35

68.2K 1.1K 716
                                    


"Let me cook."


Sinara ko na ang pinto ng ref namin at nilagpasan si Light, bitbit ko na ang mga lulutuin kong gulay at nilapag 'yon sa lababo. Puro nalang siya ang gumagawa 'pag dumadating ako, hindi na nga ako nakakalinis man lang dahil nagawa na niya lahat. He even bought a standard vacuum and a robot vacuum! Sunod lang siya nang sunod sa akin kaya tinignan ko siya nang masama.


"Ako na," tuloy lang ako sa paghugas ng mga gulay.


Talagang nanatili lang akong nakatalikod sa kaniya at hindi siya pinapansin. I grew shy that he had done so much in this household to the point that he convinces me to do nothing but to sleep.


"Ako na talaga, promise may natutunan akong bagong recipe sa binili kong cook book, kaya ko 'yong ga-"


"Na-se-stress akong sunod ka nang sunod sa akin, pwede bang doon ka na? Para matapos na ako? Kung gusto mo alagaan mo nalang si Seve, 'wag kayo magulo pareho, please," pakiusap ko at kinuha na ang chopping board at kung ano pa man.


He heaved a sigh as I hear his foot steps vanish. Mabuti naman at madali siyang kausap. Tahimik lang akong nagluto habang pinapakinggan silang mag-away tungkol sa isang libro na hindi ko pa naman nababasa. 'Yon naman ang madalas nilang pag-usapan, e.


Nang matapos na akong magluto ng chop suey ay hinulog ko na ang marinated bangus sa pan at halos mapatili ako nang tumalsik ang mantika.


"Ah! My gosh!" I exclaimed at mabilis na itinakip sa katawan ko ang lid ng pan. I huffed air and closed my eyes, takot na takot matalsikan sa mata. The first time I cooked fish back in Villa Catalina, natalsikan ako ng oil sa eyes! Traumatic.


"Tsk, sabing ako na kasi," rinig ko ang yabag ng mga paa papunta sa pwesto ko. I immediately displayed a stop gesture para hindi na siya tumuloy. Mataas ang pride ko, kaya ko naman.


"Kaya ko naman! I just got startled, and bakit, marunong ka bang magluto ng fish? Ako na!" Taboy ko sa kaniya at mabilis na hininaan ang apoy ng niluluto ko.


"Ang kulit mo.. Mas makulit ka pa sa anak natin," huli kong inirapan niya ako. Walang hiya. "Sa sitwasyon mo ngayon, oo, mukhang mas marunong pa ako sa'yo magluto ng isda."


"Go away!" Taboy ko sa kaniya.


"Seve! May ointment kayo ni Mommy rito for wounds?" He asked once he retreated.


"Bakit? Sinong may sugat?" I asked at marahang inangat 'yong isda para tignan kung luto na ba or what.


"Ikaw, baka magkasugat ka sa tigas ng ulo mo," he uttered, irritated. Alam naman niyang hindi ako magpapatalo sa kaniya. Ganito na ata ang naging bonding namin.


"We have, Dad! I'll find it!" Cooperate naman ni Severino. Umiling nalang ako at pumamewang habang hinihintay ang isda. I checked the rice and it's almost done, sakto 'to 'pag naluto ko na 'yong isang malaking bangus.

Vow of the Dawn (La Carlota #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon