Nang makarating ako sa bahay agad akong nagpaalam kay papa kung pwede akong pumunta sa birthday ni Dylan. Akala ko hindi nya ako papayagan dahil gabi na yun pero nung narinig nyang kasama si yosi boy agad syang pumayag . Naweweirduhan na talaga ako kung bakit gusto nina kuya at papa si yosi boy kasi sa pagkakaalam ko ayaw nilang may umaaligid sa akin na lalaki or should I say hindi naman talaga sila sanay na may lagi akong kasamang ibang lalaki kasi loner ako sa Canada.
Since wala naman akong damit na pangparty, well technically meron kung isasama yung bigay ni yosi boy na never kong isusuot. Duh! Nagsleeveless nalang ako na parang silk ang tela then skinny jeans tapos boots na suot ko sa circuit11.
“Alex, ayos pormahan ah! Hahaha!” hindi ko alam kung compliment ba ni kuya yun o insulto
“ Okey na siguro to wala naman akong damit na pang party eh tsaka madilim naman dun.”
“Magiingat ka at lagi ka didikit kay Prince para hindi ka mabastos ng mga lasing doon, Okey?” sabi ni papa
“In all the people, sa kanya nyo pa po talaga ako papadikitin? Ayaw ko nga papa! Babatiin ko lang si Dylan tapos uuwi narin siguro ako.”
“Mag-enjoy ka anak wag kang KJ. Alam naman namin na babantayan ka ni Prince eh.”
“Wag na kayong umaasa kasi may iba na syang binabantayan…”bulong ko
“Anong sabi mo Alex? Bumubulong-bulong ka pa dyan. Hehehe!”
“Wala kuya. Sige po alis na ako. Byer’s!”
Nang makarating ako sa Centro Bar, sobrang dami na agad ng tao. Medyo nahihiya pa akong pumasok dahil ako lang ang nakapants at halos lahat ng babae nakacocktail dress or nakamini-mini skirt. Buti nalang at hindi ako nahirapang hanapin si Dylan kasi nasa stage sya. Tanong nyo kung bakit siya andon? Siya lang naman ang nagD-DJ...siya na! Hehehe!
Nang mapatingin sya sa pwesto ko agad nyang tinanggal ang headphones nya at pumunta sa akin. Ngumiti sya sabay turo ng VIP area kaya sumunod ako sa kanya.
“Dylan, happy birthday ulit ah! Astig mo! Kahit loko-loko ka me talent karin pala. Hehehe!”
“Ganun talaga. I’m the perfect package pogi and talented.”
“Oo nalang ako since birthday mo naman. Hehe!” tapos tumingin sya sa suot ko at ngumiti
“Alam mo, kahit ganyan lang ang suot mo ang ganda ganda mo na.”
“Che! Niloloko mo nanaman ako. Hehe! Sige balik kana sa mga bisita mo ang dami pang parating oh.”
“Hehe! Balikan kita after 5 minutes ha. Order ka lang ng kahit na anong gusto mo. Enjoy!” nginitian ko nalang sya
Sa may bar counter ako pumunta at humingi ng maiinom. Nagulat nalang ako ng biglang nagtilian yung mga babae kaya napatingin ako sa direksyon na tinitingnan nila. Ito pala ang ibig sabihin ni Dylan na he's kinda busy with stuffs.
Medyo nanikip ang dibdib ko ng makitang nakahawak sa braso nya ang pagkakaalam kong si Eunice. Mas lalo pa akong nakaramdam ng kakaibang sakit ng makita syang nakangiti. Yung ngiti nya kasi parang sinasabing proud na proud sya sa kasama nya ngayon at never ko pang nakita ang ngiti nyang yun. Bakit parang hinihiling ko na sana ako nalang si Eunice? No! No! No! Ano ba naman itong iniisip mo Alex?
Humarap nalang ako sa counter at humingi ng beer. Si beer nanaman ang bestfriend ko at buti nalang andito sya sa lugar kung kailan kailangan ko sya. Nakita ko silang umupo sa VIP area na sinundan din ni Dylan. Nakahawak parin si Eunice sa kanya... grabe! Ano naman kung nakahawak sya? Baliw kana ba Alex? Bakit naapektuhan ka eh si yosi boy yan, mortal mong kaaway.