22

131 4 0
                                    

Agad akong tumakbo pababa at pinuntahan kung saan ko siya nakita. Nilibot ko na nga ang buong paligid pero wala parin siya. Haaaayyy baka naman guni-guni ko lang yun...pero siya lang naman ang kilala kong nagiging kapre sa ganitong oras. Pumunta nalang ako sa playground at umupo sa bench dun.

Nagitla nalang ako ng biglang may humalik sa pisngi ko, " Miss me babe?" and he showed off his killer smile pero tinulak ko parin siya dahil sa ginawa niyang paghalik

"Kapal ha! Tsaka wag ka ngang manghalik dyan! Makita pa tayo ni papa at kuya mapagalitan ako na basta nalang ako nagpapahalik."

"Hindi mo ba alam?" cool na tanong niya

"Anong hindi ko alam?"

"Na girlfriend kita. Halos lahat na ata alam na girlfriend kita Scarlett, even your brother and father knows about it."

"What the! You're kidding right? Pero never ka namang nagbiro. Bakit mo naman sinabi ang kasinungalingan na yun!? Ang sama mo talaga!"

"I told you, you're my girl. I don't lie about that." and he smiled again. Nako! Is this the end of the world

"May sakit ka ba? Bakit parang ang weird mo?"

"Ano namang weird sa akin?"

"Wala Wala! Ano bang ginagawa mo dito? Nanggugulo lang?"

"Gusto ko lang makita reaksyon mo. Ganun mo ba ako kamiss kaya napatakbo ka pababa?" and syet na malagkit bakit ngiti ng ngiti itong halimaw nato!

"Akala ko kasi namalikmata ako kaya gusto ko lang makasigurado."

"Palusot ka pa ha,let's go."

"Bakit naman ako sasama sayo? At saan?"

"Sa event nina Dylan. You're my girlfriend so you should be my date.Wag ka ng makulit Scarlett  at sumama ka nalang sa akin, pwede ba."

Nako bumabalik na ang halimaw!

Hindi na ako nakasagot pa dahil hinila nalang niya ako papasok ng kotse niya. Pumunta muna kami sa mansion nila para makapagpalit. Kung dati marami akong choices...ngayon isa nalang.

Isang black knee length dress na lace type ang sleeves ang pinasuot niya sa akin. Gusto daw niya kapag nakablack ako para mas lalo daw tempting halikan. Baliw lang diba!? Bakit ba ako sumasama sa mga taong ganto?

"Pareho lang yan sa sinuot mong heels dati,bakit nahihirapan ka ngayon?"

"Hello yosi boy?! Ang nipis ng takong nito oh, unlike sa dati kong suot. Magboots nalang kaya ako."

"Wag kang magbiro Scarlett. Halika nga." lumapit siya sa akin sabay lagay ng kamay ko sa balikat niya.

"Humawak kanalang muna sa balikat ko bilang suporta, pero mamaya sa party humawak kana sa braso o kamay ko."

"Demanding?! Ayaw ko nga! Balikat lang. Umalis na nga tayo mas lalong nananakit ang paa ko eh. Bakit ba kasi sumasama ako sa mga trip mo eh?"

"Because you like me...simple as that." at nagsmirk nanaman siya

Hindi na ako nakaimik pa sa kanya sa kadahilanang hindi ko rin alam. Bigla nalang kasi umurong ang dila ko.

"Nawala ba dila mo? Gusto mo bang hanapin ko para sayo?" tapos ngumiti siya ng nakakaloko

Feeling ko namula ako sa sinabi niya pero hindi parin ako makakapayag na magsalita siya ng ganon kaya sinuntok ko ang braso niya.

"Aray naman Scarlett! Alam mo bang ang mga kamay ko ang puhunan ko? Papaano nalang kung hindi ako makapagkarera dahil nabali na ito?" sabay turo sa braso niya

"Ewan ko sayo! Exag lang! Suntok? Bali agad? Umalis na nga tayo ng matapos na ito."

Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o ano , kasi ba naman itong si yosi boy kanina pa tingin ng tingin sa akin. Gusto ko sanang suntukin yung kabilang braso niya para tumigil na pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nagdridrive siya.

"Problema mo?" pataray kong tanong sa kanya

"Meron kaba? Bakit ang sungit mo? Yan ba ang way mo para mapakitang namiss mo ako?

"Lakas ng aircon ng car mo infairness. Hindi kita namiss noh!" tapos bumaling na ako sa bintana

"Talaga lang ha? Bakit kailangan mo pang tanungin si Dylan kung me game kami nitong buong week? Dahil sa hindi ako pumasok?" hindi ko pa siya tinitingnan pero nararamdaman ko ng nakangiti siya dahil doon

"Che! Isipin mo gusto mong isipin....Wow! Ito na ba ang hotel nina Dylan! Pwede natong pang 5 star."

"Tsssss." tanging nasagot niya

Parang baliw itong si yosi boy. Bakit kamo? Pareho kaming nakaformal pero nakaakabay ba naman sa akin.,,yung akbay pang-tropa. Ang lapit lapit ko tuloy sa kanya.

"Baka maubos pabango ko. Hwag mo masyadong simutin babe.Hehe!" mas lalo pa nyang dinikit sarili niya sa akin

"Che! H'wag mo nga akong akbayan! Nakakailang eh."

"Hahah! If I know, your loving the moment." sabay ngisi niya

"Whatever yosi boy!"

"Seriously Scarlett..."

"Oh ano nanamang kalokohan yang sasabihin mo?"

"I don't really like it when you're with Darren or with any other guys. It's torture Scarlett. It's torture." and he continued..." I want you all mine. Mine alone." seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko

Oh my freaking gosh! Pati reaksyon ko naging English na! Ibang iba talaga ang epekto ng mga salita niya sa akin. Feeling ko nangamatis na ako sa sobrang pula. Nung hindi na ako gumalaw ay inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Okey kalang Scarlett? Alam ko masyado kang masaya sa sinabi ko, h'wag ka munang macomatose. Haha!"

Binatukan ko nalang siya bilang sagot. Hindi ko alam kung bipolar ba itong lalaking to at bigla nalang nagiiba ang pagkatao.

Nang papasok na kami sa Grand Ball Room ng hotel ay siya namang paglabas ni Dylan.

"Prince, may dapat kang malaman. H'wag ka munang pumasok." seryosong sabi ni Dylan, in which first time kong makitang reaksyon niya

***♥***

Sorry for the typos and error's

:)

-akosiYM

 

 

Anong pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon