"Ah guys...anong ginagawa natin dito sa court?" tanong ko sa dalawang lalaki na kasama ko ngayon.
Walang sumagot sa kanila at para bang nagkaroon sila ng sariling mundo.Seryoso lang sila nakatingin sa isa't isa na para bang nagpapalitan ng kung ano sa isip nila.Yung totoo?Gusto ba nila talaga akong kasama dito.
Inutusan agad ni yosi boy ang caretaker na ikuha sila ng bola at sinabihan din na siya ang magsilbing referee nila. Mali ata ang naging desisyon kong lumabas na kasama silang dalawa. Ang nangyari kasi ay pareho nila akong niyayang lumabas at ayaw ko namang magtampo sa akin ang isa, kaya niyaya ko nalang silang mag-arcade. Pero papaano naman kaya naging arcade ang basketball court?
"Babe, maupo ka nalang muna dyan and watch me." sabi ni yosi boy sa akin with his maangas look.
"I really much prefer if you watch me instead serendipity." sabay kindat ni Chef sa akin. Infairness ang cute niya dun.Cute din naman si yosi boy, masyadong nga lang seryoso ngayon. Hehe.
Pumunta na sila sa gitna ng court kasunod ng referee. Mukhang magsisimula na ata ang kalokohan nila. Pero ang tanong, kanino ako magchecheer?
Ilang minuto palang silang naglalaro pero pareho na silang may puntos. Kapag nakashoot kasi si Chef, nakakashoot din si yosi boy. Kung titingnan pa nga sila maigi para na silang nagkakasakitan pero hindi lang pinapahalata.Natatakot tuloy tumawag ng foul yung referee.
Nang matapos ang unang quarter ay pareho silang lumapit sa akin. At nanlaki ang mata ko ng pareho nilang hinubad ang mga shirt nila Hindi ko tuloy napigilang tumingin sa ano nila...sa ano...sa ABS teh! ABS! Yung totoo? Nasan ang palaman este nasan ba ang mga towel nila. Jusko po!
Hindi nila ako kinausap at kinuha lang ang towel na hinanda ko para sa kanila. Buti nalang talaga lagi akong handa. Kung kanina kami lang ang tao sa court, ngayon naman ay halos mapuno na ito sa dami ng tao. Let me correct that, halos mapuno ito sa dami ng babae at binabae.
Natatawa nalang ako habang naririnig ang mga komento ng katabi ko. Mukhang makukulong pa ata itong sina yosi boy at Chef dahil sa Polygamy.Ang dami kasing umaangkin na sila ang asawa at girlfriend nila. Haha! Nakakatawa lang.
Malapit nang matapos ang laro at pareho parin ang score nila. Wala naman akong pwedeng paburan sa kanila kasi it would be very unfair for the other. Anong gagawin ko?
10 seconds nalang at hawak na ni yosi boy ang bola. Mahigpit ang pagbabantay ni Chef at mukhang nahihirapan ding makalusot si Jairone.
10
9
8
7
6
5