Scarlett's POV
"And a toast for the soon to be bride and groom!" cheers ni Eunice.
Andito kami ngayon sa hotel nina Dylan at nagce-celebrate. Nang naging maayos na ang schedule ng lahat ay pinaalam ko na sa kanila ang plano naming pagpapakasal ni Jairone.
Nagkausap narin kami ni Scarlett at naging malinaw na lalo sa akin ang lahat. Nalaman ko na kaya pala siya hindi maiwan ni Jairone noon ay dahil sa sakit niya at sa maaaring mangyari sa kompanya nila. Laking pasasalamat naman niya ngayon dahil magaling na siya pero tinutuloy parin ang ibang treatments para hindi na bumalik ang sakit niya. Nagtataka nga rin sila ni Darren dahil walang pang ginagawa ang Lolo ni Jairone sa pamilya o kompanya nila.
Inamin narin ni Jairone sa kanila na hindi naman daw talaga siya nagka-amnesia. Gusto lang daw niya sanang gayahin si Dao Ming Su pero hindi na niya kinaya nang makita na nasasaktan ako. Kwinento niya rin sa kanila ang nangyari sa Korea. Ang totoong hindi niya maalala ay ang dahilan bakit siya paalis at nasa sasakyan nun. Hindi ko alam kung bakit ko naisip pero parang may hindi siya sinasabi sa amin.
"Yun oh! Sa wakas! Magsasama na kayong dalawa. Nakakapagod na kayang ako lagi kasama ni Scar.Hahaha!" biro ni Dy kaya natawa kaming lahat. Hindi pa pala kami kumpleto dahil hinihintay pa namin si Chef.
Chance's POV
"Finally! Andito na si Chef." nakangiting sabi ng babaeng pinakamamahal ko.
"Sorry guys kung late ako. May inasikaso lang ako. Congrats nga pala Scarlett." at hinalikan ko siya sa pisngi. Humarap naman ako sa lalaking kinamumuhian ko.
"Congrats Pre." at ngumiti sa kanya."Salamat. Anong gusto mo? Wine or Beer?" tanong niya. Ang mawala ka. Yun ang gusto kong mangyari.
"Beer nalang. So what did I miss?"
"Wala naman masyado. Prince was just telling us what happened in Korea. Well, hindi niya talaga maalala ang dahilan bakit siya paalis nun at eksena before nun." sabi ni Eunice. Buti naman kung ganun. Wala siyang kaalam-alam na nasa harap lang niya ang huli niyang naka-usap.
"Sad to hear that. I hope that it's just temporary." tumango lang si Prince sa akin. Ang sarap niya talagang sapakin. Hindi sila nababagay ni Scarlett.
"Hep Hep Hep! Tama na senti guys. So again for the soon to be Mr. and Mrs. Lopez." gusto kong ibato ang bote na hawak ko pero nagpipigil lang ako.
"Cheers!" sabi naming lahat.
BINABASA MO ANG
Anong pangalan mo?
De TodoIsang simpleng tanong pero magiging komplikado ang sagot.