28

51K 1.1K 270
                                    


"Lizette.. "


Halos matanga ako sa kinatatayuan ko dahil sa prisensya niya, hindi ko sigurado kung bakit siya nandito! Galit ba siya dahil pumunta ako sa premiere night ng pelikula niya?! But.. But he gave me tickets! He's the one who invited me! Bakit? Dapat ba hindi ko.. Sinama si Seve? Dapat ba mag-isa lang ako roon? But those were two tickets!


"O-Oh?" I tried my best not to sound nervous, but my knees are failing me.


"You're going home?" He casually asked. Nilingon ko ang paligid, naghahanap ng kasama niya o camera na nakasunod sa kaniya. Hinahanap ko rin ang mga kasama kong hindi man lang ako nilingon.


Traitors..


"There's no one but me here, if that's your concern," he uttered in a monotone. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at napalunok, I can't fool myself, nor anyone if I deny that he's Seve's father.


Ngayon na nakatingin ako sa kaniya para akong nakatingin sa mga mata ng anak ko. Kung gaano siya kaputi, gaano kapula ang pisnge, kamukhang-kamukha niya..


"Anong kailangan mo? Out ko na kasi.. If you need assistance or you have queries about your flight, you can go to our front d-"


"I'm here for you, Lizette," mabilis niyang pagputol sa sinabi ko. "I want to talk to you."


"Out ko na," palusot ko at iniwasan na siya ng tingin.


"Spare me a minute then, this won't last," he retorted. Seryosong-seryoso ang pagkakasabi niya at parang hindi tumatanggap ng 'hindi' bilang sagot.


"Tungkol saan ba? Is it urgent?" Patay malisya ko, I gaped at him once more and his face's expression haven't moved a bit. "Pagod kasi ako e," paliwanag ko.


"Puyat pa, may trabaho pa ako, gusto kong matulog, kaya kung hindi urgent at makakapag hintay naman, Sir Sibal.. " I cleared my throat. "Next time nalang siguro.. " His jaw portruded even more when I told him I rejected him.


Natatakot ako na baka galit pa rin siya sa akin dahil sa mga sinabi ko sa kaniya nang makipaghiwalay ako.. Baka nga pumunta lang siya rito para ipamukha sa akin na he's not just his family's shadow.


That he's not the black sheep. That he achieved his dreams, habang ako narito.. Araw-araw iniisip kung worth it at masaya pa ba ako sa ginagawa ko.


"Sorry," he sighed. Gulat ko siyang binalingan. "I didn't thought this visit through, of course.. You're tired.. "


"O-Oo.. " Silence surrounded us, umubo ako nang peke para magpaalam na. "Next time nalang po," I awkwardly said.


"Wait.. " Muli akong napatigil sa pag-alis nang harangan niya ako ng braso niya. "When's your next flight? When will I have the chance for that 'next time'?" Mariin akong pumikit at suminghal. Why is he being too pushy?

Vow of the Dawn (La Carlota #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon