24

34K 761 272
                                    


"Ito po Ma'am, wala po kaming stock dito sa ospital, pero available po 'yan sa botika sa tapat."


Tango lang ako nang tango sa nurse na nagpapaliwanag sa akin kung anong mga gagawin ko. I've been here for three hours and all I did was to agree and follow each instructions they've been telling me, carefully.


Hindi pa rin kasi bumababa ang lagnat ni Seve, he's still having an extreme fever but he's getting better, as per his doctor. But it's controlled.. At least. 'Yon nga lang, maraming gamot ang kinakailangan, there's a lot of procedures that's needed to be done. Pero sabi naman ng doktor, maaring dahil sa bakuna lang 'yong lagnat, pero kung hindi pa mawala baka raw dengue na.


"Sige nurse, thank you," nanghihina kong sabi. Nang umalis siya, kinuha ko ang reseta na iniwan niya sa ibabaw ng counter. Marami 'yon, at siguro.. Mahal din. 


Since this is a public hospital, hindi naman sila nanghihingi ng down payment para ma-confine ang mga pasyente rito, miski pa sa ER o ICU 'yon, mabuti nalang talaga dahil one thousand pesos nalang ang pera sa wallet ko. 


May pera pa naman ako sa bahay, pero pambayad sana ng mga bills namin 'yon sa bahay at ang iba naman ay ipon ko para sa schooling ko this summer. Ngunit mas importanteng mailabas ko si Seve rito sa ospital, tsaka ko na iintindihin kung paano ko pupunan 'yong mga makukuha ko. 


But I know well that my savings is not that big, kaya sana hindi rin ganoon kalaki ang babayaran ko. Hinigpitan ko ang kapit ko sa aking bag at suminghap, 'yong babae na kumausap at tumutlong sa akin na mag-asikaso para ma-admit ang anak ko ay si Aling Evelyn. Ang anak niya ay pabalik-balik din daw sa ospital, kaya medyo sanay na siya sa kalakaran dito.


"Aling Evelyn, bibili lang po ako sa botika, kung may maghahanap man po na doktor sa akin o kung may sabihin tulungkol kay Seve, pasuyo po muna," paki-usap ko. Tumango lang siya sa akin at nginitian ako, she looks kind and experienced in these kind of things. "Salamat po." 


"Basta, generic ang bilhin mo, pareho lang naman ng bisa iyon, mas makakatipid ka pa," I gave her a small smile and a nod. Kahit pa ramdam ko ang init at maga ng mga mata ko, hindi ko na pinagtuonan ng pansin, gaya ng sabi ni Aling Evelyn, hindi ito ang panahon ng kahinaan.


Our child needs us to be strong for them.


Mabilis lang akong nakatawid sa botika na sinabi ng Nurse sa akin. Marahan akong kumatok at dumungaw sa maliit na espasyo ng bintana, malamig na hangin ang tumama sa mukha ko at isang babae na mukhang pagod na rin. 


"Ito po, lahat po sana generic," sabay abot ng piraso ng papel. "Magkano?" Una kong tanong dahil baka kulangin ang pera na dala ko, nakakahiya naman na nakuha na niya ang gamot tapos bigla kong sasabihin na hindi ko bibilhin. When I became I mother I realized how important a person's time can be. 


"Saglit lang ma'am," she pursed her lips and got her calculator. Mabilis niyang pinindot 'yon at bawat lapat ng daliri niya sa mga numbers ay napapalunok ako, bago pa man ako makapag-isip ay nagsalita na siya. "1,383.75 po, medyo mahal kasi 'yong antibiotic, Ma'am," paliwanag niya.

Vow of the Dawn (La Carlota #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon