"Pagod kana ba?" tanong ko kay yosi boy
"Bakit mo naman natanong?"
"Wala naman..kanina kapa kasi tahimik which is UNUSUAL."
"Ayaw mo nun? Gusto mo talaga ng atensyon ko noh?" sabay ngisi nya
"Kapal ha! Kung gusto mo namang magpahinga pwede ka namang bumalik sa..." hindi na nya ako pinatapos
"Im ok. Tumahimik ka nalang dyan. Tagal naman kasi ng fireworks na yan eh!"
"Ahmmmm..."
"Ano nanamang sasabihin mo?"
"Ahmmm...salamat Jairone." tapos napabuntong hininga sya
"Ngayon na-appreciate ko na."
"Ang alin?"
"Ang pasasalamat mo...because you called me by my name. Ibig sabihin para talaga sa akin."
Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi nya kasi nakatitig na sya sa akin. Yung titig nyang nakakapagpatigil ng oras, nakakapagpabilis ng tibok puso at...
nakakapagpaINLOVE...
Hinawakan nya ang chin ko at unti-unting nilalapit sa kanya. Halos 1 inch nalang ang layo ng labi nya sa labi ko ng...
BOOM!BOOM!BOOM!
Nagulat ako at agad napabalik sa dati kong pwesto. Narinig ko naman ang pagtawa nya pero hindi ko nalang pinansin dahil kapag humarap ako sa kanya makikita nyang pulang-pula ang mukha ko.
"Ang ganda ganda! This is the best part of being here!"
"No, you are..."
"Anong sabi mo yosi boy? Lakas ng paputok eh."
"Wala! Sabi ko bingi mo!"
"Che! Eh sa maingay eh. Uulitn mo lang sasabihin mo tinamad ka pa?"
"Ewan ko sayo!" at tinawanan ko nalang sya kasi highblood nanaman.
Nang makabalik na kami sa hotel diretso na sya sa room nya at hindi na lumabas pa. Napagod siguro talaga sya kaya natulog na. Ako naman akala ko hindi pagod pero paghiga ko sa kama nakatulog narin agad ako.
Pagbalik namin sa Pilipinas, akalain mong parang tropa sina papa, kuya at si yosi boy dahil nagawa pa nilang magkwentuhan sa sala. Ako naman nautusang maghanda ng tanghalian since patanghali na kami nakauwi ni yosi boy.
"Kuya, me jet lag pa ako. Pwede kaw nalang magtuloy nitong niluluto ko." sabay pacute para mahuli sa paing ko.
"Kaya mo na yan Alex. Gusto mo lagi masolo tong si Prince eh. Sarapan mo luto ah...hahaha!"
"Papa!" baka si papa maawa sa akin.
"Anak, kaya mo na yan. Boys talk to eh." sabay tawanan nila.
After 28472829, natapos din ang menudo na niluto ko. Habang naghahain ako nakita kong nakatingin sa akin si yosi boy tapos ngumiti. Gosh! Pwede bang tigilan nya ang pagngiti at pagtitig.
"Ano Prince? Pasado ba sa taste mo ang luto ng kapatid ko?" tanong ni kuya
"Hindi lang po yung pagkain kahit sya mismo pasado sa taste ko." tapos nagtawanan sila. Seriously?Anong napakain niya sa kuya at papa ko at nagagawa nyang makapagsalita ng ganyan sa harap nila.
"Che! Kumain nalang kayo."
After kumain ni yosi boy ay umalis na sya at syempre hindi ko nakalimutan na magpasalamat ulit. Kaysa matuwa ay nagalit sya dahil yosi boy nanaman ang tawag ko sa kanya. Natutuwa na talaga ako sa highblood look nya. Hehehe!
Isang linggo narin ang lumipas nung pumunta kami sa Japan ni yosi boy at same routine away-away lang kami palagi.Hehe! Papasok na ulit ako sa school ng mapansin na halos lahat ng students may bulong bulungan.
"Oh my gosh! She's back."
"Ang ganda nya talaga. Nakakainggit."
"The one and only supermodel Eunice akalain mong dito magaaral."
"Nako! Baka maging sila na ulit ni Prince. No!"
Mula sa pwesto ko sa 2nd floor may nakita akong babaeng naglalakad galing parking lot at lahat ng mga tao nakatingin sa kanya. Nilakihan ko lalo ang mata ko dahil akala ko nagkakamali lang ako ng tingin. Yung babae para syang anghel na bumaba sa lupa. Ang buhok nya talagang sumasabay sa hangin na akala mo ay nasa runway sya. Ang ganda ganda nya sa fitted black dress na kitang kita ang hubog ng katawan nya at ng malaki nyang YOU KNOW..hehehe!
"Sino yun?" tanong ko sa katabi kong lalaki na nakatingin din
"Si Eunice. Ex ni Prince at soon to be gf ko.Hahahaha!" confident lang? ikaw na kuya!
Last subject ko na at inexpect ko na makikita si yosi boy pero wala sya. May naririnig akong usapan na nagkita daw sila sa cafeteria at sabay na umalis ng school. Hindi ko alam pero parang may kumirot sa dibdib ko. Inisp ko nalang na mainit siguro kaya naninikip dibdib ko. Haaaayyyssss.
Naglalakad na ako pauwi ng nakasalubong ko si Dylan.
"Hi Scar! Buti nalang nakita kita."
"Hi din Dylan, bakit?"
"Birthday ko kasi ngayon at may party ako sa Centro Bar mamayang gabi. Punta ka ha."
"Pasensya na di ko alam ah pero Happy Birthday! Ahmmm...di ko pa sure Dylan eh."
"Sige na Scar, please..." at nagpuppy eyes sya
"Nako naman Dylan! Hehehe! Sige na nga."
"Yes! Thanks Scar. Gusto mo ba sunduin kita?"
"Nako hindi na, kaya ko ng pumunta dun. Dylan si yosi boy nga pala hindi pumasok alam mo ba kung bakit?"
"Ah...eh...he's kinda busy with stuffs pero dont worry makikita mo sya mamaya. Hwag ka masyado magpaganda ha. Hahaha!"
"Loko! Sige una na ako ng makapagpaalam ko. See you later."
"Later. Bye."
**♥**
short update lang po since continuation lang ng chap.11. hehehe!-akosiYM