36

60.5K 1.1K 233
                                    


"Sasabay ka sa amin?"


Hirap na hirap kong hinila ang maleta ko habang mabibigat ang mga mata. Tatlong araw akong nawala dahil sa U.S ang huling flight namin. My eyes felt extra drowsy because of jet lag, hindi rin ako pinatulog ng utak ko tungkol kay Seve at Light na nasa bahay.. Hindi ko pa rin kasi malimot 'yong pag-aaway namin bago ako umalis.


"Oo.. " Mahina kong tanong at humikap.


Bago ako lumipad pa-LA, hindi kami nagkikibuan, hindi na rin naman ako nag-expect. Tuluyan na kaming naglakad palabas ng airport at minasahe ko nalang ang ulo ko dahil sa tindi ng sakit nito. Restless nights had always been with me even from before.


"Bukas ng gabi mag-pa-party kami, sama ka? Birthday ni Captain Vergara," anyaya ni Jasmine sa akin. Pero mabilis akong umiling, hindi ko na nga alam kung kailan ang huling beses akong nag-clubbing.. Parang hindi ko nga na-experience 'yon sa buong buhay ko dahil wala na akong ibang inisip kung hindi tulog o 'di naman si Seve.


"Next time nalang siguro," palusot ko.


"In short, no thanks hindi ako interesado at mag-aalaga ako sa anak ko," translate ni Betty. Ngumiti nalang ako sa kanila at umiling. Gets naman nila ako, lagi ko naman sinasabi sa kanila kaya wala silang care. Isa pa, hindi ko naman masyadong nakaka-usap si Cap Vergara. Si Saidee pa ang close sa kaniya.


Siguro dahil na rin pareho silang piloto at parehong taga La Carlota. Ewan ko ba.


Sinalubong kami ng airline shuttle at tumatawa nalang kami dahil sa walang sense na jokes ni Karen. Napatigil ako sa pagtawa nang may makita akong pamilyar na pigura sa isang pillar sa labas ng airport, I squinted my eyes and glared at him. He waved his hand and smiled widely.


"Phe!" Sigaw ni Kuya mula sa hindi kalayuan. Tinignan ko ang iba pang crew na napalingon din sa tawag niya kaya nginitian ko nalang sila.


"Mukhang hindi na sasabay 'yan," sabi ni Mary.


"Una na ako guys, sasabay nalang ako sa Kuya ko," paalam ko sa kanila at kumaway. Lahat sila ay ganoon din ang ginawa at simisigaw na ng bye. Nilapitan ako ni Kuya Eli at kinuha na ang maliit kong maleta mula sa akin. "Sabay ako sa'yo, bakit ka andito?"


"Pinapasundo ka," simple niyang sabi at pinatunog na ang sasakyan niya. He opened the door of the front seat and immediately I hopped in. Hindi nagtagal ay nasakay na niya ang maleta ko sa likod at sumakay na rin siya para maka-alis kami.


I yawned and removed my heels. Sira na, talaga siya ramdam ko. Bukas bibili ako 'pag may time at 'pag trip ko nang gumastos. "Si Ate? Bakit ako pinapasundo ni Ate? Gusto niya ba ako kausapin?" Hindi siya sumagot pero bahagya niya akong tinawanan.


"Hindi si Ate mo," pahiwatig niya. My forehead creased in an instant, tinignan ko siya at inikot ang mga paa.


"Huh? E'di sino?"


"E'di asawa mo," he said. Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko.

Vow of the Dawn (La Carlota #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon