49

77 2 0
                                    

Scarlett's POV

"Hunter!" tatakbo na sana ako palapit sa anak ko nang may biglang humawak sa braso ko.

"I'm sorry Scarlett. Not yet." sabi sa akin ni Chance.

"Bakit mo ginagawa to Chance? Bakit?" naiiyak kong tanong sa kanya.

"Dahil sayo. Ginagawa ko itong lahat dahil sayo mahal kong Scarlett. Ikaw ang dahilan kung bakit kaya kong dumihan ang napakaganda kong reputasyon. Ikaw ang dahilan kung bakit pati ang mali nagagawa ko. Ito nalang ang naiisip kong paraan para makuha ka kay Prince. Hindi ka bibitiw sa kanya unless may kunin ako sayong importante and ofcourse yun ay ang anak nyo."

"Chance, please don't be like this. Alam kong hindi ka ganito. Please...ibalik mo na si Hunter sa akin."

"Don't cry my precious serendipity. Ibabalik ko sayo si Hunter...pero hindi dito. Hindi sa bansang ito. Hindi ko hahayaan na bumalik ka ulit sa walang kwentang lalaki na iyon."

Ibang-iba na talaga siya. Pati paraan ng pagsasalita niya ibang-iba narin na para bang ngayon ko lang siya nakilala at nakita. Natatakot na ako sa kanya. Natatakot ako sa nangyayari.

"Papaunahin ko nang paailisin ang plane nina Hunter at susunod tayo sa kanila." dagdag niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Katulad ng sinabi ko. Hindi mo makakuha si Hunter sa bansang ito dahil lilipad tayo papuntang ibang lugar. We will live happily ever after far far away from your f*cking Prince." at natawa siya. Tawang ngaun ko lang narinig sa kanya. Tawang mas lalong nagdagdag ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyado silang marami at mga armado rin.





Chance's POV

Dumating narin ang araw na pinakahihintay ko. Magkakasama-sama narin kami ng pinakamamahal ko at ng anak namin. Oo, anak namin. Hindi ko kailanman iisipin na ang ama ni Hunter ay ang bwisit na Prince na yun.

Natigil ako sa pag-iisip ng magsalita ang isa sa mga tauhan ko."Sir Chance, parating na po yung inutusan kong banggain ang sinasakyan nina Prince."

Pagtingin ko ay may parating na isang black van na mukhang nakipagbakbakan sa gera. Mukhang nagawa pang lumaban ng bwisit na lalaki na yun.

"Totoo ba! Bakit mo nagawa yun kina Prince at Dylan? Napakasama mo na talaga! Hindi ko akalain na aabot ka sa puntong mananakit ka ng tao!" tatanggapin ko ang sinasabi mo sa akin mahal. Alam kong ngayon ka lang magagalit sa akin pero kapag nagsama na tayo ay mamahalin mo rin ako.

Hindi ko na siya sinagot pa dahil alam kong madaragdagan ko lang ang sama ng loob niya kaya naman ay sinenyasan ko na ang mga tauhan ko na paandarin na ang mga eroplano para makaalis na kami.

"Ikaw nang bahala dyan sa mga inutusan mo." sabi ko sa tauhan ko at inakay na si Scarlett papunta sa plane namin.

Nagulat nalang ako ng biglang bumilis ang pagmamaneho ng itim na black van at hinarangan ang daraanan namin ni Scarlett.

"What the f*ck!"

Mayroong mga bumaba dito na talagang nagpatawa sa akin.




Scarlett's POV

"Bitawan mo si Scarlett at ibalik mo si Hunter!" akala ko talaga ay hindi ko na maririnig ang boses niya. Kasama ni Jairone si Dy at pareho silang may  hawak na baril.

"So you think na matatakot ako sa baril na hawak mo? Oo nga pala, gusto kitang i-Congratulate kasi naman napakatibay mo. Dinaig mo pa ang pusa sa dami ng buhay mo. Congrats Prince."

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo! Ibalik mo sa akin ang mag-ina ko!"

Wala kaming narinig na sagot kay Chance kaya naman ay hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Bigla niya akong hinila at sapilitan niya akong hinalikan. Nang nabitawan niya ako ay ginamit ko ang buong lakas ko para sampalin siya. Para magising narin siya sa katotohan na mali ito. Mali itong lahat!

"P*tang i** mo! Papatayin talaga kitang hayop ka!" rinig kong sabi ni Jairone. Lalapit na sana siya pero hinarangan siya ng mga tauhan ni Chance.

"Ang tamis. Ang tamis mo pala mahal ko. Magpaalam kana sa lalaking nasa harap mo ngayon Scarlett. Masyado na nilang pinapatagal ang pag-alis natin."

Isang malakas na putok ang nagpatigil sa amin at nagpa-alarma sa mga tauhan ni Chance. Biglang lumiwanag ang paligid. Sobrang liwanag na halos mabulag ako sa ilaw na dala nito.

Nang maiayos ko na ang paningin ko ay naiyak nanaman ako ng makita ang paligid.  Pinalilibutan kami ng mga pulis at mayroon ding nagsidatingan na mga helicopter na pangsundalo.

"F*ck!" rinig kong mura ni Chance pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa akin.

"Wag na nating palalain pa ito Chance. Just give up. Ayaw kong makita kang ganito. Gusto kong bumalik ka sa dating ikaw. Yung Chance na  masayahin, pala-kwento,carefree. Hindi ka ito Chance. Hindi ka itong tao na pinapakita mo. Nabulag ka lang sa pagmamahal mo sa akin pero makakapagbago ka pa. Alam kong kaya mo."

Nakatingin lang si Chance sa akin na para bang may iniisip. Hindi ko alam kung ano pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.Halos lahat ng tao sa paligid namin nagsisigawan na pero wala parin siyang sinasabi.

"Kung hindi karin naman mapupunta sa akin..." nanlaki ang mata ko ng may binunot siyang baril at tinutok sa ulo ko.

"Mabuti nang hindi ka narin mapunta sa iba mahal kong Scarlett."









At ang huling narinig ko ay putok ng baril na tumama sa ....







Anong pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon