"San tayo pupunta yosi boy? Bakit andito tayo sa airport? Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Chef baka hanapin nya ako." tanong ko sa kanya. Matapos niya kasi akong halikan bigla nalang nya akong hinila papunta sa kotse niya. Hindi man lang sinabi kung san kami pupunta. Like a boss nanaman.
"Pwede bang wag mo ng isipin ang pesteng kusinero na yun. Malaki na siya at kayang kaya na niyang umuwi." pagsusungit nya sa akin
"Ehh saan nga ba tayo pupunta? Papaano sina Eunice? Sigurado akong hahanapin nila ako." hindi siya sumagot at inalalayan nalang ako sa pagakyat sa private plane niya. Ikaw na talaga yosi boy.
"Uyyyy tawagan ko lang muna sila ahh." sabi ko ng makaupo kami.
"There's no need to call them coz they know that you're with me."
"Sigurado ka? At hinayaan ka lang ni Eunice? Hindi sya nagreklamo?" laking gulat ko sa sinabi nya
"Si Dylan lang ang may alam. Siya nalang daw bahala magsabi dun sa dalawa." cool na cool lang nya na sagot sa akin
"Wow! Pero wait! Paano ka? Hindi kaba hahanapin ni...ni...S-scarlett?" nahihirapan ko pang tanong sa kanya
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko..."Please don't think of anyone else when you're with me babe..." at bumilis nanaman ang tibok ng puso ko sa titig nyang yun.
"Hahaha! Nakakatuwa ka parin Scarlett. Natulala ka nanaman. I like that expression of yours." patuloy ni yosi boy sabay kurot ng pisngi ko
"Ewan ko sayo! Hmmmmppp!" sabay harap ko nalang sa bintana. Nakakahiya talaga ako.
"Take a rest babe. It's gonna be a long ride." natatawa nyang sabi sa akin. Since napagod rin ako sa pag-ski kanina ay napagdesisyunan ko naring magpahinga muna.
After 4842578 years ay nagising ako dahil sa gutom. Pwede pala yun? Hahaha! Pagtingin ko sa bintana ay nasa ere parin kami. Bakit ang tagal ata ng byahe namin? Halos 4 hours na ang nakalipas ahh?! Tatanungin ko sana si yosi boy kaso pagtingin ko sa kanya ay mahimbing siyang natutulog. Haaaayyy...bakit ang gwapo nya kahit tulog?
"Stop staring babe..." sabi niya sa akin habang nakapikit ang mata niya
"A-ahh...h-hindi kaya ako nakatingin sayo! Excuse me lang ha." pilit kong pagtanggi sa kanya
Nagmulat sya ng mata at nginitian lang ako. Nakakainis talaga itong lalaki nato. Halatang inaasar ako.
"Oh bakit nakabusangot ang mukha mo babe? Are you hungry?"
"Hindi ako gutom! Che!" at sana lumubog na ako sa lupa dahil bigla naming tumunog ang tyan ko
"Haha! Gutom ka na nga." tinawag nya yung isang kasama naming na nag-a-assist at nagpahanda sya ng makakain
"Saan ba talaga tayo pupunta yosi boy?' Ang sakit na ng pwet ko sa tagal ng byahe natin dito sa ere." tanong ko habang enjoy na enjoy sa mga sinerve sa aming pagkain
"It's a surprise babe. I know na tapos na ang birthday mo pero this is really my birthday gift to you. Bukas babalik rin tayo agad sa New York.
"Whatever. As if naman me magagawa pa ako diba." at natawa nalang sya sa reaksyon ko.
Buong byahe ay nagkwentuhan kami about sa experiences niya in medical school at iniwasang pagusapan ang kahit ano tungkol kay Scarlett. Habang pinapanuod ko syang magkwento parang napansin kong nagmateur na sya. Hindi sa itsura kundi sa paano nya tingnan ang buhay. Haaaayyyy... mas lalo pa tuloy syang gumagwapo sa paningin ko.