"Sure kabang hindi ka papasok ngayon?" tanong ni kuya sa akin
"Oo kuya... sama talaga ng pakiramdam ko eh. Pakuha nalang ng plane ticket at guide namin para sa cebu."
"Mukha atang hindi ko magagawa yun Alex kasi malalate ako ng uwi ngayon sa dami ng gawain sa office."
"Mapipilitan pala talaga akong pumasok kung ganon.Hmmm...mga lunch time nalang ako pupunta sa prof ko tapos alis narin ako agad."
"Sige...bilisan mo nalang para makapagpahinga ka. Gusto mo ba ng extra money para taxi ka nalang?"
"Hindi na kuya, okey lang ako sa commute. Alis kana kuya baka malate ka pa eh." sabay hila ko sa kanya papuntang pinto
"Oo nga pala. Pa! Alis na po ako."
"Ingat ka anak. Babalik na ulit ako sa pinapanuod ko ah ganda ng laban sa basketball eh.Hehe."
"Si papa talaga...bye na kuya."
5 minutes before lunch time nasa labas na ako ng faculty at hinihintay ang prof ko. Hindi ko talaga feel ang pumasok at baka makita ko pa siya or should i say sila.
"Ms. Luna kanina ka pa dyan?"
"Hindi po prof. Ahmm pasesnya na po talaga kung hindi ako makakapasok mamaya sa class nyo masama po talaga pakiramdam ko."
"Okey lang yun. Ito na nga pala ang mga kailangan mo. Nakalimutan ko palang sabihin na yung oras ng flight mo 1 hour delayed kaysa sa mga kaklase mo. Nagkaproblema kasi eh."
"Isang oras lang po pala. That's fine lang po."
"Kung ganon, see you in Cebu nalang. Mauna na ako Ms.Luna."
"Thank you po prof."
Umalis narin agad ako para maagang makauwi. Pababa na ako ng building ng makasalubong ko si Darren.
"Hi Scarlett! Anong ginagawa mo dito?"
"Hi din Darren. May kinuha lang ako sa prof ko. Mawawala kasi kami dito for 3 days dahil sa business management conference sa Cebu."
"Wow! Sa cebu din kayo? Bukas ba yan?"
"Oo...bakit feeling ko pupunta karing Cebu?"
"Korek ka dyan! Hehe! Hapon din ba ang flight mo?"
"Hindi eh, umaga yung flight ko. Sayang naman...masaya siguro kung magkasabay tayong pupunta dun."
"Oo nga eh. Hwag ka magalala mamamasyal tayo dun. Itetext agad kita kapag natapos na yung projet namin."
"Yey!Sige aasahan ko yan. Mauna na ako Darren ah...hindi pa kasi ako nakakapagayos ng gamit at medyo masama parin pakiramdam ko."
"Gusto mo bang ihatid kita sa inyo? Lunch break ko pa naman."
"Wag na uy. Haha! Kita kit's nalang sa cebu. Bye."
"As always, later's baby..." tapos natawa kami pareho
Naglalakad na ako papuntang main gate ng nakarinig ako ng sipol. Hindi ko alam kung para sa akin yung sipol pero kung para sa akin man yun hindi ako titingin dahil hindi ako aso. Medyo naiinis na ako dahil ngayon 'psssst' na ang tawag sa akin. Ano ba naman tong tao na to? Kung hindi man nya ako kilala sana tawagin man lang akong...miss o ate...ganon man lang.
Halos kalahati nalang at mararating ko na ang gate pero hindi parin siya tumitigil kaya tumingin na ako. Paglingon ko, isang audi r8 lang naman ang nakita ko at mula sa bintana nito ay isang lalaking hithit buga ng yosi nya.
"Sa wakas tumingin karin Scarlett." sabay ngisi nya
Magpigil ka Alex. Iniinis ka lang ng monster na yan kaya wag kana munang makipagsabayan sa kanya.
Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo sabay irap tapos nagsimula na akong maglakad ulit. Hindi ko parin malimutan ang nangyari sa club at kahit anong limot ko walang epekto panay parin ang replay nito sa utak ko.
"Sakay!"
Sakay your face! Gusto mo lagi mong makukuha ang gusto mo pero hindi ngayon yosi boy.
Nakarinig ako ng pagbukas at malakas na pagasara ng pinto ng sasakyan. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi sa akin.
"Sorry...I'm sorry kung nakita mo yun. It' s not what you think Scarlett."
"No need to say sorry. You can do whatever you want and KISS whoever you want." at poker face ko lang sinabi sa kanya yun
"No. You still dont get it dont you?!" at medyo kumunot ang noo niya pagkasabi nun.
"Ayaw ko ng magets kung ano man yang gusto mong ipagets Jairone at ayaw ko naring marinig kung ano pang sasabihin mo." nakailang hakbang na ako ng nagsalita ulit siya
"Remember this Scarlett. You may walkout on me or runaway from me but I'll do make sure that you...yes you...will end up with me."
Oh shit! He didn't say that! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at siguradong panalo to sa karera. Hindi na ako lumingon pa at tumakbo nalang para agad makarating sa sakayan.
**The Next Day**
Maaga akong nagpunta ng airport para masiguradong hindi ako mahuhuli sa flight ko. Sa traffic ba naman sa Pilipinas laging on time ang tao.Hehe! Naabutan ko pa ngang paalis yung iba kong batch mates.
Anong oras naman kaya ang flight niya?Bakit hindi ko siya nakita kanina? Ang tanong sasama ba siya? Erase. Erase. Erase. Alex wala kang paki sa kanya diba kaya itigil na ang pagtatanong.
"Ang gwapo naman niya girl parang artista."
"Ang hot niya!"
"Para siyang model..."
Yan ang narinig kong usapan ng mga katabi kong babae. Hindi ko pa tinitingnan ang tinutukoy nila dahil busy ako sa pagcheck ng celphone ko at tinatamad pang itingala ang ulo ko.
"Oh my! Palapit na siya dito."
"Sana dito siya umupo sa tabi ko." kinikilig pa nilang sabi
Ano ba naman tong mga babae na to?! Masyadong kiligin. Matingnan nga...
Oh shit! Anong ginagawa ng HOT na lalaking to dito? I mean halimaw pala. Pwede siya dito pero bakit pareho kami ng time ng flight?
"Babe. Nakatitig ka nanaman sa akin? Masyado kabang nagwapuhan sa babe mo?" sabay ngisi nya
Inirapan ko lang siya at hindi nagsalita.
"Grabe pala magtampo ang babe ko." tumabi siya sa akin tapos bigla akong inakbayan
"Alisin mo nga kamay mo yosi boy."
"Nope. I like it this way." tapos bigla kaming nagkatitigan dalawa. Umiwas agad ako ng tingin at pilit paring inaalis ang kamay niya sa balikat ko.
"I really missed you Scarlett. Please... let's stay like this."
And again, my heart beats faster at siya lang nakakagawa nito sa akin.
**♥**
Votes/Comments po.
Sorry again for any typos and errors
-akosiYM