20

182 6 0
                                    

Ito na ang araw na pinakahihintay ng mga kabatch mates ko...rampa este swimming time na! Tanging si yosi boy at kateam mates lang niya kasi ang nakakagawang hindi umattend ng conference kaya hindi na sila excited sa araw na ito.

Niyaya ko si Darren na magswimming pero hindi pa daw tapos ang presentation ng project niya kaya susunod nalang siya. Tumambay nalang tuloy ako magisa dito sa may beach habang amazed na amazed sa mga batch mates kong girls. Balandrang balandra ang katawan nilang pang model at makikinis na kutis. Ito namang mga lalaki topless all over the place para mapakita ang mga abs nilang walang wala kay yosi boy. Haaayy... bat siya pa ang naisip ko.

Habang gumagawa ako ng sand castle bigla nalang nagtilian yung mga babae kaya napatingin ako sa gawing tinitingnan din nila. Holy Cow! Yan ang ayaw na ayaw kong shinashare nya sa iba. Yosi boy is walking towards me...at shemay! Topless ang monster, showing the perfect abs that he got.

"Babe, ang laway papunas." tapos ngumiti siya

"Excuse me..hindi ako naglaway noh. Tsaka wag ka nga dito, hinihintay ko si Darren."

"Bakit ba ang kulit mo at nakikipagkita ka pa rin sakanya? Talagang iniinis mo ako?"

"Yosi boy, wala ako sa mood makipagtalo sayo. If I were you doon ka nalang sa mga chicks na yun oh." turo ko sa mga babaeng halos kita na lahat sa katawan nila

"Is that what you really want babe?" sabay smirk niya

"Leche! Aalis na nga ako."

"Bakit balot na balot ka? You should wear a bikini, it will surely make me happy.Haha!"

"Mahilig ka na ngang manghalik tapos manyak ka pa! Makaalis na nga." hinila nya ako kaya napaupo ulit ako sa buhanginan

"You should be happy dahil tanging ikaw lang ang nakakakuha ng mga halik ko." sabay ngisi niya at mukhang madami pa siyang kalokohang naiisip

"Hindi ko kailangan ng halik mo noh?! Kahit sino dyan sa harap ko pwede mo namang halikan kaya wag na ako."

"Talaga? Hindi ka magagalit?"

"Hinding hindi! Bakit ako magagalit? Ano ba kita? Wala naman diba?" tapos napakunot ang noo niya

"Well, if that's the case..." tumayo siya at lumapit sa isang batch mate naming girl na pang FHM ang beauty at katawan

Mayroon siyang binulong tapos...tapos...tapos...Shit! What the! Hinalikan lang naman niya yung pesteng mukhang higad na babae na yun! Hindi ko na nga namalayan na nasira ko na pala ang sand castle na ginawa ko kanina. Bakit ba ako naiinis? This is not good.

Umalis na agad ako at hindi na hinintay pa na humarap siya sa akin. Lokong monster yun! May pasabi sabi pang 'girl' niya ako pero kahit sino naman pala pwede niyang maging girl!

"Bakit ganyan mukha mo Scarlett? Mukhasim...haha!" sabi ni Darren na kasabay ko na palang maglakad

"Binadtrip lang ako nung yosi boy na yun. Tapos kana ba sa presentation mo?"

"Yes. Sama ka sa akin, pupunta tayo sa isang lugar na magpapakalma sa iyo. Hehe!" at nakita ko nanaman ang ngiting anghel niya.

"Sure. Kahit saan basta malayo kay yosi boy." ngumiti din ako pabalik sa kanya

Sumakay kami sa isang...yacht. Yes mga kaibigan, akalain mong rich kid din pala tong si Darren. Pupunta daw kasi kami sa paborito nyang lugar dito sa Cebu. May isang isla siyang laging pinupuntahan dito na para sa kanya mas maganda pa sa plantation bay o kahit na anong resort.

"Welcome to Imay.Hahah! Funny name for an Island, right?" sabi agad sa akin ni Darren ng nakadaong na ang yacht niya sa isla

"Ang cute nga eh. Bakit Imay?"

Anong pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon