Jairone's POV
Nang makabalik ako dito sa States ay agad ko siyang pinuntahan. Alam ko namang may nagbabantay sa kanya pero hindi parin sapat yun para mapanatag ako. This is all my fault! I know that she's suffering because of me. It's because I didn't f*cking tried.
Nang papasok na ako sa kwarto niya ay eksakto namang papalabas ng pinakamamahal niya. I'm really happy that he's always beside her despite of her condition. Aba subukan lang niyang mang-iwan, baka lumulutang na ang katawan niya ngayon sa dagat.
"Hi beautiful." bati ko sa kanya.
Madalas ay gagantihan niya ako ng isang nakakasilaw na ngiti pero ngayon, luha ang sumalubong sa akin. I really hate her seeing like this. The reason I wanted to be a doctor is because I wanted to save lives but...
Why can't I save her?
"Sorry PJ. Masaya lang talaga akong makita ka kaya naiyak ako." at alam kong napipilitan lang siyang ngumiti
"Alam mo kasi na madami nanaman akong pasalubong sayo kaya naiiyak ka sa saya. Hehe. Pinahanda ko na sa may garden yung kakainin natin, tara na."
Tatayo na sana siya pero bigla siyang natigilan. Alam kong may mali. Alam ko rin na hindi niya yun ipapaalam sa akin.
"Ahmmm PJ...nangimay kasi yung paa ko, pwede bang dito nalang ako kumain sa kama. Pabukas nalang yung pintuan sa veranda." at nakita ko ang ngiting ayaw kong makita. Alam ko kapag ginagawa niya yun. Ginagawa niya yun kapag gusto niyang isipin ng iba na okey siya pero sa totoo lang ay hindi naman talaga.
"Stop it Sam."
"Ang alin PJ?" pagtataka niya.
"I said Stop It."
"What do you mean?"
"Stop acting like you're really ok Sam! Tigilan mo na please. I really hate seeing you like this."
Nagulat siya sa pagsigaw ko pero hindi narin niya napigilan at umiyak na siya ng tuluyan. Alam kong nahihirapan na siya pero ayaw ko namang mas lalo pa siyang mahirapan dahil tinatago niya ang totoo niyang nararamdaman. She's still my first love and all I want is the best for her.
BINABASA MO ANG
Anong pangalan mo?
RastgeleIsang simpleng tanong pero magiging komplikado ang sagot.