25

49K 878 517
                                    


"Ang onti ng designs mo, Phe, baka hindi ka makapasa sa screening para sa fashion show natin."


Ngumuso ako at inabot mula sa kaniya ang portfolio kong mas manipis compared sa mga meron sila. Sa isang taon kong pag-stop, wala pa sa one fourth ng mga gawa nila ang naipon ko, apat na taon ba naman nilang trabahuhin ang mga portfolios nila e. Bumagsak ang mga balikat ko because I know that fashion show will be my last requirement to pass this last sem.


Para sa diploma ko. Para kay Seve. Bumaba ang tingin ko sa folder ko, hindi ko maiwasang isipin na sana mas naging madali ang pagbalik ko sa college at sa fashion designing kung hindi lang ako nagtiwala sa maling tao. Sometimes people could really ruin that one fragile and important thing we lend them, trust.


"Maganda naman ang mga designs ni Ophelia, baka papayagan na 'yan! At hindi naman gaano ka-picky ang prof natin, lalo nang vocational course lang naman ang kinuha nating course! Kaya 'yan! Dagdagan mo lang ng onti dahil 'pag kukuha tayo ng national certificate kailangan 'yan lalo na para makapag-practical!" Said Boni. Ngumiti ako sa kaniya at pinagmasdan siyang umupo sa tabi ko habang iniinom ang namamawis niyang zesto.


"True! Hindi maarte rito basta marunong kang manahi, isa pa magaganda naman ang mga gawa mo, ah? Tapos nakita ko pa 'yong pinasa mong project last week, ang ganda ng seem! Mas bongga at plakada ka pa sa akin manahi gaga!" Si Ron, according sa kaniya, he's gay. Ngumiti naman ako, that made my heart a bit at ease.


At least I know hindi naman pala ako ganoong napag-iwanan. Kaya ko pa rin naman palang humabol. Ang pinaka-ayaw ko kasing pakiramdam ay 'yon, the feeling of being left behind. I mean, sino nga ba ang gustong mapag-iwanan?


No one.. I think? No one likes the feeling of falling short.. Especially me when it comes to my dreams, but I guess everything is meant to change.


"Oo nga! Huwag mo ngang masyadong negahin si mommy Ophe, Kian!" Suway ni Rose kay Kian, 'yong may hawak ng portfolio ko kanina. Onti lang naman kaming classmates, since vocational nga, kumukuha lang ako ng credits para makakuha ng undergrad diploma, pero sila ang habol nila ay ang national certificate na magagamit nila sa pag-alis ng bansa.


Ganoon na siguro kalala ang ekonomiya ng country na 'to, to the point that people are just studying to leave. Ganoon na siguro ka-grabe ang Pinas.. Mahirap manatili kahit gusto mo pa.


Ang marami na students sa summer community college na 'to ay mga welders o kung hindi namay ay sa house keeping, mas in-demand daw kasi 'yon, mas relevant sa ibang bansa.


I snapped out of it when Rose snatched my portfolio from my hands, my body reacted quickly. Para akong nanlamig, it's just this nostalgic feeling of being robbed. My heart raced quickly pero nang makita ko naman na hindi niya 'yon tinatakbo o sinisira ay kumalma rin ako. I just get real scared when it comes to my designs.


Lista na ako, nadala na ako sa masyadong pagtitiwala.


Masyado na akong maraming pinagdaanan para magtiwala lang nang basta-basta sa mga taong kakakilala ko lang. We take lessons from our experiences.


Vow of the Dawn (La Carlota #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon