32

63.9K 1.1K 600
                                    


"Tapos ka na kumain?"


Hindi niya pa rin ako nililingon simula kanina, he kept his stare on Seve.. Who's currently sleeping, again. Tanging tango lang ang binigay niya sa akin kaya naman kinuha ko na ang styro na naka-ayos naman at nilagay 'yon sa plastic. Bumigat ang paghinga ko sa bawat oras na pumapatak na kaming dalawa lang ang nasa loob ng maliit na kwarto.


It feels drowning.


"G-Gusto mo ng tubig?" Dahan-dahan kong inusog ang bottled water papunta sa lugar niya. Hindi niya ako iniimik, probably these bulls aren't what he wants from me.


"I want to talk." He declared. Mabilis akong umiwas sa kaniya at tumayo para pumasok sa banyo at maghugas ng kamay. What should I say? How will I explain that I managed to hide that child from him for freaking years?


After few minutes, hindi na ako nakatagal at lumabas na ako ng maliit na CR ng private room. When I stepped out the room I saw Light, sitting on the sofa near my son's bed. His head is laid back to the sofa, resting perhaps. Pagod na rin siguro siya, dala na rin siguro ng pag-donate niya ng dugo.


"Oh, anak." Tinignan ko si Nanay Tising na may dalang bag at isang maliit na unan. Mabilis kumunot ang noo ko, what is she doing here? I thought we already agreed that she'll stay in our apartment?


"Nay.. Bakit po kayo nandito? Nag-taxi ba kayo? 'Di ba po n-"


"Hay naku! Dumating ang Ate at ang Kuya Eli mo sa bahay, at sila na raw ang magbabantay roon, tutal naman daw ay mayroon namang magbabantay sa kanilang mansyon, e'di samahan nalang daw kita rito sa ospital dahil wala ka raw kasama," tuloy-tuloy niyang sabi at naglakad na papunta sa sofa. Laking gulat niyang may tao sa pupuntahan niya. "Oh! May kasama ka naman pala rine, anak!"


Lumunok ako at pinanood na unti-unting dumilat si Light, mukhang naka-idlip na talaga. "Aling Tising.. " He greeted in a deep voice.


"Anak," tinanguan siya ni Nanay at nilapag na ang mga gamit niya sa kung saan naka-upo ang lalaki. "Naku, mukhang puyat ka na, pwede ka nang umuwi, kaya na naman ito ni Ophelia, sanay naman kami niyan dito sa ho-"


"It's fine po.. I want to stay here.. " He looked at me and sat properly, contracting his jaw, I know he's pissed at me. Nagpipigil lang dahil kanina hindi kami maka-alis dahil gising si Seve, ngayon naman ay tulog at walang magbabantay. It's like my son saved me.. But he can't do that forever, can't he?


"Sige, riyan ka nalang matulog sa sofa, may dala naman akong sapin, kumain na ba kayo? May dala pa akong sopas, anak kung gusto mo, alam ko kasing iyon din ang poborito ni Severino," she just continued to tell us what she had in her gigantic bag. Nakatitig lang ako kay Lucius na mukhang inis, dala na rin siguro ng bagong gising siya.


Nabitin siguro sa tulog.. Ganiyan din kasi ang itsura ni Seve minsan.


Sunod lang ako nang sunod kay Nanay Tising sa pag-aayos niya ng mga pagkain na dala niya para sa amin. Alam kong hindi niya kailangan ang tulong ko, pero gusto kong umiwas.

Vow of the Dawn (La Carlota #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon