"Pasensya kana dito sa pinagdalhan ko sayo Darren ah. Nakita ko lang tong lugar na ito sa isang food blog kaya gusto ko rin matry. Hehehe!"
Dinala ko lang naman si Darren dito sa Food Street. By the name itself, isang buong street sya na iba't ibang pagkain ang sineserve. Mga ihaw-ihaw, mga fishball, kwekkwek at kung anu-ano pang street foods.
"Hindi mo ba alam na matagal ko naring gusto na pumunta dito? Kaya wag ka ng magpasensya kasi kahit saan mo man ako ilibre ok lang." at ngumiti sya sa akin kaya kitang kita ko ang dimples nya. Cute.
"Tara doon tayo oh gusto ko matry yun! Ay hindi! Yun pala ang gusto kong matry, ay wait. Yun pala talaga!"
"Hahaha! Wag ka magalala Scarlett, itratry natin lahat ng gusto mo."
Halos lahat ata ng stall binilhan namin. Ang usapan namin ako manglilibre pero sya lahat nagbayad. Nauuna ko pa kasing tikman yung mga pagkain bago ako bumunot ng pera, nakakahiya tuloy kay Darren.
"Grabe busog na busog ako Darren. Pasensya na ah, usapan natin treat ko pero ikaw pa nagbayad lahat."
"Kanina kapa puro pasensya Scarlett. Hehe! Okey na okey lang sa akin yun...dahil sa totoo lang hindi din ako papayag na ikaw ang magbayad sa kakainin natin."
"Wow Gentleman! Hehe! Basta sa susunod treat ko na talaga."
" Talaga?"
"Anong talaga?"
"I mean , may next time pa?"
"Haha! Patawa ka Darren. Oo naman. Friends na tayo diba? I mean yun ang tingin ko na magkaibigan na tayo."
Tapos ginulo nya ang buhok ko at sinabing..." Ofcourse were friends.Thank you."
"Huh? Ako nga dapat nagpapasalamat sayo eh."
"Basta thank you. Tara hatid na kita medyo late na baka mapagalitan ka ng parents mo."
"Sige. Ahmmm...papa ko lang at kuya ang kasama ko kaya hindi dapat PARENTS." pagcocorrect ko pero ngumiti ako pagkatapos para hindi sya magisip ng kung ano
"Owww...saarrreeehhhh!" at tumawa kaming dalawa.
Puro tawanan lang kami sa loob ng kotse kaya hindi ko narin namalayan na nasa tapat na kami ng bahay. Matapos kong magpasalamat ay umalis narin agad sya kasi baka hindi na daw ako matapos sa pasasalamat. Papasok na sana ako ng...
"Mukhang masaya date ah?" nagulat ako sa nagsalita pero ng tumingin ako sa kaliwa't kanan wala namang tao. Saan nanggaling yun?
"Stupid girl. Sa taas."
Si yosi boy lang naman nasa terrace namin sa 2nd floor. Papaano nya nagagawa ang pumasok nalang sa bahay namin? Agad akong pumasok sa loob at nakita sina papa at kuya na nasa sala na nanunuod.
"Papa andito na po ako."
"Oh anak. Ginabi kana ah. Andyan nga pala yung kaklase mo pumunta para daw sa project nyo. Kanina pa nga sya andito eh. Kumain kana ba?"
"Tapos na po. Bakit po sya nasa taas?"
"Eh kaysa lumabas siya para manigarilyo hinayaan ko na syang doon sa taas manigarilyo at para maintay ka."
"Wait...anti ka sa mga naninigarilyo papa diba? Bakit hinahayaan mo syang...haaaayyy di bale na nga."
"Hahaha!Alex umakyat kana." sabi naman ni kuya
What's happening to the world? Bakit mabait sa kanya si papa at si kuya hindi man lang naginterogate. Nakakapagtaka.
"Anong kailangan mo yosi boy? At anong pinakain mo kina papa bakit hinahayaan ka lang nilang magyosi dito?"