27

50.4K 971 763
                                    


"Ma! It's no need! I.. I am not.. Forcing you.. I know we need money for my school.. It's fine with me.. I'm sorry.. "


Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at minasahe ang anit ko. Mas napagod pa ako sa matagal kong naka-bun kesa sa matagal kong nakatayo sa loob ng eroplano, antok na antok pa ako pero titiisin ko nalang.. Para kay Seve, deserve naman niya 'to.. At isa pa, malaki na siya para intindihin ang sitwasyon namin.


"Sige na, Seve, fix yourself," pilit ko. Nag-unat ako nang bahagya at hinarap siya, hindi ko mapigilang magmukhang pagod sa harap niya, though I don't want him to feel guilty or to feel like he's bothersome to me, because he will never be.


"Mommy.. Okay lang po talaga ako! I'm sorry!" He grabbed my wrist and looked at me straight in the eye, his brows are furrowed and he looks so guilty, I was genuinely telling him that we should watch that film! Isa pa, mataas naman ang mga grades niya noong mga nakaraang linggo, sabi ng teacher niya sa akin over the phone he's really excelling in Math.


"Seve," I sighed and leveled myself to him. Pinantayan niya ako ng tingin at hinawakan niya ang pisnge ko, I leaned on his hand and smiled.


"I'm sorry, Mommy.. " Mahina niyang sabi as he caress my cheeks innocently, hinawakan ko pabalik ang kamay niya para siguraduhin na hindi ako galit. "I know you said to me that we can't watch movies for now because we don't have money pa.. I understand naman po.. I didn't mean to say those to you earlier.. I'm sorry if I hurt you.. "


"Seve, anak.. Ayos lang si Mommy, okay?" I assured him, kinuha ko ang ticket na kanina kong pinatong sa isang mesa para ipakita sa kaniya. "Look, what's this?" Tanong ko at inabot sa kaniya ang mga ticket na binigay sa akin kanina sa airport.


His eyes glimmered while looking at the extravagant-looking tickets, binitawan niya na ang mukha ko para tuluyang makita ang inabot ko at binaliktad niya pa 'yon para makasigurado kung tama ba ang pagkakabasa niya.


"Movie tickets?" He asked in awe. I gave him a soft nod and pushed his hair back a bit. Pawis na siya, namumula na rin ang mga pisnge at tenga. "It looks.. Fancy and expensive, Mommy.. "


"Yes.. You want to go, right? Sayang naman 'yan kung hindi tayo pupunta," kalmado kong pagkumbinsi sa kaniya. Alam ko naman na gusto niya talagang pumunta at panoorin ang movie na 'yon, simula nang i-announce ng isang network sa bansa na mayroong movie na gagawin 'yong director na 'yon dito sa Pilipinas.. Hindi na siya tumigil kakasabi sa akin n'on.


Iniipon niya pa nga ang mga baon na binibigay ko sa kaniya for the movie tickets. That's how dedicated he is to see that movie. Pero sa takot ko na magkita sila.. Sinasabi ko nalang na busy ako or wala kaming pera.


What I hate the most is confrontations.


Anong sasabihin ko sa kaniya 'pag nagkita kami? Na may anak siya sa akin? Na tinago ko? Anong rason ba ang meron ako? I'm not ready for his questions.. Or his doubts and their confusion. Ang tagal-tagal ko nang tinatago 'to.. Ang tagal ko na dapat nakapag-isip.


"Are you sure po? Baka you're busy or you're sleepy.. "


Vow of the Dawn (La Carlota #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon