Hindi ko namalayan na ginabi na pala ako dito sa bus stop. Ilang taon na ang nakalipas pero parehong-pareho parin ang epekto niya sa akin at mukhang mas lalo ko pa ata siyang minahal. Alam kong malayo ang estado ng buhay namin...well, hindi naman ganun na nagkakalayo pero bakit parang against all odds ang nangyari sa amin. Ano nga ba ang nangyari at nagkaganun siya? Dahil nga ba talaga kay Scarlett?
Ito nanaman ang sakit...nararamdaman ko nanaman siya. Parehong-pareho parin ang intensity katulad ng dati.
"Here..." panyo? Tapos tiningnan ko ang nagabot sa akin...Oh my freaking gosh!
"Jairone?"
"Kunin mo na tong panyo bago pa magbago ang isip ko." seryoso niyang sabi
"Para saan ito?" hindi siya sumagot at ipinunas nalang sa mata ko ang panyo niya. Shocks! Umiiyak pala ako.Ilang oras na pala akong parang tangang umiiyak dito.
"Hindi ko alam na...pero salamat." sabi ko pero hindi ako tumitingin sa kanya
Hindi parin siya nagsasalita kaya tumingin na ako sa kanya. Ang mga mata niyang yan ...ang mga matang dinadala ako sa ibang mundo. Nakatingin lang din siya sa akin at talagang nanghihina ako sa mga titig niya.
"Hey Prince! The cab is waiting." sigaw ng isang babae kaya napatingin kami pareho. The heck! What is she doing here?
Hindi sumagot si Jairone at pumunta nalang agad dun sa bruhilda este babae na ka-date nya last time. Masakit talaga ang maiwanan...ang maiwanan nanaman. Nakaalis na ang cab nila pero hindi parin ako umaalis sa pwesto ko. Para hindi magalala sina Eunice ay nagtext ako sa kanya na malalate ako ng uwi dahil nagpunta ako sa amusement park kahit hindi naman.
9:30 pm na pero andito parin ako, parang tamad na tamad kasi akong kumilos. Nakakapanghina talaga ang nangyayari sa amin ni Jairone. Nagitla nalang ako ng biglang bumusina ang kotse sa harapan ko. Papansin to ah! Hindi ako kumibo at iniwas nalang ang tingin sa sasakyan, pero ang kulit-kulit niya dahil patuloy lang ito sa pagbusina.
Hindi ko na talaga kinaya ang ingay kaya lumapit ako at kinatok ang bintana, "What the heck is your problem?!" tanong ko ng ibaba niya ang bintana
"Hop in." sabi niya sa akin. Bakit niya ako binalikan? Naiiyak nanaman tuloy ako.
"Hindi na. Okey lang ako dito." akmang babalik na ako sa bench ng lumabas siya sa kotse at sapilitang pinapasok ako.
At syempre, as usual, dahil malakas siya ay naisakay niya ako sa kotse.
"Saan tayo pupunta?"
"I'm bringing you home."
"Hindi ko pa gustong umuwi kaya ibaba mo nalang ako sa park. Bakit mo pa ba ako binalikan?"
"Gusto mo bang magyelo sa lamig don?" medyo napataas ang tono ng boses niya
"As if you care." talagang defense mechanism ng mga babae ang magtaray
"Will you stop what you're doing?!"
"Whatever I'm doing is my decision!"
Nung huminto ang kotse niya sa stop light ay agad akong bumaba at sumakay sa cab. Hindi ko na siya nilingon pa pero narinig ko parin ang pagsigaw niya sa pangalan ko. I really hate this feeling! I hate the feeling when he calls my name.
Una kong naisip puntahan ang Serendipity kaso ang malas lang kasi sarado na sila. Dahil sa gutom na gutom na talaga ako, sa kanya nalang ako pumunta. Mukhang maeenjoy ko ang company niya sa mga oras na ito.