Gumising ako the next day na masakit ang ulo dahil narin siguro sa hangover at sa...sa...sa...alam nyo na! Yung ginawa namin ni yosi boy.
"Alex, bangon at ligo na. Malalate kana sa klase mo nyan."sabi ni kuya at agad akong napatayo ng makitang 9:00am na. Lagot ako kasi 10:00 am ang klase ko.
30 minutes din ang tinagal ng pagligo at pagaayos ko kaya 9:30 na ako nung bumaba.
"Pa...kuya...alis na po ako ah. Doon nalang ako sa school kakain."
"Sige. Ingat kayo anak."
"Huh? Eh ako lang naman ang aalis ah?" pagtataka ko
"Basta lumabas kana. Hehe!" sabi naman ni kuya
Pagkalabas ko dun ko lang nagets ang sinabi ni papa. Nakita ko si yosi boy na nakasandal sa kotse nya habang nagyoyosi. Mayroon pa syang hawak na starbucks coffee, kala ko puro alak lang alam nya.
"Get in."
"Ano? Magcocomute nalang ako. Sige bye."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Gusto mo bang mas lalong malate? Sumakay kana Scarlett."
"Ano ba naman kasing ginagawa mo dito? Hindi naman ako nagpapasundo ah."
"Pwede sumakay ka nalang. Kanina pa ako nagiintay dito kaya wag mo ng dagdagan ang init ng ulo ko."
"Kasi mainit yang iniinom mo kaya mas lalong umiinit ang ulo mo." at bigla nanamang pumasok sa isipan ko yung nangyari kagabi.
Umiinom ako ng kape. Napaso ako. Pinagbasa ng text. Lagot daw ako. Ginantihan ako. Hinali...kan ko din sya. Shit!
"Alam kong may iniisip ka nanamang kung ano kasi nakatitig ka lang sa akin for 1 minute. Sasakay kana ba Scarlett or sapilitan kitang papasakayin?" sabay ngisi nya
"Haaayyy! Oo na! Sasakay na! Monster talaga."
Pagkasakay ko may bigla syang inabot sa akin.
Take-out ng breakfast meal sa mcdo at hot choco."Wag kana magtanong please. Kumain ka nalang." masungit nyang sabi sa akin
Hindi na ako nagsalita pero sa totoo lang natuwa ako sa ginawa nya. Agad kong kinain yun at naubos din bago makarating sa school.
"Ahmmmm....salamat ah." nahihiya ko pang sabi sa kanya
"Tssss! Sige na pumunta kana sa class mo."
"Eh ikaw? Wala kabang klase?"
"Mamaya pa dun sa last subject mo."
"Eh bakit ang aga mo pumasok?"
"Scarlett 9:55 na."
"Hala! Sige, mauna na ako." tapos tumakbo na ako ng mabilis
10:01 na ng nakarating ako sa room at buti nalang wala pa doon ang prof. Nang papasok na ako sa room hindi ko alam kung dahil ba sa late ako kaya nakatingin sila sa akin o dahil pawis na pawis ako.
"Siya ba yung girl?"
"Oo siya yung hinawakan ni Prince ang mukha sa bar."
"OMG! Nadungisan ang kamay ni Prince dahil sa isang stalker."
"Tapos sinama pa niya yan sa may VIP area kasama sina Eunice at Dylan. Ano kayang pangblablackmail ginawa nya kay Prince?"
What the! Ganito ba talaga magisip ang mga tao dito. Nakakainis ang sinasabi nila kasi wala naman talaga akong kasalanan. Umupo na ako pero meron paring ilan na nakatingin sa akin. Bahala sila! Hindi naman nila alam ang totoo bakit ako magpapaapekto.