26

46.2K 804 335
                                    


"Saan ka nag-ta-trabaho ngayon?"


Binuhos ko ang mainit na tubig sa tasa na may 3 in 1 coffee powder at tinignan si Ate na pinapagpag ang kamay niya dahil sa bread crumps na galing sa pandesal na kinakain niya. She stood up and walked towards to my son's playpen. Humakbang siya paloob para makatabi sa naglalarong si Seve.


"Hello!" She exclaimed, I can almost see how her eyes sparkled just by staring at him. "Gwapong bata!" Kumuha siya ng alcohol bago hawakan ang batang naglalaro ng mga shapes. "Kelan mo siya pinanganak?"


"Ang dami mong tanong.. " I uttered and marched to them. Inabot ko sa kaniya ang kape na naging dahilan ng pagtalas ng tingin niya sa akin. I laughed at her face, especially when it changed when Seve pulled her hands, ibinigay sa kaniya ang star shape na kanina pa hindi maipasok doon sa kahoy na box. It made her blush.


"Oh my God!" Kinikilig niyang sabi. "Seve, ang cute mo talaga! Ramdam ko na ako na ang favorite Tita mo!"


"Ikaw lang naman ang Tita niya na buo.. Sino ang niloko mo, Ate?" Umupo ako sa maliit na sofa namin sa tabi ng playden at nilapag ang kape niya somewhere her reach, maiinit 'yon, I won't dare to place it near my child.


"Paki mo ba?! Shoo ka nga! Mag-mo-moment kami!" I chuckled as she swing her hand as if she's making me leave. I really thought we'll have this awkward aura around us, but knowing my sister, it's not her personality to make anyone awkward around her existent. Mabilis siyang makisama, makes me wonder why she's single.


"You're here for good?" Tanong ko at inabot ang laptop na nasa coffee table para tignan kung anong schedule ko ngayong gabi at kung ano ang mga exams na meron ako bukas.


"Oo, I mean, siguro? May trabaho na ako e," she shrugged and continues to play with my gullible child. "Ikaw? You'll stay here for good? Kwentuhan mo kaya ako? Kelan ka pa rito? Saan ka nagtago? Anong trabaho mo ngayon? Did you finish college?" Sunod-sunod niyang tanong.


"Ang daming inquiries."


"Kung sinimulan mo nang sagutin e'di sana kanina pa tayo tapos," she rolled her eyes.


"Hmm.. " Busy pa rin ako sa pagtingin sa laptop ko ng mga gagawin bago isipin kung anong mga isasagot ko sa kaniya. "Siguro I'll stay here in Manila for a good time, hindi ko rin sigurado, just like you.. But I hope Seve and I will stay here na rin for good, hindi ko gusto para sa kaniya ang palipat-lipat ng tinitirhan."


"Totoo, mahirap lumaki nang walang permanent place to stay, dito nalang kayo sa Manila, pwede kayong tumira sa tinitirhan ko," paliwanag niya, hindi pa rin ako tinitignan. I gave her a sheepish smile and a nod. "Anong work mo ngayon?"


"English tutor online, but I'm also training."


"For?"


"To be a flight attendant," walang emosyon kong sabi. I'm growing fond of the idea of planning, masaya naman, kaso nga lang hindi ko pa rin gaanong maisip na nasa fashion designing ang puso ko.

Vow of the Dawn (La Carlota #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon