan siya sa bawat liriko.
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Fiksi Remaja"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...