“Tatanga ka lang ba dyan o papasok sa loob?” tanong sa akin ni yosi boy
“Dito ka ba nakatira?” manghang manghang parin ako
“Hindi makikitae lang.”
“Wow! Yosi boy, yung bahay nyo kamukhang kamukha nung mansion dun sa Richie Rich the movie.”
“Tama na pagkamangha dyan, pumasok na tayo.”
“Ayaw ko nga! For sure may naisip ka nanamang hindi maganda. Pinapunta mo ba ako dito para paglinisin ng buong mansion nyo?”
“Actually, hindi ko naisip yan pero salamat sa pagbibigay ng ideya sa akin.” At nagsmirk sya
“Ano ba naman kasing gagawin nain dito?”
“Papasok kaba sa loob, o ipopost ko tong picture sa lahat ng social media para dumugin ka nung mga babae sa University.”
“Tssss…blackmailing monster! Kapag ako nakahanap na maiblablack mail sayo magsisisi ka!”
“Wag ka magpatawa Scarlett.” at hinila na nya ako papasok sa loob.
As in WOW! Hindi ko inaasahan na ganito sya kayaman. Akala ko afford lang talaga niya makabili ng mga sports car pero this is serious. He is freaking Richie Rich adik sa yosi version 2.0. Hahaha!
“Alam kong may iniisip kang hindi maganda. Nakatingin ka nanaman sa akin alam mo ba yun?” ano ba naman yan… nakakasanayan ko na atang tumitig sa tao habang nag-iisip ah
“Wala. Ano ba naman gagawin natin dito?”
Sinenyasan nya ako na sumunod sa kanya. Sunod lang ako ng sunod ng tumigil sya sa isang kwarto. Tumingin sya sa akin then an evil smirk formed into his face. This is not good. Pinauna nya ako sa loob at pagpasok ko… Anak ng tofu! Yung room…parang isang boutique dahil sa dami ng damit.
“Bakla ka ba?” hindi ko alam kung bakit ko natanong yun siguro kasi puro pangbabae tong damit sa kwarto
Tiningnan nya ako ng masama sabay lapit sa akin. Kada lapit nya urong ko naman, so lalapit sya uurong ako, lalapit sya uurong ako, lalapit sya uurong ako, lalapit sya uurong ako…then dead end, nakasandal na ako sa pader.
“Ahmmm…nagtatanong lang naman yosi boy.” medyo kinakabahan na ako
“Well…ibibigay ko lang ang sagot sa tanong mo.”
Hinawakan nya ang pisngi ko tapos nilapit ang mukha nya sa akin. Ramdam na ramdam ko nanaman ang paghinga nya at kinikilabutan ako sa ginagawa nya. Malapit na ang labi nya sa labi ko ng may biglang pumasok sa loob.
“Sir… ay sorry po. Nakakaistorbo po pala ako.” sabi ng isang lalaki
Nakita ko na parang nainis siya pero lumayo narin sya sa akin. Tinignan nya yung lalaki ng masama at sinabihang...
“Sa susunod kumatok ka kung ayaw mong mawalan ng trabaho.”
“Sorry po talaga, sir.”
“Ito na ba lahat yun?”
“Opo, yan na po yung mga damit galing sa lahat na sikat na brands.”
Tumingin sya sa akin tapos tinuro yung mga damit. Ako naman hindi ko alam ang gagawin. Anong bang gagawin ko? Lalabhan ko ba lahat to?
“Ano nanaman ba? Anong gusto mong gawin ko?” naiirita na ako
“Choose a dress. Then wear it.”
“Huh? Bakit ko naman gagawin yun?”
“Were going somewhere tonight. Bakit ba ang dami mong tanong Scarlett?! Kapag sinabi ko gawin mo nalang.”
“No. Kapag may sinabi ka magtatanong ako! Nakakainis kana ah! Bakit naman ako sasama sa party kasama mo?”
“Because I said so. Yun ang project na pupuntahan natin. Pumili kana kung ayaw mong ako pa ang pumili at magpalit sayo.” at ngumiti sya, yung nakakalokong ngiti
“Grrrr!!!”
Lumabas na sila at iniwan na ako sa room. Sabi nya babalikan nya ako ng 6:00pm kaya daw dapat mukha akong tao paglabas ko. Yabang talaga! Sya nga mukhang monster eh.
Ang dami dami masyadong damit at hindi ko alam kung anong susuotin. Nakakainis pa kasi puro dress at skirt ang andito hindi man lang nagsama ng jeans. Haissst. Ang ginawa ko nalang tuloy trial and error hanggang magustuhan ko na yung ayos ko. Nung makapili na ako agad akong pumunta dun sa make-up room na andun din sa room na yun. Puro room nalang.Hahaha!
Nagblush on lang ako konti tapos pulbo. Blinower ko lang konti buhok ko tapos tumingin na sa salamin.
“Okey na siguro to? Wala narin naman akong igaganda eh.” indoubt talaga kasi ako sa itsura ko eh, feeling ko hindi naman ako maganda
Nagulat nalang ako nung may kumatok sa pinto.
“Mam Scarlett tapos na daw po ba kayo tanong ni Sir Prince?”
“Opo, palabas na po.”
At pagbukas ko ng pinto… “Napakaganda nyo po Mam. Bagay na bagay talaga sa inyo ang suot nyo. Magugustuhan po kayo lalo ni Sir Prince.”
“Nako naman po palabiro kayo. Maniniwala na ako ng konti na maganda ako pero ang magustuhan nung lalaking yun, NO NO talaga! Hehehe!”
Hindi na sya sumagot at ngumiti na lang sa akin. Isang makahulugang ngiti, yung parang dapat me sasabihin pa pero nginiti nalang nya. Gulo ko noh? Hehe!
Pagkababa ko sa hagdan… I was stunned to see this monster in front of me. He still looks mysterious pero grabe ang HOT nya talagang tingnan . Kahit hindi pa naka ayos ang bow tie nya at hindi pa suot ang suit jacket nya talagang… I don’t know what word to use pero kung sa typical na babae nakakainlove ang itsura nya.
“What now?” tanong nya
“Anong what now?”
“Ano naman ngayon ang iniisip mo? Nakatitig ka kaya. Gwapong-gwapo ka siguro ngayon sa akin?” at ngumiti sya, and it made my heart beat so fast
“W-wala…”
Prince’s POV
Nakarinig ako na may parang pababa kaya tumingin ako sa hagdan. I don’t know why… but my heart beat faster as normal nung nakita ko sya. She do still looks the same but there was something different to her that make wants me to… I don’t know how to say it… but the words are hug and kiss.
Napansin kong nakatitig din sya sa akin kaya tinanong ko na sya.
“What now?”
“Anong what now?”
“Ano naman ngayon ang iniisip mo? Nakatitig ka kaya. Gwapong-gwapo ka siguro ngayon sa akin?”
“W-wala…” at iniwas nya ang mukha sa akin
Hindi ko na napigilan kaya hinila ko sya palapit. Hinarap ko ang mukha nya sa akin at sinabing…
“Oo nga pala hindi ko pa nasasagot yung tanong mo kung bakla ako…”
Sasagot pa sana sya pero sinigurado ko munang nagdikit na ang mga labi namin.
**!**
Hope you like it guys!
-akosiYM
BINABASA MO ANG
Anong pangalan mo?
De TodoIsang simpleng tanong pero magiging komplikado ang sagot.