1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
1 taon akong naghintay pero hindi na siya bumalik. Kaparehong-kapareho lang ng nangyari noon, nawala siya ng walang pasabi, ng parang bula. Ilang beses kong kinulit si Dylan para sabihin kung nasaan siya pero hindi niya rin daw alam. Alam kong alam niya pero hindi niya lang sinasabi. Hindi ko alam kung bakit niya ako nagawang matiis, kung bakit nagawa nila akong matiis na hindi siya makita. Ano na ba ang nangyari sayo Jairone? Bakit parang usok ka ng yosi mo na nawawala nalang agad?
Nung isang araw ay nagpaalam sa akin si Dylan na aalis sila nina Darren at Eunice. Mayroon kasi silang naisipang business at sa Korea daw nila gusto yun itayo. Tinanong ko sila kung anong klaseng business yun pero naguluhan lang ako sa kanila. Ang sabi ni Eunice ay isang boutique daw, ang sagot naman ni Darren art gallery at si Dylan naman bar daw. Ang sabi nalang ni Dylan nung huli ay nasa isang building lang daw yun lahat kaya iba-iba ang nasagot nila. I really find it weird.
The same day ng flight nila ay nagpabook din ako ng flight papuntang Korea and ofcourse, hindi nila alam. Gusto ko lang makasigurado na wala talaga silang tinatago sa akin. Buti nalang at may na-hire akong private car doon para gamitin pangsunod sa mga pupuntahan nila.
Nung first day ay wala masyadong nangyari dahil nasa Hotel lang sila buong araw. Sumunod na araw, medyo nakakapagod dahil naglibot sila over Seoul. Feeling ko totoo talaga ang sinabi nila sa akin kasi puro establishments at properties ang pinuntahan nila. Masyado lang ata akong paranoid. Naisipan ko nalang na bumalik sa pinas dahil baka makita pa nila ako. Siguradong malulungkot sila kapag nalaman nila ang rason ng pagpunta ko dito.
Nasa labas na ako ng Hotel ng makita kong pababa sina Eunice ng elevator. Nasa gitna lang kasi ng hotel ang elevator at kita ang mga taong sakay nito from outside. Nakakapagtaka naman? Bakit may dala silang bulaklak? Bigay kaya yun ni Darren para kay Eunice? Ang sweet naman talaga ni Darren. Buti nalang paglabas nila ay nakasakay na ako ng kotse. Hindi ko na muna pinaandar ang sasakyan dahil gusto kong mauna silang umalis sa akin. Last na talaga, last na pagsunod ko na sa kanila.
Mukhang kakain lang sila dahil andito sila sa district na puro Korean restaurants. Ano ka ba naman Scarlett!? Masayado ka ng praning. Kapag bumababa na sila ay tsaka nalang ako magpapahatid sa airport...promise talaga. Nalagpasan na namin ang lahat ng restaurant pero hindi parin sila bumababa. Saan ba sila pupunta? Baka malate ako sa flight ko. Haaayyy...ako naman talaga ang may kasalanan. Tinanong ko ang driver kung nasaang lugar na kami at ang sabi niya ay papunta daw ito sa isang private hospital facility. Ano naman ang gagawin nila doon? Titingin ng property?
Nang makababa na sila ay sumunod narin ako sa kanila at sinigurado kong hindi nila mahahalata. May kinausap muna si Dylan sa telepono bago sila tuluyang pumasok sa loob. Ano kayang meron dito? Tumigil sila sa isang kwarto at mukhang pang-VIP pa ito. Nang magbukas ang pinto ay mas lalo akong naguluhan ng makita siya. Anong ginagawa niya dito? Nakaconfine ba siya dito?