PROLOGUE

207 18 0
                                    

PROLOGUE
I will Find You

"KUMUSTA ang araw mo, Anak?" tanong sa akin ni Mama pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.

"Ayos lang po," sagot ko bago ko ibinaba ang gamit ko sa sofa ng aming sala. Dumaretso ako kay Mama para humalik sa pisngi nito.

"Hmmm, nagugutom ka na ba?"

Umiling ako. "Hindi pa naman po," sagot ko. Hinanap ng mga mata ko si Papa. "Si Papa, Ma?"

"Nasa opisina pa ang Papa mo, Koku. Alam mo namang busy 'yon lalo na at marami silang proyektong pinagpaplanuhan ni Dobutsu, 'di ba?"

Napatango naman ako dahil dito. "Oo nga po pala. Ikaw ba, Ma? Hindi ka busy?" 

Natigilan ito bago marahang umiling nang makabawi. "Hindi naman," sagot nito. Weird. "Aakyat ka na ba muna sa kwarto mo? Tatawagin na lang kita kapag oras na ng hapunan."

"Sige po," sagot ko. "Akyat na muna ako, Ma."

Kinuha ko ang mga gamit ko at saka ako naglakad paakyat. Nang nasa huling baitang na ako ng hagdan ay bigla kong naalala ang usapan namin nila Hira noong nakaraan.

"Kailan tayo babalik sa dorm?" tanong ni Hira, tinutukoy ang bahay na para sa Q-Class.

"Kailan niyo ba gusto?" tanong ko.

Nagsitaasan ang mga kilay nila sa tanong ko. "Ikaw kamo. Kailan mo balak bumalik? Ilang buwan ka nang hindi tumutuloy sa dorm," ani Sena.

"Huh?" Agad na napaisip ako sa sinabi nila. Oo nga, hindi nga pala ako umuwi ng ilang buwan doon. Bakit ko nga ba ginawa 'yon?

Napapailing na nagpatuloy ako ng lakad. Hmmm, bakit nga ba dito ako umuuwi sa bahay? Hindi ba dapat na sa dorm ako tumutuloy ngayon?

Napagpasyahan kong tawagan si Rei. I'll ask him kung babalik na siya. Mag-iisang buwan na rin kasi mula nang umuwi rin sila sa kanya-kanya nilang bahay.

*Ring* *Ring*

"Hmmm?" bungad sa akin ni Rei pagkasagot niya ng tawag.

Napangiwi na lang ako dahil dito. "Kailan ka babalik sa dorm?" walang paligoy-ligoy na tanong ko.

"Ngayon na."

Nanlalaki ang mga matang napatigil ako sa paglalakad. "Eh?!"

"Oo nga, nag-aayos na ako ngayon ng mga gamit ko. Mag-ayos ka na rin ng sa 'yo. Magkita na lang tayo sa dorm," daredaretsong ani Rei bago nito ibinaba ang tawag.

What the? Ang atat naman niya! Makapag-impake na nga rin!

NANG akmang papasok na ako sa kwarto ko ay napatigil akong muli. Hmmm, ano bang laman ng kwartong nasa tapat ng sa akin? Ang natatandaan ko lang ay ipinagawa 'to ni Papa noong bata pa lamang ako at naeexcite pa nga ako sa thought na may tutuloy dito.

Napabuntong hininga nalang ako. Bakit ganito? Akala ko ba ay ibinalik na ni Papa ang lahat ng ala-ala ko?

Wala sa sariling pinasok ko ang kwartong nasa tapat ng sa akin.

Hmmm. Puro peach ang mga furniture. Para kanino ba 'to? Ang girly masyado.

Akmang bubuksan ko na sana ang closet na naro'n nang bigla akong nakakita ng nakaraan. Si Mama at Tito Reon na nag-uusap sa gubat.

"Ha? Anong nakita mo? Anong problema?" mabilis at sunod sunod na tanong ni Tito Reon kay Mama.

"Ang Giin," madiing sambit ni Mama. "Mali ang pag-aakala nating ang henerasyon natin ang pinaghihiwalay nila, Reon." Anong sinasabi ni Mama? 

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon