36

129 7 0
                                    

"Grabe ang daming tao. Siguradong badtrip na badtrip nanaman si Prince ngayon. Hahah!" sabi ni Dylan

"Bakit naman sya magagalit? Buti nga at maraming pumunta sa birthday party nya ehh." tanong ko sa kanya

"Hindi mo parin ba sya kilala Alex? He hates people...specially people he don't know." sagot naman ni Eunice sa akin



Hindi nalang ako sumagot sa sinabi ni Eunice. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandito since hindi naman ako iniimbitahan ni yosi boy. Nakakainis mang-isipin pero nandito ako dahil sinama lang ako ni Dylan. Kaming tatlo lang ang magkakasama dahil may sakit daw si Darren. Alam ko namang hindi totoo yun dahil never pa naman nagkasakit si Darren at talagang eksakto pang birthday ni yosi boy.Wow lang!



Dumating na ang Lolo ni yosi boy kaya nagsimula na ang party. Kanina pa hinahanap ng mata ko kung nasan siya pero wala akong makitang halimaw. Nasan naman kaya yun? Ngayon lang din ako nakakita ng birthday party pero wala ang celebrant. Ibang klase talaga.



"Kung badtrip si Prince, lalong badtrip ang Lolo nya ngayon for sure. Haha!" natatawang sabi ni Dylan

"Bakit pa kasi ginagawang engrande ng Lolo nya ang birthday niya when he knows that Prince hated this kind of stuff." dagdag naman ni Eunice

"Eh nasan naman kaya sya kung ganon?"

"Why don't you text him? For sure sasagot yun sayo." sabi sa akin ni Dylan

"Parang narinig ko ng sinabi mo yan sa akin?" at napaisip ako kung kailan ko narinig yun sa kanya

"Haha! Kasi naman yun talaga ang totoo. Magtext ka lang sa kanya at wala pang isang minuto ay sasagot na siya sa iyo."

"Ewan ko sayo Dylan!" nagpaalam nalang ako na pupunta munang comfort room






Message sent. Hindi ko alam kung bakit pero tinanong ko kung nasan siya. Medyo kinakabahan pa nga ako dahil baka naman hindi nya pansinin ang text ko. Baka naman magkasama lang sila ni Scarlett kaya hindi siya nakapunta dito. Kung anu-ano na tuloy pumapasok sa isip ko kahit wala pang 30 seconds ang nakakalipas.




1 message received




O.M.G! Here goes nothing. At inopen ko ang message




From: Yosi Boy

Rooftop.



So nandito lang pala siya all this time? Bakit hindi man lang nya nagawang batiin ang mga bisita nya? Kung sa bagay hindi siya magiging si Prince Jairone kung magiging mabait siya. Agad din naman akong pumunta sa rooftop para sana silipin siya. Oo...silipin lang. Baka sabihin pa nyang gusto ko syang makita noh. Lalaki nanaman ulo nun for sure.

Anong pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon