CHAPTER 17

72 10 26
                                    

Sa bawat araw na kasama ko siya pakiramdam ko malaya ako. Pakiramdam ko ligtas ako. Andrew always do anything just to make me feel like there's no other girl, only me. Tanging ako lang.

Nagsimula na ang sem break, hindi na ako abala dahil medyo naging madalang ang mga misyon ko kasi hanggang ngayon hinahanap ako ng tauhan ni Bustamante. Akala ko nga ay nagsawa na sila kakahanap sa akin.

Ilang araw na akong na ka kulong lang dito sa condo ko,lalabas kapag may kailangan bilhin. Gusto ko sanang puntahan ang mga kaibigan ko pero ang sabi nila ay may mga ginagawa sila ngayon.

Si elle pupunta daw ng Paris, hindi ko alam ang dahilan niya pero ramdam kong may gusto siyang takasan. Si liam naman busy sa kakabantay kay lian, minsan na nga lang ata 'yon magkatime sa girlfriend niya. Si Via naman kasama si Felix. 

Napabuntong hininga ako at umahon sa pagkakahiga. Maghapon na naman siguro akong manonood ng movies. 

Tamad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina para kumuha ng kahit anong pagkain. 

Tahimik akong nanonood ng movie sa Netflix ng biglang tumunog ang doorbell. Wala akong inaasahang bisita ngayon. 

Binalot ng kaba ang buong sistema ko. Tinuwid ko ang katawan ko at huminga ng malalim. Pumwesto ako sa gilid ng pinto at dahan-dahan itong binuksan

Nakahanda na sana akong sipain kung sino man ang na sa labas pero agad akong umayos ng makita ang nakangiting si Andrew. 

" bakit? Parang hindi ka naman masaya na nandito ako."saad niya,inirapan ko siya. Buti na lang at hindi masamang tao. 

"Bakit hindi mo sinabing pupunta ka?"tanong ko at umupo sa sofa. 

"Surprise nga e."sagot niya at nilapag ang dala sa mesa.tumayo ako para itapon ang basura ko sa trashcan. 

"Aren't you happy?"malambing niyang tanong 

"Of course I'm happy."sagot ko habang nakatayo sa harapan niya at umiinom ng dutch mill.

"I'm happy too. Come here." He said and pulled my wrist. He wrapped his right hand on my waist while the left hand was on my hair.

"Do you miss me that much huh? Kailan ka umuwi?"I asked 

"I missed you every time. Kakauwi ko lang."

"You must be tired,sana nag pahinga ka muna sa inyo."reklamo ko. 

He pulled me close to him, nawalan ako ng balanse kaya napa upo ako sa hita niya.

"I miss my girlfriend, gusto ko sa'yo dumiretso.I'll rest on your arm.hmmm"he whispered, I chuckled and combed his hair using my fingers.

He is my boyfriend.

"I'm going to court you."he said

"You'll court me everyday."I mumbled 

"I will…"

I combed his hair using my fingers, paano ako tatanggi kung hulog na hulog ako sa kanya. His simple gesture make me crazy. 

"I will wait...hindi kita minamadali. Handa akong maghintay kahit matagal."bulong niya, sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Bakit pa papatagalin kung sasagutin naman kita kinabukasan...pwede namang ngayon na agad. Basta ligawan mo ako araw-araw."

Ngumisi siya at niyakap ako "You're crazy huh"

"Sa'yo lang naman,drew...hindi ko alam kung ganito din sa iba."saad ko. Kumalas siya at kunot noo akong tiningnan. Para bang hindi niya gusto 'yung mga sinabi ko.

Chasing Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon