CHAPTER 5

111 15 22
                                    

Gusto ko sabihin kay papa kung pwede bang palitan ko ang escort ko sa debut ko dahil ang hirap na pakisamahan ni Andrew, sa t'wing kasama ko siya sa halip na matuwa ako sa pang aasar niya mas lalo lang akong nasasaktan.

I wanted to tell him na kung pwede si Bryce na lang pero hindi din pwede kasi alam na ni andrew, hindi ko alam kung anong naisip niya nang matanggap ang invitation galing kay papa.

It's been a months, and it's already january, sa ilang buwan na lumipas palagi kong kasama si bryce, hindi na ako masyadong sumasama sa kaibigan ko kapag kasama si Andrew, I always try my best to avoid him pero dahil napapansin ng mga kaibigan ko 'yong napipilitan akong sumabay minsan.

I introduce Bryce to them as my friend.

"Malapit na 'yung celebration ng debut ko pero hindi ako excited."wala sa sarili kong saad

"Siguro dahil hindi 'yon ang araw ng birthday mo kaya gano'n."bryce said, Tumango ako sa kanya. Mas gusto ko sana sa mismong birthday ko pero ayaw naman nila papa dahil may iba silang balak para sa araw na 'yon.

I still don't know what that was all about  but I admit that I'm excited. Mas excited ako do'n kaysa sa darating na party next week.

"Kamusta 'yung long quiz niyo?"He asked to change the topic, sinulyapan ko siya, he's busy watching those student who played soccer.

"Ayos lang! I'm confident with all my answer."mayabang kong saad, tumango siya at mahinang natawa, nasa field pa rin ang tingin.

"You like soccer?"Tanong ko

"I don't! I just curious why they love to play that."he said

"So you preferred basketball more than soccer?"I asked again, he shook his head.

Sa pagkakaalam ko maraming lalaki ang may gusto sa basketball, siguro nga ay ito 'yung paborito nilang sports. And it's very popular. 

"I don't like soccer and basketball. Weird right? But I must prefer for martial arts rather than playing those sports." gulat akong tumingin sa kanya at namamangha.

"So you know how to fight? Self defense and something?"I asked

Tumango siya at agad akong napangiti ng malapad, Maybe I should asked him to fight me. Bukod kay papa at kuya wala pa akong nakakalaban.

"Lets fight, I wanted to know if I can beat you."nakangisi kong saad, lumingon siya sa akin at ngumiti ng malapad.

"I don't fight girls, flaire, so I can't"He said, umirap ako sa sinabi niya. 

"Ano ba yan."

"Maybe soon, when you ..."

"Ano? Hindi ko narinig."

"Wala!"ngumisi siya at agad na tumayo, "tara na, malapit na mag time."saad niya at nagsimulang maglakad pabalik sa building nila. 

Pagod kong binagsak ang katawan ko sa may sahig, buong maghapon ako dito sa UG at lalabas lang ako kapag gutom at kailangan mag banyo. 

Tumayo ako ng marinig ko ang sigaw ni mama, mabilis kong tinanggal ang hand wrap sa kamay ko at tahimik na naglakad papasok sa loob ng bahay.

"Why, ma?"I asked

"Nasa sala si andrew, hinahanap ka."nakangiti niyang sabi, tumango ako at hindi pinansin ang mapang asar niyang ngiti.

Nakita ko andrew na nakaupo sa sofa at abala sa cellphone niya, hindi ko siya pinansin. Umakyat ako sa taas para maligo saglit. Sobrang pawis ako at ayokong humarap sa kanya na ang suot ay leggings at sports bra.

Chasing Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon