Jairone's POV
Buti nalang talaga at nakikiayon sa amin ang panahon. Tamang-tama lang ito para macelebrate namin ang espesyal na araw na ito.
Isang taon na ang nakalipas pero sariwa parin sa akin ang mga pangyayari. Naging mahirap man sa kanya ang lahat, alam ko naman na masaya na siya ngayon sa piling ng taong lubos na nagmamahal sa kanya.
"Alam naman nating lahat na masaya na siya ngayon Prince. Ginawa mo naman ang lahat maligtas lamang siya." sabi sa akin ni
Dy.Tumango lang ako sa kanya at binalik ang tingin sa puntod ng babaeng minsan kong minahal.
"Kung nasan man siya ngayon ay alam ko na nagpapasalamat siya sa iyo." dagdag naman ni Darren.
Napakasakit isipin na matapos ng mga ginawa ko ay hindi ko rin siya nailigtas. Alam kong kung panahon na talaga ng tao panahon na nila, pero napakabilis naman.
"Don't be hard on yourself. Katulad mo ay mahal din namin siya." at niyakap na ako ni Eunice. Alam kong gusto lang niya akong i-comfort at mabuti nalang talaga nagkaroon ako ng mga kaibigan na tulad nila.
"Scarlett..." pagbasa ko sa puntod niya.Ngayon ang 1st year Death Anniversary niya at sinugurado namin na free kaming lahat para mahandaan siya. Kwinentuhan namin siya ng mga nangyari sa amin simula ng mawala siya...na para bang andyan lang siya at kasama namin.
Bago pa man kami abutan ng gabi ay umuwi narin kami. Gusto ko narin makita ang taong muntik nang mawala sa akin at mayakap ng mahigpit.
"Good evening sir." bati sa akin ng napakatagal na naming butler na si Franco. Dito na kami sa mansion nanirahan matapos ng mga pangyayari noon. Sa akin naman talaga ito dahil matagal na itong pinamana ni tanda sa akin.
Matapos ng insidente noon ay agad din na humingi ng tawad sa amin si tanda. Naliwanagan siya sa pangyayari at inamin na masyado siyang nagpabulag sa karangyaan at pera na naging dahilan para makalimutan niya ang tunay na kahulugan ng pamilya.
"Good evening din Franco. Nasan na..." at hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil isang umiiyak na Hunter ang karga ngayon ng yaya niya. Agad ko din siyang kinuha para mayakap.
"Don't cry baby." nakakatuwa talaga siya dahil tumitigil agad siya sa pag-iyak kapag ako ang may karga sa kanya.
"Hmmm...what do you like Hunter?" may tinuro siya sa taas kaya naman umakyat din ako. Sinundan ko lang ang mga munti niyang daliri hanggang sa tumapat kami sa kwarto ko. Anong kayang gusto ni baby?
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakaganda niyang mukha. Nakatayo lamang siya na para bang hindi siya natulog ng napakatagal na panahon. Nanlaki ang mata niya ng makita kami at hindi na napigilan na umiyak.
Isang taon din akong naghintay para magising siya. Isang malagim na bangungot sa akin ng mabaril siya, na naging dahilan para ma-coma siya. Ilang bwan matapos ng nangyari ay paglala naman ng sakit ni Sam. Napakasakit isipin na dalawa silang nasa hospital noon pero hindi na talaga kinaya ni Sam at bumigay na ang katawan niya. Sinisi ko ang lahat sa akin. Para sa akin ako ang may kasalanan ng lahat pero salamat narin kina Dy at tinulungan nila akong maging matibay at matatag.
"Babe..." hindi parin ako makapaniwala. Totoo ba ito?
"Jairone..." patuloy parin siya pagiyak pero agad na kaming nilapitan at niyakap.
"Oh shit babe! Miss na miss kita." Hindi ko na kinaya at kahit karga niya si Hunter ay hinalikan ko siya na para bang walang bukas.
"May masakit ba sa iyo? Gusto mo bang magpatawag ako ng doctor?" pag-aalala ko.
"Hindi na kailangan. Kanina pa ako nagising at naikwento na sa akin ni Franco ang mga nangyari. Sinabi ko nalang sa kanya na wag muna ipaalam sa iyo."
"Kung sinabi mo sa akin sana nakauwi na agad ako."
"Alam kong pinuntahan nyo si Scarlett. Nalulungkot ako sa nangyari sa kanya." Alam kong iiyak nanaman siya kaya naman ay hinalikan ko siya sa kanyang mata.
"Tama na sa pag-iyak babe. Kakagising mo lang puro luha mo nalang nakikita ko. Ngumiti ka naman. Miss ko na talaga ang mga ngiti mo." biro ko sa kanya.
Parang lumiwanag ang buong paligid ng makita ko ang ngiti niyang parang sa isang anghel. Kasabay naman nun ay pag-abot ni Hunter sa mukha naming dalawa.
"Syempre baby miss na miss narin kita at love na love ka ni mommy. Hindi na kita iiwan muli." Ngumiti naman si Hunter sa sinabi niya.
"Subukan mo lang na ulitin yun! Wala ka na talagang kiss sa akin." Ngumiti lang siya sa akin at agad din naman akong hinalikan sa labi.
"Mahal na mahal kita Jairone. Mahal na mahal ko kayo ni Hunter."
"I love you more the you know Scarlett. You are my life, you both are. Ikaw ang nagbigay direksyon sa akin, ikaw ang nagpapasaya sa akin, ikaw ang dahilan kung bakit naging mas exciting ang buhay ko. Salamat sa iyo." at hindi ko na napigilan tumulo ang luha ko.
"Ikaw lang ang nag-iisang Scarlett ng buhay ko."
The End