35

147 3 0
                                    

"Mukhang malakas ang tama sayo ni Chance girl." bulong sa akin ni Eunice.



Andito kami ngayon sa gallery exhibit ni Darren in which naimbitahan din si Chance. Kanina pa kasi siya patingin-tingin sa gawi namin ni Eunice kaya ito namang kaibigan ko nagconclude na may tama sa akin si Chef. Haissst! Baka naman kasi may dumi ako sa mukha o hindi ako bagay sa gantong event kaya sya tumitingin sa akin.

"Wag ka nga Eunice! Hindi totoo yan nuh. Siguro ano lang, hmmm...baka ano...o kaya baka kasi..."

"Ewan ko sayo Alex! Hindi mo rin matapos sentence mo kasi alam mong totoo. Sabi mo sa akin nagtapat na sya sayo diba? Well, hindi ko rin ba alam kung ano ang nakita nila sayo. Ang manang mo kaya. Heheh!"

"Oo nga ehh...nasan ba naman kasi si yosi boy?"

"Anong sinabi mo? Wag ka ngang bumulong."

"Hahah! Wala wala. Sabi ko ang ganda ganda talaga ng bestfriend ko."

"Buti alam mo." proud nya pang sabi sa akin. Ahaha! Ibang klase talaga.





Nauna na akong lumabas para doon nalang hintayin sina Darren at Eunice. Hindi ko naman inaasahang makita si Chance na ang astig tingnan habang nakasandal sa kanyang all black Camaro sports car. Ano bang aasahan ko? Yayamanin ang taong to. Hehe!

"Uyyy chef! Aalis kana ba?"

"Actually, aalis tayo." at pinakita nanaman nya ang kanyang nakakatunaw smile

"Aalis tayo? Ahhh... kasama karin ba namin magdidinner?"

"Tayo lang dalawa Scarlett. Sa totoo lang umalis na sina Eunice at Darren. I asked them if I can ask you out for a dinner and they said yes."

"Ahh...ehh...ganun ba?! Haha! Hindi ko to inaasahan Chef." walangyang Eunice yun hindi man lang ako sinabihan.

"Shall we go? Wag ka ng mag-isip pa dyan Scarlett. Hehe!"

"Ha he hi ho hu...hahaha!" hindi ko alam ang sasabihin ko.

"You're really something Scarlett." and he smiled at me again









Ang inaasahan kong dinner ay yung tipong fine dining kasi parang nasa personality na nya, pero hindi ko akalain na picnic with star gazing pala ang peg nya. Snow, stars, northern lights and japan, mukhang alam na nilang dalawa ni yosi boy kung paano ako mapapasaya. It just so happen that they do it differently and they have a different effect on me as well.

"Papaano mo nalaman tong lugar nato Chef?"

"Lupa kasi to ng Lola ko dito sa Antipolo. Nung bata kasi ako dito ako lagi dinadala ni Lola at talagang nakakagaan ng pakiramdam tuwing nandito kami. Sabi nya sa akin hangga't wala pa daw akong pamilya ay hindi daw nya ito papatayuan ng bahay."

"Sa totoo lang gusto ko nang patayuan nya to ng bahay, dahil mukhang nahanap ko na sya..." dagdag pa nya.

Natigilan ako sa sinabi nya lalo na nung tumitig sya sa akin. Yung titig nyang tagos sa buto at laman. Agad din naman akong umiwas at bumaling nalang ulit sa magandang view dito sa Antipolo.

Buti nalang at nawala ang nakaka-awkward na atmosphere nung nagumpisa kaming kumain. Napahanga nanaman nya ako sa mga pagkaing niluto nya. Lahat kasi Filipino dishes pero cooked in Chance's way. Grabe ang galing talaga ni Chef!











"Salamat sa paghatid Chef. Amazing ka talaga! Hehe!" biro ko sa kanya

"Well, everything for you Scarlett. You really made me happy today." seryoso nyang sabi. Anak ng! Bakit ba naman biglang nagiging ganto si Chef!?

"Hahaha! What's with the face Scarlett? Hindi ka pa ba nasasanay sa akin? Sige na, pumasok kana sa loob. It's kinda late already. Good night." he was about to kiss me on the cheeks when someone grabbed my hand from behind. Napapa-english tuloy ako.

"Yeah. It's kinda late already and a goodnight kiss will do no good." sabi ni yosi boy, which looks like a monster right now.

"Nakakatuwa naman. Hahah! Lagi ka nalang sumusulpot sa part ng goodnight kiss." hindi ko alam kung naiinis si Chef o ano. Mukha parin kasi syang kalmado ehh.

"You know why? People can say goodnight to her but I will never allow OTHER PEOPLE to just kiss her." waaaaahhhh! Ano ba naman tong si yosi boy! Baliw na talaga.

"Why? Are you both in a relationship? For what I know and for what Scarlett knows, eh hindi naman kayo. You're married right?"

"Why do you fuc**** care?!" ayan na po si Yosi boy.

"Ahmmmm guys, kalma lang. Ahmmm Chance, thank you ulit ahh. Bukas nalang tayo mag-usap. Hehe! Ikaw yosi boy umuwi kana rin."

"Bakit ako uuwi? I'm home already." anak ng! Bumanat pa tong lalaki na to.

"Hahaha! Nice one bro. I'll get going now. See you tomorrow my serendipity." nagiwan sya ng nakakatunaw na ngiti at umalis narin agad.









"Yosi boy, umuwi kana nga! Tsaka bakit andito karin sa pinas? Nagmemed school ka pa diba?"

"Shhhhh! Dami mo laging tanong na babae ka noh." at dire-diretso lang syang pumasok sa bahay namin. Baliw na halimaw talaga!

"Hoy! Umuwi kana nga, baka dumating na si kuya."

"Walang darating dahil nasa Canada ang papa mo and your brother is in Cebu for a business trip."

"Wow! Bakit mo alam yan? Tsaka ano bang kailangan mo? Papaano ang med school? Bumagsak ka ba? Pero I doubt na babagsak ka kasi kahit papaano naman matalino ka."

"Minsan madaldal ka talaga at matanong noh? Pahingi na nga lang ng kape at medyo masakit pa ulo ko dahil sa jet lag."

"Kakarating mo lang? Ehh bakit dito ka dumiretso? Dapat nagpahinga kana muna."

"Yung kape muna pwede."

"Ayy... OPO! Mahal na prinsipe."

Agad ko naring hinanda ang kape ni monster pero nung bumalik ako sa sala ay wala na sya doon. Nilibot ko na ang buong first floor pero wala parn siya kahit sa garden. Late ko na napansin yung sapatos nyang nakakalat sa may hagdan. Tsssss! Feel at home talaga.

Nang makaakyat ako sa taas ay naabutan ko syang naninigarilyo sa may veranda namin. Ine-expect ko pa naman ay natutulog sya sa kwarto ko, assuming ko lang pala. Hehe.

"Hoy! Bakit di ka sumasagot nung tinatawag kita? Andito ka lang pala. Hindi mo ba ako naririnig?"

"Naninigarilyo ako ehh...paano ako makakasagot?"

"Wow! Ang ganda ng dahilan mo sa akin ah. Ayan na ang kape mo."

"Nagiging mainitin ata ang ulo mo? Buntis kana ba? Magiging ama naba ako?" seryoso nya pang tanong sa akin.



Gusto kong tumalon sa veranda dahil sa tanong nya. Gusto kong lumubog sa lupa, gusto kong ipanligo yung kapeng dala ko, gusto kong sumabog nalang talaga. Wala man lang pakundangan sa tanong ang lalaking ito! Ako nalang tuloy ang nahihiya sa sinasabi nya.












Mabubuntis nga ba ako? Tanging natanong ko nalang sa sarili ko.



Anong pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon