Chapter 24

1.8K 56 9
                                    

CHAPTER 24

"DARLING, saan tayo magde-date mamaya?"

Napatingin si Clyde sa babaeng kaakbay niya habang palabas ng Tourism building. Ang current girlfriend niya na niligawan niya lang sa loob ng limang minuto kaninang umaga. He stared at her. He doesn't know but it felt that everything is not right. Hindi tamang nakaakbay siya dito at mas lalong hindi tama na ang mukha nito ang nakikita niya ngayon.

"Darling? Something wrong? Nagagandahan ka yata sa akin kaya ka nakatitig ng ganyan, eh."

Napailing siya. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganito. Tama. Hawak niya ang damdamin niya kaya mauutusan niya iyong gustuhin ang babaeng ito kahit sandali lang.

But why did he felt that he's cheating with someone?

Pinilit niyang ngumiti sa magandang babaeng Tourism student at itinaboy sa isipan ang bagay na iyon.

"Of coarse, darling. Sobrang ganda mo kasi. I can't take my eyes off you."

The girl... Wait ano nga bang pangalan nito? Gezz, hindi na niya maalala. Anyway, the girl put her arms around him.

"Iyan naman ang gusto ko sa iyo, eh. Ang lakas mong mambola."

Bahagya siyang natawa. Alam naman pala nito pero nakapulupot pa rin sa kanya.

"I'm just telling the truth. Hindi ka ba naniniwala na maganda ka?"

"Of coarse, I do. Lalo na kung sa iyo nanggaling." Tumingkayad ito at hinalikan siya sa labi.

There's a part of his brain na nagsasabing umiwas siya. Pero hindi niya iyon ginawa.

"Dude!"

Napatingin siya sa harapan. Napangiti siya nang makita si Mackey.

"O, 'tol! Buti naabutan mo kami--" Lumagpas ang paningin niya dito... papunta sa babaeng nakatayo sa likuran nito.

Halata ang pagkabigla sa mukha nito. Tila hindi makapaniwala sa nakikita.

Awtomatikong nabitawan niya ang babaeng katabi.

Nhica Marae...

Gusto niyang tumakbo palapit dito pero pinigil niya ang sarili. Sasaktan niya lamang ang babaeng ito kaya mabuti pang habang maaga, habang hindi pa siya nito gaanong nagugustuhan, ay iwasan na niya ito. He will do no good on her.

Ibinalik niya ang braso sa balikat ng current girlfriend niya. Pinilit niyang ngumiti kay Nhica.

You will get over me, Nhica Marae. Kung may gusto ka na sa akin, ibaling mo na lang iyan sa iba. Someone worthy. Someone not like me.

Napakurap si Nhica. Lumipat ang paningin nito sa kamay niyang nakaakbay sa babae. Gumuhit ang sakit sa mga mata nito. Then, she paced backward and leave at once.

Ngayon ay tila gusto na niyang iumpog ang sarili sa pader. Bakit parang mas nasasaktan siya sa ginawa niya?

Darn it, Clyde! Ang sarap mong sapakin!

"Dude, what the hell is happening? Hindi mo ba susundan si Nhica?"

Lumunok siya para alisin ang bara sa lalamunan niya. Pinilit niyang alisin ang mga mata sa papalayong si Nhica. Ang hindi niya maalis ay ang libo-libong karayom na tumutusok sa puso niya nang mga oras na iyon.

"Why would he do that, Mackey? Ako ang girlfriend niya kaya sa akin siya dapat manatili--"

"She's right." Bumaling siya kay Mackey. "We're going to have a lunch. Gusto mong sumama, 'tol?"

"Tsk. Tsk..." naiiling na wika nito. Sa tingin nito sa kanya ay tila gusto siya nitong pitseran. "I deserve an explanation, aren't I?"

Yeah. Pagkatapos niyang ibandera sa mga kaibigan na mahal niya ang babaeng sinasaktan niya ngayon, hindi siya patatahimikin ng mga ito hangga't hindi nalalaman ang totoong dahilan.

-------

ALAM ni Nhica na malayo na ang nalalakad niya subalit hindi pa rin siya humihinto. Nakapagtatakang hindi rin nananakit ang mga paa niya. Marahil ay namanhid na rin dahil sa nakita niya ilang minuto palang ang nakakaraan.

Clyde was kissing other girl. Totoo ang sinabi ng dalawang babae na humarang sa kanya. Kitang-kita iyon ng mga mata niya. Kita niya rin kung paanong ipagmalaki ni Clyde ang babaeng sa paraan ng pag-akbay nito dito.

Pakiramdam niya ay isang punyal ang paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya. Daig pa niyon ang sakit na naramdaman niya noon kay Grendle sa tuwing kasama nito ang girlfriend.

Clyde, ang sabi mo mahal mo ako? Bakit may girlfriend ka na kaagad? Bakit hindi mo tinupad ang mga sinabi mo? Bakit ngayon pa na mahal na mahal na kita?

"Nhica?"

Napahinto siya nang may humawak sa dalawang braso niya para patigilin siya sa paglalakad. Nag-angat siya ng mukha. Ang nag-aalalang mukha ni Sean ang bumungad sa kanya.

"S-Sean..."

"Are you alright, Nhica? What happened?" concerned na tanong nito.

"A-ayos lang ako. Wala... Walang nangyari." Kailangan na niyang makauwi para pag-isipan ang lahat. At para na rin malayang makaiyak.

"I don't believe you." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Umiiyak ka."

Mabilis na pinahid niya ang mga pisngi. Tama nga ito. Lumuluha nga siya.

"Nhica..."

Tumikhim siya. Hindi siya makatingin ng deretso dito. Mas lalo kasi siyang naiiyak sa pinapakita nitong concern.

"A-ayos lang ako, Sean. S-sige, uuwi na ako."

Subalit hindi niya maigalaw ang mga binti. Hindi niya rin mapigil ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha.

"You're not okay."

"I-I'm fine..." Hindi na niya napigil at tuluyan na siyang napahagulgol sa harapan nito.

Bakit mo kasi sa akin ginagawa ito, Clyde? Bakit mo pa ako pinaamo kung iiwan mo rin lang ako sa ere bandang huli? Parte lang ba ang lahat ng sinabi mo noon na nakaka-challenge ako? Pinaglaruan mo lang ba ako?

She knew. No matter how she ask these in herself, hindi siya makakakuha ng sagot. Hindi na niya alam ang iisipin niya. Biglang nablanko ang utak niyang punung-puno ng talino. Nawala rin pati ang tapang niya.

Naramdaman niya ang pagkabig sa kanya ng lalaking kaharap. Wala siyang magawa kundi umiyak sa dibdib nito.

"It's alright, Nhica. Everything will be alright."

"Sean, ang sakit-sakit, eh! Bakit niya nagawa sa akin iyon?"

"Siguro ginawa niya iyon dahil may mabigat siyang dahilan."

"Akala ko, okay na kami. Akala ko nagbago na talaga siya. Akala ko mahal niya talaga ako pero bakit gano'n? Napakadali niya akong ipagpalit sa iba?"

Hindi ito umimik. Hinayaan lang siyang magsalita habang hinahagod ang likod niya.

"Nakakainis lang, eh, kung kailan handa na akong tanggapin siya. Kung kailan mahal ko na rin siya. Saka naman niya ipapakita sa akin iyong magandang girlfriend niya. All this time, niloloko niya lang pala ako. Ang tanga ko lang dahil alam ko na na ganito ang mangyayari pero hinayaan ko pa ang sarili kong mahulog sa kanya," mapait na sabi niya. Habang sinasabi iyon ay ramdam niya ang pagguhit ng sakit sa dibdib. "Talaga bang ganito, Sean? Kaninang umaga napakasaya ko pa pero ngayon, heto ako at umiiyak sa iyo. Sorry, Sean."

"Sshh. It's alright. Nakahanda akong tumulong sa lahat ng kaibigan ko. Umiyak ka lang hanggang hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman mo. Think that you have someone to turn to here."

Napahikbi siya. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng taong makakaintindi sa kanya. Ng isang tunay na kaibigan...

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon