CHAPTER 15

104 12 8
                                    

CHAPTER 15
Spell Awkward

NATAPOS na ang mga klase namin sa 'Tactics and Planning'. Kagaya ng nakagawian ay may mga mind game na ipinalaro si Miss Yonda sa amin bilang introduction sa subject na hawak niya.

Dumaretso ako ng training room para intayin si Sir Azamuku. Dito ang napag-usapan naming meeting place.

Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto at saka pumasok si Sir Azamuku.

"Good afternoon," ani Sir Azamuku sa akin.

"Good Afterrnoon, Sir," bati ko pabalik.

Nginitian ako ni Sir Azamuku bago ito sumenyas na magtungo ako sa gitna ng silid kung saan siya huminto.

Kaagad naman akong lumapit dito.

"Anong gagawin natin ngayon, Sir Azamuku?" tanong ko.

Tinitigan lamang ako ng kaharap ko. Animo inaaral ako sa pamamagitan ng pagtitig.

"Mag-umpisa tayo sa pag-iimprove ng weakness na ipinamalas mo noong nakaraan," anito.

Napakunot ang noo ko. Anong tinutukoy niya? Yung mabilis na realization ni Ian na nasa loob siya ng isang ilusyon?

"Hmmm, mukhang hindi ka aware, ah?" ani Sir Azamuku. Napailing nalang ito bago biglang sumeryoso. "Tinulungan kita no'n, hindi mo ba napansin manlang?"

Napamaang ako sa narinig ko. Tinulungan niya ako? Paanong tulong?

"Anong sinasabi niyo, Sir?" naguguluhang tanong ko.

"Noong pumasok si Rei sa training room, Koku. Hindi kaagad siya nahulog sa ilusyon na ginawa mo," ani Sir Azamuku. "Tinulungan kita no'n, Koku."

Natahimik ako sa narinig ko. Saka ko lang naalala ang nangyari no'n. Matagal nga bago nahulog si Rei sa ilusyon na ginawa ko. Masyado kasing madilim no'n.

"Ang paggawa mo ng ilusyon ay punong puno ng butas, Koku," seryosong ani Sir Azamuku. "Palaging kinakailangan munang maka-eye contact mo ang kalaban mo bago siya mahulog sa ilusyong ginawa mo."

Gusto ko mang umangal ay wala akong masabi. Tama si Sir Azamuku.

"Lahat ng nagagawa mong ilusyon ay gumagana lamang kapag nagkabangga ang paningin niyo ng kalaban mo," pag-uulit pa ni Sir Azamuku. "Kung iisipin, napakadaling hindi mahulog sa ilusyong ginagawa mo. Iwasan lamang ng kalaban mong magkaro'n kayo ng eye contact ay wala nang mangyayari sa kanya."

Nakakatawa. Nakakainsulto. Pero tama si Sir Azamuku. Kaya rin ako sinabihang mahina ni Mama ay dahil alam niya ang mga kahinaan ko.

"'Wag kang malungkot masyado. Kaya nga tayo may special class, Koku, iiimprove natin ang weaknesses mo," ani Sir Azamuku.

Napatango ako. No need to dwell on it. I have a chance to improve myself. I should be more grateful than resentful.

"Let's start," ani Sir Azamuku.

Inayos ko ang sarili ko at saka ako tumango. "Okay," ani ko.

"Base sa sinabi kong kahinaan mo kanina, ano sa tingin mo ang dapat mong gawin para maeliminate ang kahinaan mong 'yon?"

Napaisip ako. Ngayon ko lang narealize kung gaano pala talaga kababaw ang nalalaman ko at kung gaano pa ako hindi handa.

"Eye contact is a weakness, right?" ani Sir Azamuku. Tinutulungan ako nitong maisip ko kung ano ang dapat na gawing solusyon.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon