17

135 5 0
                                    

Isang linggo na pero hindi parin pumapasok si yosi boy.

Actually, pumapasok siya kaso andoon lang siya sa gym. Bakit ko alam? Kitang-kita kasi sa room namin ang gym kaya minsan nakikita ko sila ni Dylan na labas pasok doon. Simula kasi nung pag-iinarte ko last week, hindi na niya ako pinansin o kinausap.  As if I care naman diba? Haaaay.

“Okey class settle down, I have a good news for you. Classes 1-3 will be the 1st batch to go to the Business Management conference in Cebu. Be ready because it will be on Wednesday.”

“Where in Cebu prof? At ilang days?” tanong ng classmate ko

“Where else? Plantation Bay.  All expense paid siya, and rooms are already reserved for you. 2 days lang ang conference pero 3 days tayo magstatay dun. Yung 3rd day would be your free time.”

“Yahoooo!” sigawan ng mga lalaki kong kaklase. Tapos yung mga babae naman nag-usap agad kung anong susuotin nila, kung 2 piece o 1 piece. Hahah! Kala ko pang chickenjoy lang yun.

Napaisip agad ako kung kasama ba si yosi boy o hindi. Ano naman kung hindi siya kasama? As if I care talaga. Tssss.

Bago ako umuwi, chineck ko muna kung andun ang kotse ni yosi boy pero as usual wala na. Kapag pumapasok kasi ako nakikita kong andun na agad yung kotse niya pero pag-uwian ko na nakaalis narin siya. Talaga bang ayaw niyang magpakita sa akin? Bahala siya! I don’t care talaga!

“Uuuyyyy Scar! Lalim ng iniisip ah! Haha!” bati sa akin ni Dylan

“Oh Dylan... hehe! Hindi naman masyadow.”

“Anong ginagawa mo dito sa parking area? May kotse kabang dala?”

“Hindi nga ako marunong magdrive eh. Wala naman. May hinahanap lang na nawawala.”

“Ihhhhh! Haha! Nawawala naba si Prince ngayon?” sabay taas baba ng kilay niya

“Loko ka talaga Dylan. Hindi siya hinahanap ko noh!  May nahulog kasi ako pero bukas ko nalang tatanungin sa housekeeping department.”

“Talaga lang ah. Kung ako sayo nilalambing ko na yun si Prince. Akalain mo bang bigyan kami lagi ng 200 rounds tuwing magpraractice kami. Hindi na namin kaya Scar, kaya please naman kausapin mo na siya.” tapos nagpuppy eyes siya. Kulit talaga nitong si Dylan. Hehe!

“Huh? Hindi ko naman kasalanan yun eh. Tsaka siya kaya ang hindi pumapasok sa klase namin.”

“Kasi hindi mo siya pinapansin kaya nagtatampo lang din siya sayo. Kausapin mo na siya please.”

“Bakit ikaw ang nagsasabi nyan? Dapat siya ang makipagusap sa akin noh. Ano siya may spokesperson?”

“Hahahah! Kaya gustong gusto ka ni Prince eh! Palaban.”

“Che!” pagmamataray ko sa kanya.

“Well anyways, tara hatid na kita. On the way kasi ang bahay nyo sa pupuntahan ko.”

“Ang bait mo naman. Sige na nga, sabihin mo pa lagi kitang tinatanggihan.”

“Sabihin mo lang wala ka ng pamasahe.Hahaha!”

Tumawa nalang ako sa sinabi niya at sumabay na paalis sa kanya. Nang makarating kami sa interserction nagtaka ako ng makitang iba ang nilikuan ni Dylan.

“Hoy! Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan papuntang bahay ah?” pagtataka ko

“Haha! Nako naman. Kung papatagalin nyo pa yan mapapahamak kami kaya ako na gagawa ng paraan. Haha!”

“Anong sabi mo Dylan! Baliw kana talaga! Hindi ako makikipagusap sa kanya noh!” sinigawan ko na talaga siya

“Sorry... andito kana, so wala ng bawian. Haha! Alam mo bang isang linggo na siyang naglalasing tuwing gabi. Kaya naman kausapin mo na siya ngayon kasi mas gusto ko siya kapag bati kayo.”

“Kailan naman ba kami nagkabati ng lalaking yun? Hindi kaya kami friends.”

“Hahaha! More than friends lang ba? Kasi your he’s girl, right?”

Hindi na ako umimik kasi alam ko mauubos lang ang powers ko dito kay Dylan. Bakit ba may pinanganak na makulit na nilalang?Haaaayy.

Sa UNIVERSE kami pumunta  in which sa pagkakaalam kong hangout place ng mga sikat. When I say hangout place, in short, inuman nila. Pagkapasok namin sa loob mukhang kailangan kong magsuot ng night goggles dahil sa dilim ng paligid at tanging strobe lights lang ang nagbibigay ng panandaliang liwanag sa club. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Dylan ang kamay ko at nilagay sa braso niya.

“Para di ka mawala. Hehe.” bulong niya sa akin, kaya napangiti ako. Gentleman din pala tong lokong to. Hehe!

Sa may VIP area kami papunta at sa hindi malamang dahilan parang ayaw kong sumama kay Dylan.

Nang makarating na kami sa area nakita ko agad si yosi boy na nakatalikod sa amin. Nang makalapit na kami sa pwesto niya doon ko lang narealize kung bakit siya nakatalikod. And shit! Gusto kong magmura ng hindi lang sa isip! Tinanggal ko agad ang kamay ko sa braso ni Dylan at umalis.

Prince’s POV

“What the F*ck Eunice! Bakit mo ginawa yun?!” sigaw ko sa kanya

“I love you Prince. Please love me back.”

Hindi ko inaasahan ang paghila niya at ang marahas na paghalik sa akin.

Kahit lasing ako alam ko parin kung sino ang kaibigan ko at hindi ko itatake advantage yun dahil sa lasing siya. Hindi ko naman talaga inaasahan na makita si Eunice dito. Gustuhin ko mang umalis naisip ko nalang magstay dahil lasing na lasing na siya at baka kung sino pang lalaki ang may gawing masama sa kanya.

“Prince anong nangyayari?”  tanong ni Dylan na nasa tabi ko na pala

“Lasing na siya Dy. Pwede bang iuwi mo na siya kasi hindi na niya alam ang ginagawa niya.”

“No! Alam ko ang ginagawa ko Prince! Tanga kaba o sadyang tanga lang?!” sigaw ni Eunice sa akin na alam kong wala na sa sarili

“Tara na Eunice. Hindi maganda sa image mo kapag makita ka nilang nagkakaganyan. Sikat na model ka pa naman.” paalala ni Dylan sa kanya

“Dylan tulungan mo ako please...Tell him to love me back. Please Dy...” pagmamakaawa ni Eunice sa kanya.

“Prince love her back na daw oh para matapos na!” langya talaga tong si Dy kala ko seryoso na

“F*ck naman Dy! Isa ka pa eh.”

“Eunice mahal ka naman ni Prince... kaso mahal ka niya katulad ng pagmamahal niya sa akin. Wag ka na kasing umasa pa.”

“F*ck you Dy! Bakit ba ang hilig nyong dalawa na ipamukha sa akin na hindi ko makukuha si Prince?!”

“Eunice tama na...umuwi kana lang muna. Magusap tayo kapag hindi kana lasing.” seryoso kong sabi sa kanya

“I’ll go home kapag ikaw ang naghatid sa akin.” may magagawa pa ba ako? Tssss!

“Okey let’s go. Dy tulong muna.”

Nang mahatid ko na siya sa kotse ko at paalis na sana...

“Oo nga pla Prince.”

“Ano yun?”

“Kasama ko kanina sa club si Scar.”

Oh Shit!

**♥**

Hope you like it.

Sorry for any typos and errors

-akosiYM

Anong pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon