Isang linggo na akong pumapasok sa University at salamat naman dahil invisible lang ako sa mga tao. Ayaw na ayaw ko kasi ng atensyon magugulo lang ang buhay ko. Pero may isang tao talaga na laging kumukuha ng atensyon ko. Sino pa ba! Eh di itong si Mr. Yosi Kadiri. Feeling ko ako magkakalung cancer sa ginagawa nya eh. Okey sana kung sya lang nakakasinghot ng usok ng yosi nya pero hindi ehh sa akin lagi napupunta.
"Anong tinitingin tingin mo?!" nagulat ako ng tanungin nya ako. Syet! Habang nagiisip ako ng kung ano-ano hindi ko na namalayan na nakatitig na ako sa kanya.
Sasagot pa sana ako pero buti nalang at nag-Class dismiss na si Sir. Agad-agad naman akong lumabas ng room para makaamoy na sariwang hangin. Hindi na ako magtataka kung maaga syang mamamatay pero hindi ko naman hinihiling yun. Nakakainis lang talaga sya.
Sabi ni kuya susunduin nya daw ako. Dahil maaga kami pinalabas ni Sir meron pa akong 1 hour para maghintay sa kanya. Naisip ko na kay manong guard na muna tumambay. Hindi ko naman inaasahan ang nakita ko pagdating doon sa guard house. Si Yosi Kadiri binubugahan ng binubugahan ng usok ng yosi si Manong. Mayroon pa syang mga kasamang alagad ngayon.
"Bakit nagasgasan ang kotse ko! Hindi mo ba ginagawa ang trabaho mong bantayan ang sasakyan ko!" sigaw ni Yosi boy...yan nalang tawag ko sa kanya.
"Ginagawa naman po sir. Hindi ko rin alam bakit nagkaganyan eh. Papacheck ko nalang sa CCTV ha." kalmadong sagot ni Manong
"Aba at parang wala lang sayo ah at kalmadong kalmado ka ah. Gusto mo bang..." malapit na nyang idikit ang yosi sa mukha ni manong guard kaya naman napatakbo ako at tinulak sya.
"Hoy! Respeto naman! Mas matanda sya sayo! Tsaka bakit mo susunugin ang mukha nya!Hindi na tama yan ah!" si manong guard naman pinipigilan pa ako. Aba! Hindi nya dapat kinukunsinti tong lalaki na to.
Nakita kong ngumisi sya at nagtawanan naman ang dalawang kasama nya. Anong nakakatawa dun sa sinabi ko? Seryoso ako.
"Walang nakakatawa ! Ayaw ko naman talaga kayong kausapin pero ayaw ko lang nakikitang may binabastos kayo!"sabi ko, pero kinakabahan na ako kasi iba na makatingin si Yosi boy
"Anong pangalan mo?" tanong nya sa akin sabay bato ng yosi nya
" S-scarlett A-lex..." kinakabahan kong sagot
"Well Scarlett, you chose the wrong guy to mess with. Higit sa lahat...mali rin ang napili mong sagot sa tanong ko." then I saw him smile. Isang smile na hindi mo ikakatuwa, dahil sa smile na yun nararamdaman ko ng may mangyayaring hindi maganda...
Umalis din sya agad at sumakay na sa kotse nya. Yung isang kaibigan naman nya bumulong muna akin bago umalis..."Hindi mo na dapat siya hinawakan at lalong lalo na sa lahat hindi mo na dapat sinagot ang tanong nya. Good luck Scar." sabay tap nya sa balikat ko.
"Alex okey kalang ba? Nako po malaking problema to. Sabi ko naman sayo hwag mo syang lalapitan eh." tanong at paalala sa akin ni manong guard habang inaalalayan ako paupo
"Manong di naman tama ang ginawa nya sayo."
"Kaya ko ang sarili ko hija. Sanay na ako sa kanya kaya dapat hinayaan mo nalang. Ikaw na tuloy ngayon ang pagbubuntungan nya. Wala pa naman kasing nakakasigaw sa kanya ng ganun eh.Hehehe! Pero I'm so proud of you. Si San Chai ka nga talaga.Haha!"
"Manong naman ehh nagbbiro ka pa. Malapit naba akong mamatay?"
"Hahahaha! Hindi pa naman. Depende nalang sa trip nya. Hindi ko masasagot yan pero ang huling me kumalaban sa kanya nakick-out nya. "
"Hala! Mamamatay na nga ako. " napasabunot tuloy ako sa buhok ko
" Alex?" pagtingin ko si kuya pala, " May nangyari ba? Bakit namumutla ka?"
BINABASA MO ANG
Anong pangalan mo?
De TodoIsang simpleng tanong pero magiging komplikado ang sagot.