23

42.9K 853 545
                                    


"That bitch! I will strangle her!"


I was just quiet, gulping and playing with my sweaty hands. She kept on walking back and forth, frustrated. Maybe much more frustrated than I am. Hindi ko malaman kung anong ginagawa ko, dalawang araw na simula nang lumayas ako. I know there's a wide search that's happening since the day I left home.


Cola told me what's happening outside. I'm staying with her, in her condo. She rushed back to La Carlota when she received my text messages. I appreciate her for that. It's just today that I told her what happened between me and Jean, I'm too preoccupied to even think about her.


"Hindi siya nag-iisip! Sinabi ko na nga bang plastik ang babaeng 'yon! She's a bitch! Tapos ang kapal-kapal niya para pa mag-share na nakasama siya sa finalists sa convention, e nakaw lang naman ang mga gawa niya! She's.. " She groaned. "She's aanoying! Fake ass bitch!"


"Hayaan mo na."


"Hindi e! Tinakbo 'yong pera mo tapos ninakaw pa designs mo! Sa kakapalan ba naman ng mukha!" She sat on her study chair and fanned herself. "Gusto mo pumunta ako sa school?"


"What for?" I sighed and fixed my dress. Naka-upo lang ako sa kama niya, halos hindi niya ako palabasin dito, baka raw makita ako ng mga pulis at pauwiin ako. She didn't want me to go home, I told her why I ran off.


"Bukas announcement sa assessment no'ng concvention, 'pag tinawag pangalan niya hahatakin ko 'yong buhok, ano, gusto mo?" I chuckled to her suggestion. "Tawa ka riyan, seryoso ako!"


"Let her be.. I told you, it's fin-"


"Hindi 'yon fine," she rolled her eyes. "Hindi fine na tinatapakan ka ng mga taong pinagkatiwalaan mo! Masyado ka kasing mabait e 'no?"


"Karma exists," I said to convince her. Inayos ko ang unan at humiga na.


"E paano kung hindi? Paano kung walang karma na sasapak sa mga 'yon?" I shrugged. Then okay? Wala na naman akong magagawa pa. At this point where my situation is chaotic, hindi ko na naiisip pang gumanti.


"I don't know, then good for them.. "


"Hindi pwedeng good for them nalang! Kung hindi sila sasapakin ng karma, ako ang sasampal sa babaeng 'yon! Binigyan mo pa 'yon ng Prisma colors no'ng birthday niya ah?! At isa pa, binilhan mo siya ng mamahaling bag no'ng umuwi ka galing sa Paris tapos p-"


"I don't count what I give.. She did that so it speaks more about her than about me, wala na akong paki, I don't want to stress myself out, lalo na ngayong marami akong problema.. It'll be least to think about someone who never considered me as a friend," I smiled bitterly.


"Naiinis ako sa ngiti mo, girl! Napakabait tignan! Kung ako 'yon talaga hinila ko siya pa-"


"Buti nalang hindi ikaw," I joked.


"Para sa isang taong maraming problema, napaka-epal mo," she rolled her eyes sarcastically.

Vow of the Dawn (La Carlota #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon