CHAPTER 24

73 10 22
                                    

Chasing love is not bad. Sabihin na nating ang panget para sa isang babae ang maghabol pero kung ikaw 'yung nasa ganung posisyon baka ganun din ang gagawin mo.

"I hope so..."I uttered

Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Andrew is the only person who can make me happy.

"Come here."nakangiti kong wika habang pinapagpag ang kama. Umusog ako para kahit papano ay mag kasya kami sa hospital bed.

Nagtataka siyang tumingin sa akin kalaunan ay naintindihan din ako. Ngumiti siya at inayos ang suot.pagkahiga niya sa tabi ko ay umunan ako sa braso niya

"How are you? I want to call you but I don't want to disturb you. Ayoko maging dahilan para hindi mo maabot ang mga pangarap mo."bulong ko habang nakayakap sa kanya.

"Kahit kailan hindi ka disturbo sa akin, sadyang wala lang akong oras para tumawag. Palagi kasi akong pagod kaya nakakatulog bigla. Patawad."

Hindi ako sumagot sa halip at pumikit na lang at dinama ang presensya niya,Alam ko pagkatapos nito ay hindi ko na naman siya makakausap at makikita.

"Kapag hindi mo na kayang i-handle sabihin mo lang. Maiintindihan naman kita pero hindi ko maipapangakong hindi ako maghahabol."bulong ko at inangat ang ulo ko para tingnan siya.

"Kaya pa naman natin diba? Drew kaya pa naman diba? Maaayos pa naman diba?"garalgal kong tanong.

Iniisip ko pa lang masakit na. Ano na lang kapag nangyari talaga?hindi ko kakayanin.

"Pagod ka na ba?"tanong niya, umiling ako. Kahit mapagod ako hindi ako susuko kasi pinanghahawakan ko ang pangako niyang papakasalan niya ako.

"Don't get tired,Re. Please don't get tired of me..."he added and kissed my head. "I know I hurt you a lot but I don't want that. Mahal kita pero may mga ginagawa din ako."

"Naiintindihan ko,Andrew! Kaya nga kahit ang sakit mong mahalin,kahit ang hirap maging girlfriend mo, nanatili pa rin ako kasi nga mahal kita."sagot ko, pagod akong pumikit

I don't want to fight with him. I want to rest, I shouldn't stress myself. I want to get out of here.

"I'm sorry..."

"Kailan ako pwedeng lumabas?"tanong ko

"Kapag okay kana."

"Okay na ako, uuwi na ako."wika ko at umiwas ng tingin. Bumuntong hininga siya at bumangon.

"Magpahinga kana ulit. Pag labas mo dito mag uusap tayo."aniya. Tumango ako at pumikit.

Muli kong minulat ang mata ng maramdaman ko siya sa tabi ko. Ngumiti ako at tumitig sa kanya. "Hindi kana aalis?"natutuwa kong tanong, umiling siya at inunan ang ulo ko sa braso niya.

"Now sleep,take a rest so we can go home."he whispered and kissed my forehead. I closed my eyes and embraced him.

Nagising akong wala na sa tabi ko si Andrew. Ginala ko ang paningin ko hanggang sa nakita ko siyang may kausap na nurse.

Umayos ako ng higa nung humarap siya sa akin. Tipid akong ngumiti at bumaling sa nurse na malagkit ang titig kay Andrew. Umirap ako at hindi na timingin sa kanila.

After I-check ng nurse ang lahat sa akin ay sinabi na din niyang pwede na ako umuwi.

Pagkaalis ng nurse ay umupo si Andrew sa kama at hinawakan ang kamay ko. "We'll go to my place."he said.

"Why?"nagtataka kong tanong. I know his busy kaya hindi na niya kailangan bantayan ako. I can be alone in my condo.

"You will stay in my place. Ayokong malayo ka sa akin. Madalas akong maraming ginagawa at gusto ko palagi kitang nakikita."he softly said

Chasing Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon