CHAPTER 13

2.2K 59 0
                                    

A/N: Pasenya na kung matagal ang update at maiiksi. hindi ko kasi matantsa kapag nagtatype ako eh.. salamat sa pagbabasa! MWahh

CHAPTER 13

KAHIT tamad na tamad ay bumangon si Nhica at nag-ayos ng sarili. Maaga pa ang pasok niya ngayon at may quiz pa nga pala sila sa first subject nila na iyon. Ang kaso, dahil sa nangyari kagabi ay hindi siya nakatulog ng maayos at nawala na rin sa isip niya ang pagre-review.

‘Lintik kasing Clyde na ‘yon!’

Kasabay ng panggigigil nang maalala ang nangyari kagabi ang pamumula ng mga pisngi niya. Parang gusto niyang i-murder ang hinayupak na iyon kapag nakita niya mamaya. Hindi pa man nagsisimula ang araw niya ay sira na ang mood niya.

‘Lahat kasi ng tinatago mong katangahan, inilabas mo kagabi, Nhica Marae!’

Sabagay, siya rin naman talaga ang may kasalanan kung bakit siya na-basted ng wala sa oras. Ikaw ba naman, out of the blue ay bigla mong sasagutin iyong lalaki na ipinangako mong hindi mo magugustuhan kahit kalian. Hay! Ngayon, wala na siyang mukhang maiiharap sa Clyde na iyon.

Teka, bakit niya ba ito iniisip? Mas dapat niyang isipin ang oras dahil oras na para pumasok siya!

7:45 na! Alas otso pa naman ang klase niya. At sigurado namang nakaalis na ang dad niya ng ganitong oras. Wala siyang magagawa kundi ang mag-commute. Isa lang kasi ang sasakyan nila. Iyong ginagamit ng daddy niya sa pagpasok sa opisina nito.

Patakbong bumaba si nhica. Dideretso na sana siya sa labas pero naharang siya ng kanyang ina.

"Papasok ka na? Kumain ka muna."

"Hindi na, mommy. Sa school na lang po ako magbebreakfast. Late na po talaga ako, eh."

"Sandali, magbaon ka kahit sandwich."

Bago pa siya makapag-react ay nakapasok na ito sa kusina. Tiningnan niya ang relo. Thirteen minutes na lang. Pero hindi niya pwedeng layasan na lang basta ang ina. Malalagot siya kapag nagkataon.

Ilang saglit lang naman ay nasa harap na niya ito. Hawak ang isang paper bag.

"Ang kapatid mo hindi pa umuuwi mag aalas otso na. May pasok pa iyon ngayon, ah."

Hay naku. Baka nga naghihilik pa si jace ngayon sa mansion nina clyde. Mabubungangaan na naman ang kapatid niyang iyon pagdating nito.

"Baka po sobrang busy nila sa ginagawa nilang project. Sige po. Papasok na po ako."

"Sige. Mag-iingat ka."

Matapos tumango ay halos takbuhin na niya ang gate nila. Late na talaga siya.

Muntik pa niyang mabunggo ang kapatid niya na kapapasok pa lang sa gate.

"Ate Nhica! Bakit hindi mo sinasabing boyfriend mo na pala si kuya Clyde?" nakangising bungad nito sa kanya.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya. Parang gusto niya itong sapukin. Paano magiging sila? Eh binasted nga siya ni Clyde kagabi, di ba? Di ba?

"Magtigil ka nga diyan, Jace! Hindi ka nakakatuwa. Pasalamat ka at nagmamadali ako ngayon. Pumasok ka na sa loob at kanina ka pa hinahanap ni mommy." Tiningnan niya ito ng masama. "Hindi pa tayo tapos."

Napakamot lang ito ng ulo.

Siya naman ay nagpatuloy na sa paglabas. Para lang mapahinto nang makita kung sino ang sakay ng motorsiklong nakapark sa tapat ng gate nila.

"Goodmorning, Nhica Marae!"

Pinigil niya ang pagnanais na bumalik sa bahay nila nang makita si Clyde. Hindi niya alam kung bakit biglang sinalakay ng kaba ang dibdib niya. Siguro ay dahil sobrang gwapo at fresh nito ngayong umaga. He's wearing his college uniform but still he looked hot.

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon