Jairone's POV
"Sir bawal pong pumasok. May meeting pa po ang lolo nyo." pigil sa akin ng mga tauhan ni tanda.
"Well I don't give a shit! Papapasukin nyo ako o gugulpihin ko kayo isa isa?" galit na galit na talaga ako ngayon kaya wag nila akong subukan.
"Pero sir..." at natigil kami ng biglang may nagsalita.
"Anong kailangan mo Prince? Aba't kasama mo pa ang babaeng yan at mga kaibigan mo." nagmamaang-maangan pa siya ha.
"Her name is Scarlett and my soon to be wife. Nasan na ang anak ko? Nasan si Hunter?"
"Anong sinasabi mo? Bakit sa akin mo hinahanap ang anak mo? Akalain mong may apo na pala ako." natatawa pa siya. Konting timpi nalang Jairone.
"We all f*cking know na ikaw lang ang makakagawang kumuha ng anak namin. Ikaw lang naman ang kilala kong walang kasing sama at gagawin lahat para lang makuha ang gusto niya."
"What are you saying Prince? I really don't have an idea on what your saying. I may be evil but I would never get to that point." gusto ko ng maniwala dahil for the first time ay nakita ko ang malungkot na ekspresyon ng mukha niya.
"Please po. Ibalik nyo na po ang anak namin ni Prince. Hindi ko po kakayanin na mawala siya." at halos madurog ang puso ko ng makita ko si Scarlett na lumuhod sa harap ni tanda.
Scarlett's POV
Hindi agad siya nakapagsalita ng makita akong nakaluhod sa harap niya. Naninikip na ang dibdib ko dahil kanina parin akong umiiyak. Gusto ko lang mabawi si Hunter. Gusto ko na siyang mayakap.
"Babe stand up. You don't need to do this. He doesn't deserve this." sabi sa akin ni Jairone habang itinatayo ako.
"I'll end our conversation with this. Wala sa akin ang anak nyo." tumingin muna siya sa akin at tuluyan na siyang umalis.
"What if he's telling the truth? Hindi marunong tumanggi ang lolo mo Prince. Kung may ginawa man siyang masama baka ipagmalaki pa niya." rinig kong sabi ni Dy kay Jairone.
"Then who else would do this? Who f*cking else?!"
"Let's just all go back to the house at baka naman may nahanap ng lead ang mga pulis." sabi naman ni Darren.
"Halika na Alex." at nagpaakay na ako kay Eunice.
Eunice's POV
"Chance okey lang ba na ikaw na ang maghatid kay Alex sa bahay nila? Pupunta muna sina Prince sa mansion. Kami naman nina Darren ay titingnan ang nakuhang CCTV footage na nasa Police Station."
"Sige mag-ingat kayo. Ako ng bahala kay Scarlett."
"Alex, babalitaan ka agad namin so magpahinga ka muna sa bahay." wala akong narinig na sagot sa kanya. Alam kong emotionally ay nahihirapan siya ngayon.
May sasabihin pa sana ako kay Chance nang biglang may tumawag sa kanya. Nagpaalam muna siya para sagutin yun kaya hinayaan ko na siya.
Nang maipasok ko na si Alex sa kotse ay naisipan ko munang kumuha ng coke sa may vendo dahil kanina parin akong nauuhaw dahil sa mga nangyari.
"Very good. Keep him safe then. I'll kill you if he's hurt."
May narinig akong boses sa di kalayuan at nang tingnan ko ang nagsasalita ay si Chance pala iyon. First time ko siyang narinig na magsalita ng ganun ah. Tungkol kaya saan iyon. Nang maibaba na niya ang phone niya at humarap sa gawi ko ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
"Kanina ka pa dyan Eunice?"
"Hindi. Kakarating ko lang. Tungkol saan yung pinaguusapan nyo? Mukhang galit ka ah. Hehe."
"Ahh wala yun. Yung binili ko kasing aso dumating na sa bahay. Sinabihan ko lang yung nagbabantay na ingatan. Espesyal kasi sa akin yun kaya medyo nadala ako. Hehe."
"Ahhh ganun ba. Sayang matutuwa siguro si Hunter kapag nakita yun. Haaaayyy...o tara na?"
"Sige."
Jairone's POV
"Babe, kapag natapos ako sa mansion babalik agad ako. Ingatan mo sarili mo please. I love you." at hinalikan ko siya bago ako umalis.
"I love you too. Please Jairone bring him back."
"I will babe. I will."
Matapos ko siyang yakapin ay nagpaalam na ako sa lahat at kasama na rin ang kusinero. Hahayaan ko muna siya ngayong araw na ito pero sisiguraduhin kong hindi na mauulit na maiiwan si Scarlett sa kanya.
Nasa isang intersection na kami ni Dylan ng mapansin ko ang isang black van sa likuran namin. Parang nakita ko na ito kanina sa parking lot?
Binagalan ko muna ang pagmamaneho para tingnan kung sinusundan nila ba kami o hindi. At hindi nga ako nagkamali.
"Dy, may sumusunod sa atin. Tawagan mo si Scarlett at icheck kung ayos lang sila."
"Sige. Hahawakan ko na ang puso ko dahil siguradong hihiwalay nanaman ito sa pagmamaneho mo." nakapagbiro pa talaga tong lalaki na ito.
Naka-ilang tawag na si Dy pero hindi daw sinasagot ni Scarlett ang tawag. Wala parin daw sila sa bahay sabi ng kuya niya.
"Shit! Baka kung ano ng nangyari kay Scarlett."
"Kahit si Chance hindi sumasagot sa tawag ko. Ano na bang nangyayari?" hindi narin mapakali si Dylan dahil sa dami na niyang beses tinawagan ang dalawa.
Magsasalita pa sana ako pero bigla kaming binangga sa gilid ng kotse. Sabi na nga ba at masama ang balak ng kung sino man ang nasa itim na van na iyon. Ipapakita ko sa kanila kung sinong kinakalaban nila.
Chance's POV
"Matulog kana muna Scarlett. Gigisingin nalang kita kapag malapit na tayo."
"Salamat Chef." matamlay niyang sagot sa akin. Don't worry serendipity, everythings gonna be alright.
Nang nakatulog na siya ay agad kong kinuha ang phone niya at tinago. Hindi ko hahayaan na maistorbo ang babaeng pinakamamahal ko.
Nang nakarating na ako sa destinasyon ko ay eksakto namang nagising ang mahal ko.
"Malapit naba tayo sa bah-anong ginagawa natin dito Chef?"
"We're going home Serendipity."
"Huh? Anong sinasabi mo Chef? Bakit tayo nasa airport?"
"Malalaman mo rin pagkababa natin."
"Chef tinatakot mo ako. Ano bang nangyayari?"
Hindi na ako nagsalita at hayaan nalang makita ang sagot sa tanong niya. Nang marating namin ang private plane ko ay tinawagan ko ang isa sa mga tauhan ko para ilabas ang surpresa ko.
"Well my serendipity, we're complete now. You, me and..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naunahan na niya ako.
"Hunter!"