CHAPTER 8

82 10 29
                                    

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako madilim na sa labas. Napailing nalang ako . "tss, happy birthday flaire dianne! Ang ganda ng birthday mo! Napakaganda!"sarkastiko kong bulong.

Bumangon ako at agad na nagtungo sa labas dahil nakaramdam ng gutom. Ano kayang gagawin ko dito? Magtetraining? Bakit pa kung alam ko naman sa sarili ko na kaya ko na!

Pagbaba ko ay nadatnan ko si kuya na nasa sala at may kausap sa cellphone niya. Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko. Nabasa na kaya nila? Malamang oo lalo na si Elle, sa sobrang active nun sa social media baka nga pagsend ko palang ay naseen na niya.

"Natulog ka?"tanong ni kuya, tumango ako at inirapan siya, naiinis parin ako sa kanya dahil hindi niya sinabi sa akin agad.

"May mga nakahanda bang gagawin ko?"tanong ko sa kanya.

"As of now, wala pa. Bukas ihahatid kita sa field, sasamahan mo si X002 sa training."

"Bago din ba 'yon?"I asked, He shook his head.

"Okay, I'm hungry...wala bang pagkain? Come on it's my birthday tapos gugutumin mo ako?"I said, hindi siya sumagot, tumayo siya at naglakad papunta sa hindi ko alam kung saang parte ng mansyon.

Nakasunod lang ako kay kuya ng marating namin ang dining area. Then I saw Frances and her father, Tito Fernando.

"Good evening po"Bati ko, they just nodded.

"Welcome to Casa, Flair. Nagulat ka ba?"tito asked before he drink his wine

"Oum, yah! Hindi ko lang inasahan."kaswal kong sagot

Ganito talaga siguro, lahat ng tao ay may iba't ibang katauhan. May iba't ibang bagay na ginagampanan at may iba't ibang pinagdadaanan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at agad na naligo para sa training na sinasabi ni kuya. Kahit na baguhan lang ako dito gusto na magkaroon ng misyon. 'Yun lang naman ang dahilan bakit ako nandito e, ang magkaroon ng misyon.

Nakasuot ako ng itim na pants at itim na sleeveless shirt, pinatungan ko ng itim ng leather jacket at combat shoes. Tinalo ko din ang tuyong buhok at walang emosyong bumaba.

Nakasalubong ko ang iilang agents, tinanguan ko sila. Hindi ko pa kilala ang mga comrade ko, si frances,kuya at tito lang ang kilala ko sa ngayon pero siguro makikilala ko naman silang lahat.

"Okay ka na?"tanong ni kuya noong matapos siyang kumain, tumango ako at inayos at pinagpag ang jacket.

"Anong gagawin?"

"I'll introduce you to all the agents" he said, I nodded.

Nakasunod lang ako kay kuya nung bigla siyang lumabas ng mansyon. Hindi ko napansin na sobrang laki pala talaga ng mansion at may iba't ibang palapag pa 'yon. Langhap ko ang simoy ng hangin, ang malakas na alon ng tubig sa dagat, ang pagsayaw ng puno ng niyog.

Narating namin ang likod ng mansyon. Doon ko nakita ang isang gusali. "That's our basement. Lahat ng gamit nandyan, lahat ng mga electronic things and everything."saad niya, tumango lang ako at hindi na sumagot pa.

Pumasok kami sa loob, nakita ko ang iilang mga babae na nakaharap sa computer, may mga lalaking naglilinis ng armas.

Tumikhim si kuya. Napataas ako ng kilay dahil sabay-sabay na tumayo lahat at humarap sa amin.

"Morning Captain Franco." bati ng lahat, I glanced at my brother, So this is your work, and you're our fucking captain! Wow! This fucking man who's obsess with dutch mill is our captain!

Chasing Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon