34

131 5 1
                                    

Isang linggo narin ang naklipas simula ng makabalik kami dito sa Pilipinas. Balik normal nanaman ang buhay ko unlike nung andun kami sa US na maraming happenings. Haaaayyy. Tumingin ako sa relo ko at naalala ko nanaman siya. Naalala ko nanaman kung papaano nya mas lalong pinasaya ang birthday ko. Ibang klase talaga yosi boy, halimaw talaga siya sa pagpapabilis ng tibok ng puso ko.



Pinasaya nya nga ako pinalungkot naman uli. Matapos kasi naming makabalik galing Finland ay hindi na ako nakarinig anything mula sa kanya kahit ang makita sya. Nung balak ko pa nga syang puntahan sa hospital ay sinabihan ako ni Dylan na wag na daw dahil busy daw siya. Nagtaka pa nga ako kung papaano nya nalaman na doon ako pupunta. Ang weird talaga. Mahirap talaga kapag sobrang saya ng tao bigla nalang may mangyayari na sobrang ikakalungkot mo.



Simula rin nung makabalik kami ni yosi boy, hindi ko narin nakita si Chef. Pinuntahan ko siya sa resto nya para magexplain kung bakit bigla nalang ako nawala pero nasa business trip daw siya. Tinawagan at tinext ko rin sya pero walang sagot, galit nga ata talaga siya sa akin. Sino ba namang hindi magagalit kung iniwan mo yung taong ililibre mo sa birthday nya. Haaaayyyyy. Kamusta na kaya si Chef?




"Problema mo?"nakangiti pang tanong sa akin ni Dylan

"Ikaw. Mukhang proproblemahin nanaman kita. Anong ginagawa mo dito?"

"Hahaha! Grabe ka naman Scar! Syempre kakain ako kaya ako andito, tsaka nagbabayad naman ako kapag pumupunta ako dito ah."

"Nagbabayad ka kapag nahuhuli kitang paalis na. Tsk! Madalas kayang tinatakasan mo ako. O wala ka atang date ngayon?" dito kasi sya sa me high stool nakaupo ibig sabihin wala siyang kasama o walang darating. Kabisado ko na tong lalake nato ehh..hehe!

"Dating girls is kinda tiring you know. I get tired din naman. Haha!"

"Yeah... whatever Dylan!" tapos nagtawanan kami

Bigla kaming napatigil sa usapan ng may pumasok na lalaking may dalang boquet of red tulips. Ang ganda-ganda ng arrangement at for sure matutuwa yung babaeng makakareceive nito. Hindi ko naman inaasahan ng lumapit sya sakin at sinabing...

"For you po Ms. Luna." literal na nganga ako. Papapano nya ako nakilala?

"Hoy Ms.Luna sumagot ka! Haha!" langya tong si Dylan

"Ayy sorry kuya, hindi ko kasi inaasahan na para sa akin pala yan. Kanino po to galing?"

"Ahmmm Miss, hindi ko po pwedeng sabihin eh. Basta nalang po pinaabot sa akin. Ito rin pong sulat pinapaabot sa inyo. Sige po alis na ako." tapos para syang bula na biglang nawala. Si Flash ata yun ehh. Hehe.

"Ano nakalagay Scar? Basahin mo na."

"Atat lang Dylan? Baka sayo lang to galing at pinagtritripan ako ha."

"Wow! Grabe talaga makabintang tong babae na to. Haha! Akin na nga yan." sabay hablot nung sulat sa akin




Do you know what red tulips mean?

No? Well, I'll let you know.

-heureux hazard (Please don't google it coz I want you to experience it.) :)

Anong pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon