Muntik na akong machoke sa sinabi ni Dylan. Ano daw?! Girlfriend? Napatingin tuloy ulit ako sa table nina yosi boy at parang gusto ko nang maniwala. Masaya kasi siyang nakikipagkwentuhan dun sa babaeng kasama niya. Namimiss ko na talaga ang ngiti nyang yun...I miss him.
"Hey girl. It's not the end of the world." sabi sa akin ni Eunice
"Totoo ba yung sinabi mo Dylan, na girlfriend nya yung babae na yun.Paano si Scarlett?" medyo nakakapanghinang malaman
"Yeah... girl friend. Babaeng kaibigan. Hahaha! Iningles kasi ako nung kasama niya at yun ang pagkakasabi niya then yun din ang sinabi ko sa inyo. Haha! Wag kana magdrama dyan Scar."
"Nakakainis ka talaga Dylan. Tsaka hindi ako nagdradrama noh? Nagtatanong lang naman."
"Can we just eat our dinner and stop talking about other people." seryosong sabi ni Darren. Nako po! Galit na siya.
"Sorry baby Darren. Haha! Buhusan nga to ng yelo." biro ni Dylan para mawala ang init ng ulo ni Darren
Hindi na rin ako nagsalita simula nun at pasimple nalang na tumitingin sa table nina yosi boy.Sa paraan ng pagkilos ng babaeng kasama niya, mahahalata talagang may gusto siya kay yosi boy. Ano ba naman yan? Bakit ba lapitin ng babae tong si yosi boy hanggang dito sa America? Hinihintay ko siyang tumingin sa gawi namin pero parang wala lang kami sa kanya. Parang wala man lang kaming pinagsamahan sa ginagawa niya. Haaaayy.
"Enjoying the food?" hindi ko na namalayan ang pagdating ni Chance
"Yeah. Your resto is now on the top of my favourite's list. Hehe!" sabi ni Dylan at natawa naman si Chance sa sinabi niya
"Eh papaano yung resto ko? Akala ko paborito mo tonkatsu ko?" biglang sabi ko sa kanya
"Hmmmm...wag ka magalala kasi ikaw naman ang number 2. Haha!"
"Hmp! No more tonkatsu for you. Hahaha!"
"May resto karin pala Scarlett? Sa Pilipinas ba ito?"
"Oo, actually ramen house siya. Mahilig kasi ako sa Japanese food eh."
"Wow! Kaya pala aspiring chef ka. Haha! I can't wait to taste your dishes as well."
"Nako wag na! Baka mapahiya lang ang mga pagkain namin sayo. Masyadong basic."
"Anong basic? Ang sasarap kaya ng pagkain nyo. Hindi man kalakihan ang resto mo, kilala karin naman pagdating sa ramen mo noh." pagtatanggol ni Darren sa akin
"I'll definitely visit Philippines."nakangiting sabi ni Chance
Nagstay nalang si Chance sa table namin hanggang matapos kami sa dessert. Kahit kinakausap ko siya pasimple parin akong sumisilip sa table nina yosi boy and it seems that there enjoying the night as well. I'm getting confused now. Who the heck is this girl? Kahit wala siyang pakielam sa akin hindi ko parin mapigilan ang sarili kong alamin ang tungkol sa kanya. I can't believe that up until now he still have this effect on me.
Nang matapos na kami ay hinatid na kami palabas ni Chance. I see a lot of deathly glares from girls ng tinulungan niya akong isuot ang coat ko. Siya na talaga! Hehe! Nakapagpaalam na yung tatlo at iniwan muna akong kasama siya habang kinukuha ang kotse namin.
"Salamat ulit Chef! Idol na kita sa pagluluto ngayon. Hehe!"
"Wala lang yun. Hope to see you again here in the resto or maybe in the park. Hanggang kailan ba kayo dito?"
"Hmmm...sabi ni Dylan one month daw para sulit ang lamig. Hehe!"
"That's great. I'll just text you then?"