"Huh? Anong sinasabi mo Darren? Nakakatawa yung joke mo infairness." tapos tumawa ako ng pilit
"Pinapatawa lang talaga kita. Alam ko naman na wala kang gusto sa kanya eh. Hehe!"
"Talagang talaga! Dont say bad words. Hahaha!"
"Pero paano kapag sya naman ang may gusto sayo?"
"Hindi mangyayari yun. Kilala mo ba yung ex nya? Si Eunice? Feeling ko meron parin silang feelings sa isa't isa."
"Ex ni Prince si Eunice? Saan mo naman nabalitaan yan?"
"Usap-usapan kaya sa school. Wala bang tsismoso at tsismosa sa building nyo. Hehe!"
"Well, kaya nga rumors eh minsan tama minsan mali. Yun nga lang ang narinig mo maling-mali talaga."
"Mukhang may alam ka Darren ah. Share mo naman sa akin."
"Sige kapag kumakain na tayo para suspense muna.Hehe!"
"Darren naman ihh..." sabay pout ko
"Cute mo talaga.Haha! Later's baby, ok?"
Kumain kami ni Darren sa isang restaurant na overlooking ang buong city. Ang ganda ganda ng resto since outdoor sya at kita pa ang mabituing sky ngayon. Hind ko na sya pinaorder ng marami kasi baka hindi rin namin maubos.
"So?"
"Hahaha! Talagang naghihintay ka ah. Interested much?"
"Hindi naman gusto ko lang malaman ang real deal sa kanila."
"Well, wala naman talagang SILA even before. I've known Prince and Dylan since pre-school days since Xavier lang kami from the start. Doon din nagaral si Eunice pero nagmigrate sila after highschol."
"You've known them? Close kayo?"
"Sorta. Hehe! Namisinterpret lang ng mga tao ang closeness nila at since hindi naman kayang ipahiya ni Prince si Eunice, hinayaan nalang nya ang rumors na naging sila."
"Ganon pala yun pero super close parin sila kaya parang ganun din yun. Baka nga ngayon maging sila na eh. Nakita mo na ba si Eunice ulit? Siya yung ideal girl ng mga lalaki."
"Oo maganda talaga siya pero ang magustuhan siya ni Prince? It's impossible."
"Bakit naman imposible Darren?"
"He's heart is scarred and still havent faded..."
"Anong ibig mong sabihin?" nakita ko ang biglang pagkalungkot sa mukha ni Darren in which first time kong nakita pero binawi niya rin ng nagsalita sya
"Wala Scarlett. Wala yun. Hehe!"
"Hmmmm...Darren, bakit mo alam yung tungkol sa kanila?"
"I'm inlove with her but she's inlove with him. That's why I'm a loser." at napahawak ako sa bibig ko. Now alam ko na bakit loser tawag sa kanya ni yosi boy.
"Oh my...sorry to hear that Darren."
"That's fine. Minsan hindi talaga natin nakukuha ang gusto natin. That's why I never had a portrait of her kasi she never allowed me. I felt sorry for her as well, kasi hindi masuklian ni Prince ang pagmamahal nya."
"Haaaay nako naman naging gloomy tuloy ang atmosphere. Hehe! Wag mo na ituloy ang kwento Darren gets ko na. Wait nga...waiter! Dalawang beer nga! Hehehe!" at natawa kaming dalawa
Akala ko makakadalawang bote lang kami pero bestfriend din pala ni Darren itong si beer kaya naparami kami. Dinaan nalang nya sa biro lahat ang sakit na nararamdaman niya kaya nagtawanan nalang kaming dalawa buong gabi.