It’s been a week since Andrew and I became okay. Everything back to normal, parang hindi ako nawala bigla. But until now hindi pa rin makapaniwala si lian na nakabalik na ako.
Nagsimula na din ang pasok. Via and I became friends. Sinong mag aakalang makakakuha ulit ako ng bagong kaibigan. Noon okay na sa akin kahit si Andrew lang ang kaibigan ko, hanggang sa nakilala ko ang kambal at si Elle.
I didn’t expect to have a group of friends. I didn’t expect that I would have them.
Nakapalumbaba ako habang nakikinig sa prof namin. Halos isang oras na ang klase pero pakiramdam ko maghapon na akong nakikinig sa kanya. Sumulyap ako kay Via na seryosong nakikinig sa prof namin.
She looks serious. Gano’n naman talaga, sadyang inaantok lang ako ngayon kaya wala ako sa mood makinig sa prof namin. Alas dos na ako natulog kagabi dahil may mission ako.
“Huy” rinig ko, lumingon ako sa kanya
“bakit?”Bulong kong tanong
“Makinig ka, mamaya ka na matulog”nakangiti niyang saad. Tumango ako.
Kung basic lang ang Cost Accounting and Control tutulugan ko talaga ‘to pero dahil sa tunog pa lang nito halatang nakakadugo na ng utak.
“I’ll try.”sagot ko at muling tumitig sa prof namin na abala pa rin sa pagpapaliwanag sa harapan.
Tumayo ako at umunat. Finally after three hours natapos din. Gusto ko na umuwi at matulog. I want to rest because I don’t have a mission tonight. Magdamag akong matutulog.
“Uuwi ka na?”Tanong ni Via sa akin.
“Oo, ikaw? Inaantok ako, bessy.”saad ko at humikab.
“Madalas ka namang inaantok e, pakiramdam ko nga hindi ka na natutulog. Kung hindi ko lang alam na mayaman ka baka isipin ko nagtatrabaho ka sa gabi...pero dahil anak ka ni Sen. Torres alam kong mayaman ka.”mahaba niyang saad.
Humikab ako at tipid na ngumiti sa kanya. “Una na ako ah, Gusto ko na matulog. Bukas hindi na ako puyat.”natatawa kong sabi at nagpaalam ng aalis.
Pagdating ko sa Condo ko ay agad akong humiga sa kama. Hindi na nag abalang magbihis dahil sa sobrang antok.
Tahimik akong naka upo sa silya at nakapalumbabang nakatingin sa Prof namin sa understanding self. Siguro ito lang ‘yung para sa akin na medyo magaan na subject.
Habang nagsasalita si Ma’am ay seryoso lang akong nakikinig sa kanya. Kapag nagtatanong naman ay agad din akong sumasagot.
Lumingon ako sa right side ko. I don’t know him yet but he’s my rival. Wala naman akong pakialam sa grades pero sa t’wing kinakamusta ni Papa ang pag aaral ko bigla kong naalala ang lalaking katabi ko.
I admit he’s smart, mas matalino pa sa akin. Pero kung mas mag seryoso ako, There’s a chance na malamangan ko siya. But I don't want to compete with him.
Tumingin siya sa akin, I raised my Eyebrows and roll my eyeballs.
“Saan ka?”Via asked
“Mendiola, sama ka?”I asked, umiling siya at agad na ngumiti sa akin.
“Maybe next time. Pupunta pa akong library. Ikaw na lang.”she chuckled I bit. I nodded and tapped her shoulder.
I walked in the hallway silently. Paglabas ko ng campus ay agad akong nag abang ng jeep at pumara. Simula nung nag pasukan hindi ko na dinadala ang sasakyan ko ang motor ko. I want to be simple, mas gusto kong mag commute at maglakad minsa mula sa NTC papunta SBU.
BINABASA MO ANG
Chasing Love
RomanceU BELT SERIES #4 Flaire Dianne Torres, Accountancy Student from NTC. She's the type of a person who doesn't really care about anyone else. She has this kind of attitude that you will love,and also you will hate.Flaire is a little bit mysterious beca...