3 years ago...
"I'm really bored dude. Matagal pa ba yan?" tanong ko sa pinsan kong si Bracey. Andito kasi kami sa 2nd floor ng Starbucks at tinatapos nya ang thesis nya
"Give me an hour couz. Kailangan kasi detailed kaya natatagalan ako sa pagtataype."
"Just kidding dude, take your time. Libot lang muna ako sa labas. Text mo nalang ako kapag tapos kana."
"Sige couz, ingat ka ah. Lagot ako kay Tito kapag nawala ka. Papagalitan pa lalo ako nun dahil hindi kita inaasikaso lalo na't minsan ka lang magbakasyon dito sa Pilipinas."
"Okey lang noh tsaka para sa school mo yan. Wag kang magalala walang mangyayari sa akin." at nginitian ko siya
Since nirerenovate pa ang restaurant namin sa New York, my Dad decided to send me here in the Philippines for a vacation. I didn't say no since this country played a big part on why I became a good chef and this is something I look forward to. I'm staying with Bracey in which pinsan ko sa Mother side. Siya lang kasi ang ka-close ko kaya siya lang ang nayayaya kong lumabas.
I was checking a menu on one of the restaurants here in Bonifacio High Street when someone caught my attention. I think I just I saw my Angel but why is my angel crying. Nakatingin lang siya sa display ng mga ramen sa isang Japanese restaurant at patuloy lang sa pag-iyak. Ganoon kaya siya kagutom kaya naiiyak siya? Pero mukha naman siyang may kaya.
Lumapit ako at tinabihan siya. Mukhang hindi niya nahalata na katabi niya na ako dahil hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya. Hindi talaga bagay sa kanya ang umiiyak. I don't know why, but I hate the reason why she is crying.
"Ahmmm miss...Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya
"Ramen." rinig kong sabi niya pero hindi parin siya tumitingin sa akin
"Nagugutom ka ba Miss? Gusto mo bang kumain? Ililibre kita."
"Yosi boy." sabi naman niya ngayon
"Haaayyy...hindi ka naman mukhang baliw. Ano bang problema Miss?"
"Miss ko na siya..." at sinabi niyang yun mukhang alam ko na kung bakit. She's broken hearted.
She left me with no choice kaya marahan ko siyang hinila papasok sa resto. Ayaw ko kasi siyang magmukhang baliw sa labas. Hindi ko siya narinig na nagreklamo at tahimik lang sa tabi ko. Nagulat nalang ako ng bigla niyang hiniga ang ulo nya sa mesa at umiyak nanaman. Haaaayyyy...ano bang gagawin ko? I just decided to order her the ramen that she was looking at a while ago.
"Wag kana muna umiyak Miss. Kumain kana muna." sabay lapit ng ramen sa kanya
Narinig ko siyang sumisinghot singhot and kaysa maturn off sa kanya, I actually find it cute. Hehe. Pinunasan niya ang luha niya sabay kain nung ramen na binigay ko. Hanggang ngayon ay hindi parin niya ako tinatapunan ng tingin.
"Akala ko okey na ako pero hindi ko parin tanggap na iniwan niya ako ng ganon ganun lang." mukhang magsisimula na siyang magkwento
"Nakakatawa talaga kasi ang babaeng mahal niya ay kapareho pa ng pangalan ko. Mukhang ang pangalan ko lang ang nagustuhan niya at hindi ang pagkatao ko." malungkot nyang kwento sa akin. She really looks fragile yet still why does she looks so heavenly to me