CHAPTER ONE

4.8K 78 1
                                    

CHAPTER ONE

"CAN'T count the years on one hand that we've been together

I need the other one to hold you

Make you feel, make you feel better

It's not a walk in the park to love each other

But when our fingers interlock, can't deny, can't deny, you're worth it..."

"We love you, Krizhia!!!"

Bahagyang lumayo si Nhica at binato ng tingin ang mga katabing nagsitilian.

Oo nga't maganda at magaling ang bokalista ng Sinner Saints. Ngunit kailangan bang magsitilian ng ganito ang grupo na ito? Parang nang tumugtog ang The Rebel Slam ay ganito din magsipagwala ang mga ito, ah! Sabagay, nasa stage din at tumutugtog ang bassist ng The Rebel Slam na si Aser.

But still...

"Akin ka na lang, Krizhia!"

"Idol!"

"Pa-kiss! Nakakainlove ka, Krizhia!"

"Aser! Ang galing mo talaga!"

Napapailing na tinungo niya ang gilid ng bulwagan na iyon kung saan kakaunti lang ang nakatambay.

First acquaintance party niya iyon bilang college student. Gusto niya sanang i-enjoy. Pero sa tuwing napapagawi ang paningin niya sa magkasintahan na iyon ay nawawala siya sa mood.

"Coz after all this time

I'm still into you..."

Muling dumako ang paningin niya sa gilid ng stage. Tila may kumurot sa puso niya nang makitang magkaakbay sina Grendle at ang official girlfriend nito na si Donita. Yes, si Grendle. Ang bokalista ng bandang The Rebel Slam.

"I should be over all the butterflies

But I'm into you, I'm into you

And baby even on our worst night

I'm into you, I'm into you

Let 'em wonder how we got this far

Coz I don't really need to wonder at all

Yeah, after all this time

I'm still into you..."

It's been months nang matamo niya ng greatest rejection sa buhay niya: Ang balewalain ni Grendle ang pag-ibig niya. Sobrang sakit. Hindi niya alam kung ilang gabi siyang umiyak dahil doon. Lalo na nang i-announce nito sa buong mundo kung gaano nito kamahal ang kasintahan. Pero ganoon man ang nangyari, nakakapagtakang hindi pa rin nawawala sa puso niya ang nararamdaman para dito.

'I'm still into him,' bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mga ito. Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. Masokista nga yata siya. Gustung-gusto niyang nasasaktan ng ganito.

"Hey!"

Muntik na siyang atakihin sa puso sa gulat nang may biglang umakbay sa kanya. Nilingon nito.

Ang maaliwalas at malapad ang pagkakangiting mukha ng drummer ng The Rebel Slam ang sumalubong sa kanya. Napasimangot siya. Ano na naman bang problema ng lalaking ito?

"It's nice to see you here, Nhica Marae! How are you?" masiglang bati ni Clyde.

"Ngayon, hindi na ako okay."

"Why? Do you feel goosebumps because of me?"

Parang gusto niyang dukutin ang mga mata nito nang kumislap doon ang kapilyuhan. Sayang nga lamang dahil magaganda ang pares ng mata nito.

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon