"Hindi ito ang oras ng pagbibiro yosi boy." tanong ko sa kanya ng makalapit ako. Gusto kong mainis dahil nagagawa pa niyang magloko sa seryosong eksena na ito.
Tumaas ang kilay niya na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko."I'm sorry Miss. My name is Prince and not yosi boy. Tsaka hindi kita kilala kaya nga tinatanong ko ang pangalan mo diba?" sarkastiko niyang pahayag.
"Is this a sick joke? Jairone, isang taon kang nawala tapos yan ang sasabihin mo sa akin." hindi ko na talaga natiis ang inis sa kanya.
"Hey Miss! Don't you dare raise your voice on me. Dylan, kasama nyo ba itong babae na ito? Pwede bang paalisin niyo na siya at sinisira niya ang araw ko."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Napaka-cliché! Akala ko ay sa mga TV drama o libro lang ito nangyayari pero ito ako ngayon, hindi makapaniwala sa narinig at nakita ko.
"Let's talk outside Scarlett." hindi na ako nakaangal pa kay Darren at hinayaan nalang siyang hilahin ako palabas ng kwarto.
Pagkalabas na pagkalabas namin ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. The way he stares at me was no longer the same one's he used to give me. Mas masakit pa ito kaysa sa mga bwan o taon na wala siya sa tabi ko. Masakit na masakit.
"He had an accident Scarlett. And as much as I would like to tell you this on a funny way, nagka-amensia siya. Just like on the stories you've read and movies you've seen, nakalimutan niya ang babaeng pinakamahahal niya."
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Bakit ang unfair niyo!!!?" hindi ko na mapigilang hindi sumigaw